Chapter 4

246 16 3
                                    

Seya's POV

Wahhhh anong ginagawa niya dito? Pagbabayadin niya ba ako ng hospital bill? Huhu Wala akong pera pero pahihiramin naman siguro ako nila kuya pero hindi ee ano ba kasing pakay niya?

"A-Anong kailangan mo?".  Huhu sana Wala siyang balak na masama.

"Wala lang."

"Huh? Nagpunta ka kase Wala lang? May sira ka ba?"

"Hindi ba pwedeng napadaan lang.".   Napadaan? Baliw ba to?

"Napadaan? Eh? Kumatok ka nga ee , kung napadaan ka lang bakit ka kumatok?"

"Hindi ba pwedeng trip ko lang?"  Baliw ampotek  kakatok? Napadaan ? Trip? Aba may sayad talaga siya sino ba naman kaseng matinong tao yung Napadaan lang tapos trip lang na kumatok? Naistorbo tuloy ako hayy badtrip .

"Seya sino ba yan ? Bakit hindi mo Papasukin.".  Eh? 'yoko nga dami niyang kasalanan saaken  una binato yung Lollipop ko pangalawa sinagasaan ako pangatlo inistorbo ako sa pagkain hindi ko siya papapasukin may paninindigan ako . Tama oo hindi .

"Pumasok ka na nga lang!".   Siyempre Joke lang yung kanina mapapalo nanaman ako ng hanger ni Nanay pag hindi ko yan pinapasok close sila niyan ee noong nasa hospital nga ako pa pinagalitan ang tanga ko daw kase . Ako na nga nasagasaan ako pa pinagalitan .

"Seya tumayo ka at kumuha ka ng Plato niya Dali. Masamang pinagiintay  ang bisita masamang ugali yan "  Bakit ako? Bakit hindi yan yung pakuhain niyo punta punta dito paepal . Kung masama pagintayin ang bisita pwes masamang utusan ang maganda.

"Punta punta pa kase ee nautusan tuloy ako.".  Pabulong kong sabi

"Anong sabi mo seya?"  Huhu Patay na narinig ni Nanay .

"Ang sabi ko po punta lang siya.ilan bang Plato gusto mo? "  Tanong ko sakaniya actually ito dapat yung Tanong  "Ilang Plato gusto mong ipalunok ko sayo ng buo at ilang baso ang gusto mong ipalaklak sayo at ilang kutsara, tinidor ang gusto mong ibaon sa lalamunan mo?" Kaso alam niyo naman yung Hanger nakahanda na pag sinabi ko yan kaya kahit labag sa loob ko gagawin ko nalang .

"Ohh Plato.".  Tinapal ko talaga yung Plato sa mukha niya para dama.

"Nay ohh si Seya ansakit tinampal yung Plato sa mukha ko.".  Aba siya pa may gana magsumbong?  Ako anak dito ee feel at home nanaman tong hayupak na to .

"Seya ano ka ba naman".  Ohh diba? Ako Uli napagalitan.

Akmang kukuha na ko ng hipon ng biglang

"Akin na to lahat nay ahh."   Wahhhh yung mga baby hipon ko kukuhain niya na huhuhu pano nalang ang Little Tummy ko huhu kawawa hindi makakakain.

"Wahhhh? Nay sino ba yang hayupak na yan?"

"Anak si Nate yung inaalagaan ko dati. Hindi mo ba siya naaalala?"  As in Nate Park? The Tababoy Hahahaha

"Ahh siya pala nay si Taba ? Yung nambubully saamin ni Blake?"

"Yeah ako nga"  sabay smirk niya , pero speaking of Blake hindi kaya yung Blake na nakilala ko yung Blake na kababata ko?

"Ano nga Uli surname ni Blake?"

"Hail"

"Omayyygggaaatttsss! As in Blake Hail? siya 'yon? Si Lampa?".  Ibang iba siya ang gwapo niya na sobra ang tangkad pa hindi kagaya nitong si Nate .

TNGNM is the new ILOVEYOU (ON GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang