Chapter 12

160 12 15
                                    


Seya's POV

"We? Hindi ka nag jojoke?"   Paninigurado ko sakaniya .

Kasi naman gusto niyang sumakay sa Roller Coaster okay lang naman kung siya lang diba? Kaso gusto niya ako isama parang balak niya ko patayin

Hindi na nga ko mapakali sa bilis ng tibok ng puso ko tuwing ngingiti siya tapos balak niya pa ako pasakayin diyan

"Mukha ba 'kong nagjojoke?"  Tinignan ko naman siya sa mukha ng matagal Lunok pa nga siya ng Lunok Malay ko ba kung bakit baka nauhaw tapos walang tubig.

"Hmmmm...Hindi ka naman mukhang nag jojoke pero Kasi.... Kasi..."

"Kasi?" >.<    Sasabihin ko ba na takot ako? Kasi baka gawin nanaman niya 'tong pang asar saakin

Hindi na lang ako nagsalita at nilaro ang mga daliri ko para pawalain ang kaba na nararamdaman ko.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko literal na nanlaki ang mata ko nang nakita ko na si Nate pala 'yon yung puso ko talaga parang lalabas na 0_0

" 'wag kang matakot nandito ako "  sabay ngumiti siya saakin na nagpabilis nanaman ng tibok ng puso ko.

Nginitian ko nalang siya ng alanganin kase parang may nagwawala na kung ano sa dibdib ko .

Yumuko nalang ako Kasi feeling ko talaga sobrang init sa lugar na 'to tagaktak na Kasi pawis ko .. ^()^

Tumakbo naman Kami ng magkahawak ang kamay hindi ko alam kung anong nag udyok saakin na hawakan pabalik yung kamay niya

Ngayon para na talaga akong kinukuryente

Tumingin siya sa kamay namin na magkahawak  atsaka tumingin  na saakin Uli at ngumiti .

Napangiti ako pabalik sakaniya.

Pumila na kami  at huminga Muna ako ng napakalalim bago sumakay .

Kahit  nakasakay na kami ay hawak niya parin ang kamay ko.

Nagsimula na yung Roller Coaster hanggang sa nakakatakot na talaga yung pag ikot non.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!".  Napapaos na talaga ko kakasigaw next time talaga hindi na ko sasama sa Nate na 'to bakit ko ba Kasi nakalimutan na napakalaking bwisit niya sa buhay ko at pumayag ako ng dahil lang sa paghawak niya sa kamay ko.

Nakailang ikot pa yung Roller coaster na 'yon bago tumigil

Wala na yata akong boses huhuhu
Isinusumpa talaga kita Nate Park!

Pinunasan ko yung ilang luha na tumulo kanina habang umiiyak at sumisigaw ako habang yung bakulaw na katabi ko ayun mamatay matay na kakatawa 
Nagtuluan na nga yata lahat ng uhog ko doon e.

Tanggalang Nate talaga yan!

Matuluyan ka sana bwisit!

"Hahahah ang epic talaga ng mukha mo dito Sy hahahhaha".  Pinakita niya saakin yung picture ko na sumisigaw habang may luha pa ako

Promise mukha talaga kong unggoy doon
Malay ko Kung paano niya Nakuha yung pictures na yan kanina habang umaandar .

"Sige tawa ka pang hayop kang demonyo ka! ".  Kung ano ano ng sinasabi ko pero siya tawa pa rin ng tawa

Baliw amputek...

Naglakad kami kung saan saan
nararamdaman ako ng gutom

"Oy! Gutom na ko!"  Tinignan niya parin ako habang tawa ng tawa doon sa mga pictures na nakuhaan niya.

TNGNM is the new ILOVEYOU (ON GOING)Where stories live. Discover now