Chapter 34

2.8K 49 7
                                    

A/N: Please play the vid up here. Ito yung song sa eksena nila.

************************

Parang di ko na mabawi lalo't nakita ko ang reaksiyon ng magulang ko. Parang inamin ko na din na kami nga.

"Mamaya na tayo umuwi.";sabi nito na tinanguhan ko.

Tinulungan ko nalang si mommy maghugas dahil pakiramdam ko di ako makahinga pag nakikita ko si Harold.

"I'm happy for you anak. Mukhang mabait ang boyfriend mo.";wika nito.

Napabuga ako ng hangin.

Ngumiti nalang ako. Ayoko ng mag explain pa.

Gabi na ng magpasya kaming umuwi na.

Nasulit ko din nakipag-bonding sa kanila.

Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kanila bago kami magpaalam.

"Ingatan mo ang anak namin iho.";wika ni dad sa katabi ko.

"Makakaasa po kayo sir.";sagot nito.

Pagkalulan namin ng sasakyan ng magsalita ako.

"Di mo naman kailangan magpakilala na boyfriend ko sa magulang ko.";kaswal na saad ko dito.

Narinig kong bumungtong-hininga ito.

"For me you're still my girl after all.";sagot nito. Napatingin ako sa kanya ang seryoso nito.

"Matagal na tayong tapos remember?.";kaswal lang na sagot ko.

"Pagbigyan mo na lang muna ako Issa kasi masaya ako ngayon kahit pano kahit di totoong tayo.";hayag nito.

"I'll let you go pag ramdam ko na  yung time na kailangan ko ng bumitaw. Gusto ko lang naman pagbigyan ang sarili ko kung may pag-asa pa kahit ngayon palang naman alam ko ng wala.";mahabang dagdag nito.

"Harold....";lingon ko dito para mag protesta. Kasi bakit parang ayokong marinig. Nasasaktan ako.

"Pakakawalan din kita kung dun ka sasaya. Yaan mo nalang muna ako. Gusto ko lang naman iparamdam sayo na mahal kita. Para di ko pagsisihan na wala akong ginawa para bumalik ka.";lingon na sagot din nito sakin.

Bakit parang sinusundot ang puso ko sa mga naririnig ko. Parang di ko kaya. Di ko kayang tagalan kaya sinabi ko idlip muna ako.

Gusto ko lang takasan ang usapan. Kasi naguguluhan ako...naguguluhan ang puso ko.

Paggising ko kinaumagan napadilat ako bigla at napabangon. Nandito ako sa kwarto ko.

Ganun ba kasarap ang tulog ko at di man lang ako nagising.

Bakit di man lang ako ginising ng lalaking yun? Ano yun inabala pa nya ang sarili nya na buhatin ako dito sa bahay ko? Napabungtong-hininga ako sa isipin na yun.

Bumangon ako at lumabas baka sakali nasa sala ito pero wala ni anino nya.

Napansin kong may isang note sa ibabaw ng lamesa.

"Good morning baby. I'll pick you up at 7pm.";ikling mensahe nito.

Parang nalungkot ako dahil di ko nasilayan ang mukha nito ngayon. May part sakin na nami-miss sya agad.

Pero dapat di ko hahayaan na maging ganito ang nararamdaman ko.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho.

Pagkauwi after work..di ko alam sa sarili ko pero naggayak pa din ako dahil sabi nya sunduin nya ako.

7pm sharp narinig kong may nag doorbell.

Bet In Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now