Chapter 9

135 12 8
                                    

A/N : Bago ang lahat gusto ko magpasalamat sa mga nagbabasa kung Meron man or kung konti okay lang gusto ko lang na malaman niyo na nagpapasalamat ako kase #881 in Teenfiction na 'to alam ko na may magsasabi na " para ayan lang masaya na siya" " ang babaw naman ng kaligayahan" para saakin na napagtripan lang naman gumawa ng story galing sa mga imaginations ko wala naman saakin kung ilang votes, read, comments pero hindi naman natin maiiwasan maging masaya pag may mga ganiyang balita na dumating diba? Masaya lang ako well para sa mga readers (lol) haha Thank you so much.. sorry sa late na update busy lang po ^-^ again MABABAW LANG ANG KALIGAYAHAN KO . Pero salamat ^_^ Maraming maraming salamat

Ps: Isang comment naman diyan lol hahaha ^0^ ___________________________________

Nate's POV

Nakakainis! Nakakainis!

Nanggigil talaga ako sa lalaking 'yon ang sakit sa ulo .

"Nakakainis kabago bago ganoon umasta? Anong akala niya mapapantayan niya ang isang Nate Park? Huh! Asa siya at kung hindi ba naman sira ang ulo ng Seya na 'yon sumama pa siya samantalang ako ipinahiya niya? Tskk. Akala naman nila kaya nila ako ? Akala lang nila 'yon magsama silang dalawa mga isip bata sila tsaka mas pogi ako doon no!"

Para akong tanga na sumisigaw dito na Akala mo may kausap talaga ko .

Tskk magmukha na akong tanga pero nakakainis talaga yung Az? Az... Ano nga ba 'yon? Ah basta feeling pogi siya akala niya naman mahihigitan niya ako? At isa pa yang Seya na yan makahila doon sa pilingero na 'yon akala mo close talaga sila samantalang mas matagal na kami magkasama kahit pa binubully ko siya noon tama ba naman na iwanan niya ang kababata niya?

Di hamak na mas pogi ako doon.

Teka nga bakit ba ako nagkaka ganito?

Abay Malay ko wag niyo kong tinatanong mainit ulo ko!

Pinagsisipa ko yung mga bato doon sa may pinagtatambayan ko sa likod ng school garden.

May ilang estudyante na napapadaan.

"Ano kayang nangyari kay Nate my labs? Bakit siya galit?"

"Ay nako kaya galit yan kase hiniwalayan ko siya "

"Gaga assumera ka naman ako kaya ang dahilan."

Tskk anlakas ng loob nila na magbulungan o magbulungan nga ba dahil naririnig ko naman sila.

"Pwede ba?". Napatingin naman sila saakin na ikinagulat nila.

"Kung magbubulungan lang naman kayo wag sa harap ng taong pinagbubulungan niyo? Huh?! Mga walang kwenta!" Hindi ko napigilan na mapasigaw kaya nagtinginan ang mga estudyante na nakatambay ren sa lugar na iyon.

Nagtakbuhan naman yung mga babaeng nagbubulungan sa harap ko kanina na halatang natakot saakin.

Aba dapat lang no?!

"Hoy Nate bakulaw!" Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko nanaman siya
Tskk pagkatapos niya kong iwan?!

"Sabi ni Nanay sumama ka daw sa bahay doon ka daw mag hapunan para daw mapasalamatan ka niya sa ' kabutihan 'mo daw na nagawa saakin " tsk ewan ko ba kung guni guni ko lang na diniinan niya yung 'kabutihan daw' aba magpasalamat talaga siya at inalagaan ko siya.

TNGNM is the new ILOVEYOU (ON GOING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz