Chapter 6: The Start of the Troubles

1 1 0
                                    

Heaven's POV

This is it! We're now heading to the campus. I'm with my bebs. Kinausap niya kasi ako kahapon na sabay na daw kaming pumunta sa campus dahil doon naman talaga kami magtitipon-tipon bago pumuntang airport.

"Good morning schoolmates! Good morning Herschelle University!"

Pagkababa palang namin ng kotse, ayon humarurot na si Elli papunta sa sasakyan naming bus. Hindi pa nakuntento at nag ingay pa talaga. Tss.. Hindi man lang ako tinulungan sa mga bagahe ko. Haha pero keri ko to isang backpack at maleta lang naman ang dala ko para sa week-long trip to Bohol namin.

Pag naiisip kong pupunta kaming Bohol, andun parin ang pagka excited ko. Haha marami na kasi akong narinig na mga good feedbacks tungkol sa Bohol.

From white sand beaches, nature adventure, historical places, tarsier and their signature tourist destination; the CHOCOLATE HILLS!

"Bebs!!! Ano pang tinutunga-tunganga mo dyan? Sakay na!!!" Sigaw ni Elli mula sa bus na sasakyan namin.

"Oo na! Teka nga lang!" Itong babaeng 'to talaga. Kahit kailan napaka atat!

"Hey, Heaven! May I help you?" Out of nowhere, parang isang kabuteng sumulpot naman itong napakagandang pigura na nasa harapan ko. Matangkad mga 6'8 ft, matangos ang ilong at mag mahahabang pilikmata,  may sexyng tindig at higit sa lahat abot tenga ang suot nyang ngiti na lalong nag emphasize sa kanyang mala chinitong mata.
Te--teka.. kilala ko 'to eh!

.
.
.
.
.
.
Ahmm..Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina. Hindi pala magandang pigura, ano lang isang malaswang istatwa.

"What's with that stare, by the way?"

Bakit ba siya english ng english? Duh? Mukha ba akong foreigner na hindi makakaintindi ng tagalog? Well, kung ganon nga, wala na akong magagawa kung talagang pang foreign beauty talaga ang kagandahan ko. Charott! Ka bulaslasan lang yun ng lola niyo hahaha!

"Eh kasi umagang umaga palang sinisira mo na agad yung araw ko!" Bulyaw ko sa kanya tapos lumakad na ulit papunta sa bus.

Bakit ba sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng lalaking ito, parang naiirita ako. Gwapo nga siya, aaminin ko na, pero duh?? Hindi ko siya type!
Choosy na kung choosy. Bahala na kayo dyan hahaha!

Pagpasok ko sa bus, tumambad na sakin ang mga kaklase kong mga grade 12 students din. Kung hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko, ako nga pala si Heaven Letizia Francisco. Isang Grade 12 SHS student at ang track na kinuha ko ay GAS. Kasi nga, wala pa akong kursong napipili o undecided pa. Kaklase ko si Elijah Jones at siya lang naman  ang walang ibang bungangera at napakabubbly na best friend ko. I also call her 'bebs'.

"Bebs, upo ka di--- este bebs my upuan ka na sa likod!" Ani ni Elli sakin. What? Nakapagtataka lang ha.

Mayamaya lang narinig kong nagbulong bulongan ang mga schoolmates ko sa loob ng bus.

"Dito siya sasakay!"
"Sana dito nalang siya umupo sa tabi ko."
"OhmyGod! Isang Jylle Aguas ang makakasabay natin dito sa bus!"

Kahit nagbubulungan lang sila, dinig na dinig ko parin kung anong pinag uusapan nila. Pero ano nga ba??
Lumingon ako sa pintuan ng bus at nakitang papasok na si Jill sa bus na sinasakyan namin.

Kaya naman pala. Tsss... mga babae talaga. Ganon na ba sila ka desperada? Wag niyo naman ipahalata gurllsss..

Dumiritso nalamang ako sa likod ng sasakyan at humanap ng mauupoan. Eksakto namang may isa akong kaklaseng nakaupo mag isa sa tapat ng bintana ng bus.

"Ahmm.. Bella, pwede bang makiupo dito sa tabi mo?" Tanong ko sa babaeng nakaupo sa sulok ng tahimik.

She only stared at me for seconds at bumalik sa pagkakatanaw niya sa labas mula sa bintana ng bus.

Fight Ain't FairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon