Chapter 15

88 11 5
                                    

Seya's POV

"Okay . 30 minutes break!".  Sigaw saamin ng choreographer na kinuha ng school para mag turo saamin

Putcha talaga ang sakit sa paa napaupo ako sa isang upuan sa gilid ng stage  hawak ko sa isang kamay ko yung sakong ko tinanggal ko Muna yung pahirap na sapatos na 'yon ang sakit sa paa

Habang umiinom ako may humawak sa paa ko sa sobrang gulat ko nabuga ko yung tubig sa mukha ni..

"Zach sorry  ... Sorry talaga ".  Napayuko ako sa kahiyaan habang narinig ko naman siyang tumawa ? Bakit siya tumatawa? Nakakatuwa bang mabugahan ng tubig? Ma try nga yan Minsan ..

"Ang laughtrip ng mukha mo kanina Seya hahahaha nakakatawa!".  Napatawa nalang ako sa inasal niya

"Masakit ba?".  Tanong niya saakin habang hawak yung paa ko

"Ah medyo"  nilagyan niya ng band aid yung sugat na nandoon sa paa ko ...

" Tapos na kayo? May practice pa baka nakakalimutan niyo?"  Napatingin kami ni Zach sa nagsalita.

Nakita ko si Nate na seryoso yung pagmumukha na reject siguro yan ng babaeng gusto niya  , yan naman laging problema niya .. may bago ba?

Oo nga pala dalawang pair yung kinuha ng teacher namin sa section namin ..

Para more chances of winning daw kaya napasama si Zach at Arianna nakikita ko nga sa mukha ni Zach na ayaw na ayaw niya doon sa babae na 'yon pacute kase masyado tsaka maarteng palaka talaga siya

Tinawag na kami ng nagtuturo saamin dahil sadyang maraming kaartehan ang School na to kailangan may introduction pa daw ..

Pwede namang sa iba nalang ...kami pa talaga  nakakapagod kaya

Unang tinuro saamin ang pag sasayaw ng by partner

"Oy Nate! Tayo ka na diyan papagalitan na tayo oh. " Saksakan talaga ng arte 'tong lalaking 'to kanina pa ayaw tumayo baka pagalitan na kami dahil sa ginagawa niya

"Sumayaw ka mag isa mo."  Walang emosyon na sabi niya bahala siya nakakainis talaga siya

"Ano ba kasing problema mo ha?! "  Kagabi  pa Kasi siya ganiyan tapos kaninang umaga habang nag tatawanan kami ni Zach Bigla niyang binato yung  Bag niya Sabay pasok sa Guest room.

Hanggang ngayon ganiyan pa rin siya nakakainis na nga e.

"Problema ko?! Ikaw! Ikaw yung problema ko! Iba't iba yung kasama mong lalaki"  Natigilan ako sa sinabi niya.

Nagtinginan yung mga contestants na kasama namin

Kailanman hindi ko inisip na masasabihan niya ako ng ganoon.

Tumulo yung mga luha ko ng kusa.. ito Kasi ang unang beses na nasabihan ako ng ganoon.

"Seya Let me explain please.. Hindi ko sin--"  hindi ko siya  pinatapos at tumakbo ako palayo sa kaniya

Pumasok ako sa isang abandonadong building sa school umiyak ako ng umiyak ...

Bakit ba siya ganon magsalita?   Hindi naman siya ganoon e.

Hindi na ko makahinga... Naninikip na yung dibdib ko

Hinanap ko sa bag ko yung Inhaler ko.

Pero hindi ko Makita "nasaan na ba Kasi 'yon? "  Ayoko ng ganitong pakiramdam .

Nahawakan ko na yung Inhaler ko  pero nabitawan ko dahil bigla akong nanlambot...

Bumagsak ako at nag dilim na lahat.

TNGNM is the new ILOVEYOU (ON GOING)Where stories live. Discover now