Chapter 25

108 11 5
                                    

This Chapter is Dedicated to roonaay06 haha be sorry na ❤ Enjoy ❤❤❤

Seya's POV

Simula pa kanina ay hindi ko na nakita si Nate

Tinanong ko kay Kuya at sabi niya naman ay pumasok na si Nate nalungkot ako nung marinig ko yon

Bukod kasi sa Gusto ko ng pumasok . Gusto ko na rin siyang Makita :<

" Tss. Sy wag mo na nga siyang isipin". Biglang sabi ni Kuya saakin habang nag aayos ng Almusal ko

"Kuya naman e. Hindi ko naman Kasi iniisip si Nate-- "

Napangisi naman si Kuya kaya napayuko ako

"Ang Bunso namin nag dadalaga na."

"Kuya matagal na kong dalaga .". Sagot ko sakaniya at saka siya inirapan

"Ahh talaga ba? Kaya pala punong puno pa rin ng Candies yung bag mo" pang aasar niya saakin

"May Candies lang baby na? Hay nako Kuya"

"Tss. Pero Teka .. bakit si Nate ang unang na isip mo e Wala naman akong Sinabing pangalan".

Bakit nga ba siya? >•< ayy Ewan

" Eh ? kuya halata naman na siya yung tinutukoy mo". Baling ko pa sakaniya

"Wala naman akong tinutukoy . Malay mo si Lolo , Zach or kung sino man yung tinutukoy ko. Hay nako Sy In denial ka hahahha alam ko na yang mga ganiyan no" Pang aasar niya nanaman saakin

"Tss . Akala mo talaga may alam sa love".

"Hoyy Sysy! Baka hindi mo alam na matinik 'tong kuya mo" pag mamalaki pa niya at inilagay ang table na pang Ospital saakin
Sumubo muna ako bago tumingin sakaniya

"Bakit Kuya Bangus ka na ba ngayon at matinik ka? Hahahaha--- Aray!!! " Sigaw ko sakaniya ng Batukan niya ako

Masakit yun ah -__-

"Ang sama mo talaga kuya! Hindi mo na talaga ako Mahal huhuhu ".

"Tss Drama!" Sabay pitik niya sa noo ko

" Pangalawa na yan Kuya ah! Susumbong talaga kita kay Kuya Andy."

"Tara samahan pa kita e." Pinalo ko siya sa braso

Sabay kaming napalingon ni Kuya ng may bumukas ng Pinto

"Oh Anong kaguluhan 'to?" Tanong ni Kuya Andy na kapapasok lang .

"Si Kuya Zeus kasi Kuya kanina Binatukan ako tapos Pinitik pa ako sa noo." Sumbong ko sakaniya tumawa naman siya

"Nako Sy Wala tayong laban sa isang yan "

Psh walang katarungan 'yon ah!

Sinimangutan ko silang dalawa

"Sweet niyo talaga e no? Tss." Sarkastikong sabi ko sakanilang dalawa.

Nag tinginan silang dalawa na parang may binabalak gawin

Pumwesto si Kuya Zeus sa Kanang talampakan ko at sa Kaliwa naman si Kuya Andy

Waaaaahh mukhang alam ko na kung anong binabalak nilang gawin

" Huhuhu promise libre ko kayo pag labas ko dito. Kahit ilang French Fries pa huhu Kuya..."

TNGNM is the new ILOVEYOU (ON GOING)Where stories live. Discover now