Chapter 3

297 16 7
                                    


Seya's POV

Shutanginers ayan nanaman yung nanay ko nagrarap nanaman ansarap sabayan ng Beat ee. Kauuwi lang namin kahapon galing ospital dahil hindi naman malala yung sa braso ko tinanggal na den yung Cast doon .pero pakinggan niyo rap ng nanay ko

"Putragis kang bata ka ang aga aga pinaiinit mo ulo ko , sinabi ko naman sayo na magimpake ka na pero tignan mo nakakalat pa dito yung panty mo ,paano nalang pag nag asawa ka ha? Asawa mo magliligpit ng panty mo ! "

Masabayan nga ng Beat .

"Yeah yeah yeah"

"Poootttraaaaagiiissss ka pa ye ye ka pa diyan imbis na maligo ka na dahil padating na ang mga kuya mo pa iPhone iPhone ka pa"

Shutanginers Wala naman kaming iPhone iba sigurong bata yung nakita ni Nanay , o kaya nagpapantasiya nanay ko.

"Nay Wala naman tayong iPhone ano bang pinagsasabi mo?"

"Ayy pokrita kang bata ka ano yang hawak mo"

"Nay yan po yung laruan na binili niyo saakin date."

"Ayy basta magligpit ka na ng mga gamit mo at ipapatapon na kita "

"Nay puwedeng request"

"Ano nanaman 'yon putragis ka !"

"Ayy si nanay High blood , gusto ko lang po irequest na kung ipapatapon niyo ako sa malayo na po it's either sa South Korea o sa Paris pwede rin naman pong sa U.S hehe "

"Seeeeeeeeeeeeeyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Si nanay talaga hindi mabiro joke lang naman ee huhuhu mapapalo nanaman ako ng hanger.

"Nay wag hanger Mahal yan Sige ka wala na tayong pang sampay."

"Tigil tigilan mo ko ha."

"Peace tayo nay ."

1 2 3 ...Takbooooooooooooo.

Kumaripas ako ng takbo pataas muntik na nga gumiba bahay namen ee.

Nilock ko yung pinto ng kwarto ko napataatras ako sa sobrang pagkataranta nakalimutan ko na nasa likod ko pala yung mga sandamakmak ko na libro na galing kala kuya napalingon ako doon tapos sabay

"Ahhhh huhuhuhu mashaket ihh alam mo ba 'yon ha? Mashaket huhuhu". Lahat nalang ba nanakit pati ba naman bookshelves at mga libro nanakit na ren? Lahat nalang lahat nalang.

"Ganiyan naman kayo ee nanakit kayo lagi!"

Sigaw ko sa bookshelve at libro na tumama sa bunbunan ko.

"Hoy bata ka lumabas ka diyan, Wala ka namang lablayp paganiyan ganiyan ka pa."

Ang hard ng nanay ko kailangan bang ipagsigawan na Wala akong lablayp . Huhuhu mashaket ee mashaket alam niyo ba 'yon? Ay oo nga pala Wala nga pala kayong lablayp pero maganda talaga ko maniwala kayo kase pag hindi .. Wala lang .

"Putragis ka! Andiyan na mga kuya mo bumaba ka na!"

"Ediwow nay . Wag ako petmalu Karin ihh no? Style mo bulok ."

"Bahala ka sa Buhay mo akin na tong mga chukulet."

Ayy hindi imported 'yon.alam niyo kung bakit? Chukulet? Ngayon ko lang narinig yun ee.

TNGNM is the new ILOVEYOU (ON GOING)Where stories live. Discover now