Niyakap ko ang aking anak na ngayon ko lamang ginawa sa buong buhay ko.

"A-Ama..."

"Ipinagmamalaki kita, anak."

Nagtungo ako sa aking silid kung saan nag-aantay ang aking Reyna.

"Reyna Sheena." malamig na bati ko rito na nakaupo ngayon sa aking pahingahan.

"Kamahalan..." malamig ding bati nito.

Napangisi na lamang ako.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Kinakailangan ba ng dahilan upang dalawin ang aking Hari?"

Nilapitan ko ito at pasakal na hiniga sa aking pahingahan.

"A-Ack!! K-Kamahalan!"

"Pinatay mo ang minamahal kong babae. Pinatay mo si Matilda."

Isang malakas na sampal ang binigay ko at saka ito binitiwang maluha-luha.

"Umalis ka sa harapan ko, bago kita mapatay."

"P-Pagsisisihan mo ito!"

Pagbagsak na naupo ako sa gilid ng aking pahingahan at hawak ang aking ulo.

"Matagal na akong nagsisi."

Kahit na maraming babae, prinsesa at reyna ang nakilala ko, hindi pa rin nila mapapantayan si Matilda. Kahit na marami akong babae, si Matilda pa rin ang nakatatak sa puso ko.

Ang mga babaeng iyon ay para lamang mas lumakas ang aking kapangyarihan na labis kong pinagsisihan. Kung nasa piling ko lamang si Matilda ay hinding hindi ko ilulunod ang sarili ko sa kapangyarihan.

Hintayin mo lamang ako, mahal ko. Matapos kong itama ang mga pagkakamali ko ay magkakasama na tayo.

Hurricane's Point of View

Hihikab hikab na lumabas ako ng kweba.

"Magandang umaga." bati ko sa kanila nang nakangiti.

"Magandang umaga rin." bati nila.

"Hehehe, bakit?" tanong ko dahil nakatingin sila sa akin.

Napatingin ako kay Simone na pinatong sa ulo ko ang taklob ko.

"Aalis na tayo."

"Waaah! Talaga? Saan tayo pupunta?"

"Bukod sa KIN Palacio at Hideus ay may isa pang lagusan dito na maghahatid sa atin sa Mysterium ayon kay Lihtan." sambit ni Tenere na kinatango ni Lihtan.

Mysterium?

"Hindi pa ako nakakapunta roon pero sa pagkakaalam ko ay maraming daan doon na nakahihilo at nakakalito. Kaya naman hindi sila madaling nasasakop ng ibang kaharian." -Taki

Ah... Tumango tango ako at tumayo.

"Punta na tayo!" palakpak ko.

Napapakamot na tumayo rin sila.

"Naiintindihan ko na ang ibig mong sabihin, Simone." -Lihtan

"Ako rin." -Taki

"Naiintindihan na rin kita, Simone." -Tenere

"Ha? Anong pinag-uusapan niyo?" nakangusong tanong ko dahil sa mga bulungan nila.

"Kapag may sinabing lugar sa kanya pupuntahahan niya." -Tenere

"Hindi siya magdadalawang isip." -Taki

"Go lang nang go." -Simone

"Ano 'yung go nang go?" -Lihtan

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon