TEWR Chapter 7

19.6K 402 19
                                    

"Hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente, nag-iiba at nag-iiba ito sa paglipas ng panahon"
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°















THE event has come, at abala si Monique sa pag-aayos sa sarili when the door in her room suddenly open at niluwa nito ang isang maliit na bata. Nakanguso itong lumapit sa kanya.

"Mummy, what time will you get home?" Keisha Alliyah asked her.

"I'm sorry sweetheart," ani Monique at nag-isip. "Maybe midnight," she shrugged her shoulders. "I don't know. Just don't wait for mummy, hmm?" sabi niya at hinalikan sa noo ang anak.

Nakangiti siya habang kinakausap ang anak nang may kumatok sa pintuan at niluwa nito ang ulo ng isa sa kanilang mga katulong.

"Mam Monique, nasa baba na po ang sundo niyo inaantay kayo." Ani ng babaeng katulong.

Nangunot ang noo ni Monique dahil sa pagkakaalam niya wala namang sinabi o inutos siya sa ama para sunduin siya rito, at mas lalong hindi naman nagbilin ang kanyang ama na may susundo sa kanya.

"I'm sorry?"

Ngumiti ang babae.

"Nasa baba na po ang sundo niyo mam nag-aantay," pagkatapos sabihin iyon ay agad itong umalis.


Lumabas na ng kwarto si Monique kasama ang anak at bumaba. Habang pababa ay iniisip parin niya kung sino ang taong sumundo sa kanya. Hindi naman sa ayaw niyang may sumundo sa kanya, but she can drive, pwede rin na magpahatid nalang siya sa kanilang driver.

Nang makita na niya ang taong sumundo sa kanya ay bigla nalang siyang nanlamig, dumiin rin ang pagkakahawak niya sa kamay ng anak. She heaved a sigh nang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.

Nang nasa harapan na sila ng lalaki at tumikhim siya para hindi halatang kinakabahan siya.

"T-Thank you for wasting your time coming here," Napamura siya sa kanyang isipan nang bigla nalang siyang mautal. She smiled tightly. "You can go now, I can drive for myself."

Bumuntong hininga naman ang lalaki at tumingin sa kanyang wristwatch. He avoided to stare much on her dress, it's quite daring and he don't like it.

"Let's go" His eyes landed on the kid beside her. In an instant he felt his heart melt; her eyes that looks more of him, and her innocent stares shows too much adoration.

He hemmed and face her. "The event will start an hour from now." ani Kevin at nauna ng tumalikod at naglakad palabas ng bahay.

Puta!

Napamura ulit si Monique sa kanyang isipan nang baliwalain nito ang kanyang sinabi at nauna pang lumabas. She tsked.

She took a deep sigh and compose herself. Hindi niya papayagang masira ang gabi niya dahil lang sa unghang na lalaking 'yon.

"Baby, mummy needs to go now. Don't wait for me, okay?" She kissed her forehead. "Sleep tight sweetheart, I love you." sabi niya at ngumiti pagkatapos ay hinalikan muli sa noo ang anak.

Paglabas niya ng bahay ay nakita niya si Kevin na kampanteng nakasandal sa pintuan ng kotse nito habang inaantay siya. Nakatalikod ito mula sa pwesto niya at kahit rinig na rinig nito ang takong ng kanyang stiletto ay parang wala lang itong pakialam kaya nauna na siyang pumasok sa loob ng kotse nito, asa pa siyang pagbubuksan siya nito. Pagkapasok ay padabog niyang sinarado ang pinto dahilan para magulat ang lalaki.

Series 1: The Ex-wife Return - COMPLETED [Slowly Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon