Chapter 5: A Night Before the Trip

0 1 0
                                    


Heaven's POV

Tonight's the night before the said trip. Ako? Andito lang naman ako sa kwarto at naghahanda ng mga dadalhin at kakailanganin ko sa trip habang nagvi-video call kay Elli.

"Ano pa bang ibang kakailanganin ko, bebs?" Tanong ni Elli sakin sa kabilang linya.

"Abay, ewan ko sayo! Pero siguraduhin mong dalhin yung powerbank mo dahil malolowbat ka na naman kaka-stalk sa mga ka-churvahan mo dyan." Totoo naman talaga. Himala na siguro kapag hindi siya nakakapagcharge ng phone ng hindi bababa sa limang charge.

"Grabe ka naman! Pero sabagay. Hindi ko naman talaga yun makakalimutan no. Duh?" -Elli

Aba! Aba! Siya na nga itong pinapa alahanan siya pa tong mamimilosopo. Tss..

"Kung wala ka ng ibang sasabihin, Ciao!" Humarap ako sa laptop ko habang sinasabi yun sabay pindot ng end button. Bahala siya, nakakainis.

*Ting!*
You received a message from Jylle Aguas.

-_-  Ano na naman kaya yun? I-istorbohin lang ba rin niya ako? Tss..

Jylle: Magandang gabi sayo, binibini!

Heaven: oh? Anong kailangan mo?

Jylle:  Wala ka man lang bang pa-hello dyan?

Heaven: Ba't mo ba ako china-chat?

Jylle: Aba! Sumosobra kana ha. Yung iba nga dyan nagkakandarapa silang machatan ko, tapos choosy kapa!

Heaven: Pwes, ibahin mo ako sa kanila! Tsaka wala naman akong nakikitang kakaiba sayo para saluduhan at pagpantasyahan.

Jylle: Ouch! Ganon na ba talaga ako para sa'yo?

Heaven: Bakit, hindi ba?

Jylle: Ang taray mo naman.

*Seen*

Si-neen ko nalang siya. Pagod na rin ako eh.  Pagkatapos non ginawa ko na ang evening routine ko at maagang natulog. 

Because tommorow will be an amazing day. An all-day long activity is approaching!


Fight Ain't FairWhere stories live. Discover now