Part 10: Befriending the Enemy

6 1 0
                                    

My first plan didn't work out well so let's jump to plan B.

"Are you really sure about that Stacy?" nag-aalalang tanong sa kin ni Corrie

"Don't worry dear, I got this." i said smugly habang mala-model kaming naglalakad papasok ng school.

"But what if magalit si Sync? Di ba sinabi nya sa'yo to stir clear away from Summer"

"At kelan naman ako naging masunuring bata? Besides ano namang masama sa pag ooffer ng friendship?" tanong ko habang nagsmirk pa.

"Alam mo ako ang kinakabahan jan sa balak mo eh." naiiling na lang na sabi ni Aubrey.

"Tsk. Kahit ano namang sabihin natin sa gagang yan eh di naman makikinig yan" nagcross arms pa talaga si Corrie habang sinasabi yun.

"Just wish me luck bitches" nakangiti kong sabi at nagpatuloy na sa paglalakad patungo kay Summer.

============================

"Good Morning Bitch." nakangiti kong bati sa kanya.

"Please Stacy pwede timeout muna? Di pa magaling mga sugat ko eh. Baka bukas pwede na kong makipagaway sa yo. Pass muna ngayon." aba't talagang malakas ang guts ng babaeng to ha. You will pay for this. Just wait darling.

"Tsk. Ano ka ba Summer, hindi ako lumapit sa'yo para makipagaway. I'm actually here to say sorry, for everything i've done. Really sorry, Summer." Eww, parang gusto ko ng masuka sa mga pinagsasasabi ko.

"Woah, end of the world na ba?" malakas na bulong ni Jazelle kaya siniko sya ni Summer.
Hold it in Stacy. Remember you're doing this to get Sync back.

"Stacy, di ba nabagok ulo mo? Okay ka lang?" tanong ni Summer. Tanga talaga nitong nerd na to. Buti na lang nabatukan na sya ni Rain agad bago pa ako mismo ang gumawa nun.

"Yeah i'm super fine talaga. I just felt that the world is already full of hate and war kaya ayoko ng dagdagan pa. Nakakabawas ng ganda. Let's go." at kumapit ako sa braso nya kahit sa totoo lang eh diring-diri na ko. Hayaan nyo na maliligo na lang ako sa alcohol paguwi ko. Baka mahawa pa ko sa kapangitan ng nerd na to.

============================

"Talagang malakas ang loob mong nerd ka eh no. Bumalik ka pa talaga dito."

Naks, grabe din ang mga minions ko ah. Kahit wala akong go signal eh nagpapakalat ng lagim sa school. Patuloy kong pinagmasdan mula sa pinagtataguan ko ang ginagawa nilang pagpapahirap kay Summer. At ang walang kwentang nerd mukha yatang nadala na sa mga ginawa ko sa kanya, di man lang lumaban sa mga nang-bubully sa kanya. Mahina, kaya mas lalo akong naasar sa babaeng to eh. No scratch that, hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng babaeng tulad nya. Pa damsel in distress palagi. Akala mo naman palaging may sasagip.

Agad akong lumapit sa kanila ng mapansin kong babatuhin na sya ng itlog. Sakto namang nakalapit nako sa kanya kaya biglang sa'kin lumanding yung nabasag na itlog. Fuck! This is so eww.

"S-stacy" gulat nilang sabi. Nakita ko ring nanginginig na yung kamay ng bumato ng itlog sakin. Ganyan nga manginig ka. Asshole.

"What the hell do you think you're doing?" sigaw ko sa kanila. Ngunit ni isa ay walang sumagot.

"Haven't you heard Sync? Walang gagalaw kay Summer. You scumbags leave her alone.!!" lahat sila ay napayuko sa sigaw ko. Yeah, bow down to your queen.

"S-sorry Ms. Stacy." pabulong na sabi ng babaeng nagbubully kay Summer kanina.

"You. All of you. Get. Lost. Bago ko pa maalala ang mga pagmumukha nyo at kayo naman ang makatikim ng galit ko." mariin kong sabi. Para silang mga ipis na naistorbo sa lungga nila kaya nagkanya-kanyang takbo sa iba't ibang direksyon.

"You okay.?" i asked Summer habang tinitingnan ang kabuuan nya. Magulong buhok na mukhang sinabunutan ng isang libong beses, panibagong nail marks sa braso, sira sirang uniform. Tsk. Nakakainis. Ba't ba kasi di sya lumaban?

"Okay lang ako. Ikaw, yung damit mo." sabi nya habang pinapagpag ang itlog sa damit ko.

"It's fine. I've got a spare in my locker." tinabig ko ang kamay nya nakakailang kasi.

"Stacy!" wow. kelan kaya ako hindi maapektuhan ng kagwapuhan ng lalaking to. His mere presence is enough to silence me up. Kahit titigan lang sya buong araw eh solve na ko. Oh Sync, why so gwapo??

"I've told you to stay away from her. Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?...." di ko na naintindihan ang iba pa nyang sinabi, all I'm aware of is his strong grip on my arms. Kahit masakit okay lang basta hinawakan nya ko.

"No, stop it. Sya ang tumulong sa kin." awat ni Summer.

"Wag ka nang gumawa ng mga bagay na magiging rason ng tuluyan kong paglayo sa'yo Stacy. This is my last warning." napangiwi ako sa sakit ng pagkakahawak nya kaya tinabig na yun ni Bryan. Epal talaga kahit kelan.

"Tama na yan kuys, nakakasakit ka na" sabi ni Bryan. Tsaka lang ako binitiwan ni Sync at lumayo na sila samin habang akay niya si Summer.

"Ano na naman ba kasi yang pumasok sa kukote mo ha, Stacy?" tanong ni Bryan, unti unti nyang inaalis yung mga balat ng itlog na nakadikit sa buhok ko.

Epal kaya tinabig ko palayo yung kamay nya, baka madagdagan lang ang germs na nasa katawan ko eh.

"Haven't you ever heard, its none of your business" saka ko nagwalk out palayo sa kanya. 

The Pain She Feels InsideWhere stories live. Discover now