Chapter 29: Selfish.

Magsimula sa umpisa
                                    

“Kain muna tayo, guys. Dito nalang tayo sa pool area. Nandito yung foods.”

Iniwan namin ang mga gamit namin sa loob bago kami pumunta sa pool area. Bigla akong nakaramdam na naman ng gutom nung makita ko ang nakahain na mga pagkain.

Naka-upo ako sa gilid ng pool habang kumakain. Katabi ko sina Nami na panay ang kulbit sa’kin dahil sa isang side ko naman nakaupo si Royce. Wala siyang dalang extrang damit kaya alam kong hindi siya magsi-swimming.

“Ang gwapo talaga. Hindi nakakasawang tignan.” Bulong ni Nami. Napatawa ako ng malakas dahil don. Nagtaka si Royce sa biglaan kong pagtawa kaya napatingin agad siya sa’kin. Tumigil ako at tumingin sa paligid. Ito na naman kasi ang titig ni Royce.

Natahimik ako ng tuluyan nang makita ko si Dana. Kasama niya ang iba kong kaklaseng lalaki na nag-iinuman na. At umiinom na rin ang magaling kong bestfriend.

“Kumain na ba si Dana?” Tanong ko kay Nami. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ‘ko.

“Hayaan mo na siya, Hailey. Mukhang problemado rin siya eh. Nagkasagutan pa nga kami kanina sa van.”

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi naman palaaway si Dana. Never ko pa ngang naalala na nag-away kami ng sobra. Siguro nga problemado lang siya. Hahayaan ko nalang muna siya. Tsaka ko na siya kakausapin kapag gusto na niyang pag-usapan ang tungkol sa kung anumang problema niya.

“Hindi ka pa tapos kumain, Hailey.” Narinig kong sabi ni Royce sa tabi ko. Umiling lang ako sa kanya. Hindi ko na yata kayang kumain pa. Sobrang busog na ko. “Kaklase mo si Levi?”

“Sinong Levi?” Tapos bigla kong naalala yung transferee naming classmate. Tumango ako sa kanya. Tumingin ako sa paligid para tignan kung nandon siya pero wala naman. “Pa’no mo siya nakilala?”

“Wala.” Ngumiti lang siya sa’kin. Hindi na ko nagpumilit. Baka kaklase niya dati? Hindi naman talaga kami close non eh. Never ko pa rin yatang nakausap yon sa klase.

“Inom na us!” Sigaw ni Gina sa’min ni Nami. Hinawakan ni Nami ang kamay ko para yayain akong lumapit kina Gina pero biglang humarang ang kamay ni Royce.

“Hindi siya pwedeng uminom.” Kinurot ko ang braso niya. Tumingin siya sa’kin. “Nag-usap na tayo, diba?”

“Sasama lang ako sa kanila.”

“Alright.”

“Halika.”

Hindi na siya nakapagsalita nung hinigit ko na siya papunta sa table kung na’san ang mga ‘nagse-session’ kong mga classmate. Inabutan agad nila ng beer si Royce. Pinandilatan ko sya ng mata. Hindi ako iinom tapos siya iinom? Tss.

Gusto kong higitin yung bote nung ininuman ‘to ni Royce. Nakipagkwentuhan na siya sa mga kaklase kong boys. Mukhang yung girls ay nahihiya pa kay Royce.

“Hey, babe.” Naramdaman ko agad yung pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko. Feeling ko tumaas ang balahibo ko. Hindi naman ako nagkamali. Napatawa siya ng mahina sa naging reaksyon ko. “I need to take this call.”

Just Like BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon