Chapter 17

110 13 11
                                    

Seya's POV

Nandito kami ngayon ni Nate sa ilalim ng puno ng mangga pagkatapos Kasi ng program kanina binigyan nalang kami ng free time naii stress talaga ko sa mga Thesis at projects samahan pa ng sandamakmak na assignments *sigh* hay buhay balak talaga kami nila i stressin mukhang may galit 'tong school na 'to sa mga estudyante pero Wala naman ako o kaming magagawa *sigh* tsk.

"Pangalawa mo na 'yan " napalingon naman ako kay Nate na nagpipigil ng tawa bumubuntong hininga lang naman ako anong nakakatawa doon?

"Alin ang pangalawa?".  Tanong ko sakaniya Kasi naman kung mang aasar siya dapat buo na hindi yung pa logic pa hindi ko magets e

Tumawa naman siya ng mahina hindi ko maalis yung tingin ko sakaniya parang may nanghihila sa mga mata ko na doon lang sila

"Kanina ka pa Kasi bumubuntong hininga ng napakalalim mukhang problemado ka talaga "  masyadong obvious ba na stress ako? Hayy sayang ang beauty ko nito e

"Hindi ka ba naii stress?" Tanong ko sakaniya Kasi sa tuwing makikita ko siya relax lang yung mukha niya pero ako tawa ng tawa pero andaming problema

"Stress saan?".   Diba? Kung stress to dapat alam na niya kung saan .

"Stress sa pag aaral dito sa School na 'to".  Sagot ko naman sakaniya tumawa nanaman siya ng mahina .

"Ahh hindi naman . Bakit naman ako ma ii stress?".  Buti pa siya hindi *pout *

"Alam mo Kasi Seya wag ka masyadong stress sa pag aaral Minsan lang maging teenager  kaya enjoy your life give yourself a happiness"  dagdag niya sa sinabi niya Buti pa talaga siya kaya niyang pagaanin yung loob niya

"Masaya naman ako ah". 

Masaya pero parang hindi

"Sy yung totoong masaya .hindi yung ngiti at tawang peke hindi lahat ng ngiti at mga tawa ay totoo Minsan ginagamit 'to pag ayaw mong makitang nahihirapan ka at nasasaktan hindi porke nakangiti ako ngayon masaya na ako alam mo Sy hindi madaling magtago ng nararamdaman"   napatulala lang ako sa sinabi niya parang tinamaan ako doon Kasi feeling ko fake yung mga tawa at ngiti ko ngayon .

"Kung naiiyak ka iiyak mo Kasi hanggat nandiyan yan mabigat talaga yan sa loob "  dahil sa sinabi niya kusang tumulo ang luha ko hindi lang naman ako sa school stress pati rin sa bahay nahihirapan pa talaga ako na tanggapin na wala na si Lolo parang kelan lang nung nagtatawanan kami pero ngayon Wala na siya

Nagulat ako ng sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

"I'll be your crying shoulder Seya hanggat gusto mo" gusto kong umiyak ng umiyak  naramdaman ko ang pag bigat ng mga talukap ng mata ko

Sana mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko.

~~~~~~~~~

Nate's POV

Pinunasan ko ang mga luha na natira sa mata ni Seya hinayaan ko na matulog siya sa balikat ko ito ang kailangan niya ngayon

Sana hindi ko nalang 'yon sinimulan para hindi ako natatakot ngayon na baka masaktan ulit kita...

Gusto kong sabihin na... Mahal na kita pero parang hindi ko kaya natatakot ako ...
Natatakot akong ma reject at baka masaktan nanaman ako

Palilipasin ko Muna ang bagong taon bago ko sabihin 'yon kay Seya alam kong magagalit ulit siya saakin pero handa akong tanggapin yon dahil isa akong naoakalaking tanga para saktan ang Isang Seya Tailor..

TNGNM is the new ILOVEYOU (ON GOING)Where stories live. Discover now