Chapter 33

2.7K 48 1
                                    

Parang biglang kumabog ng malakas ang puso ko sa narinig.

Ayoko na masaktan ulit sa parehong lalaki.

Napalingon ako sa kanya at napatingin sa kawalan.

Naalala ko na naman lahat ng nabasa ko pero bakit hirap ako kausapin sya tungkol dito. Napahinga ako ng malalim.

"Ayoko ng bigyan ka ng chance na saktan ulit ako.";wika ko.

Naramdaman ko hinawakan nito ang kamay ko kaya napatingin akong muli dito. Ang seryoso nito.

"Bakit di mo subukan na mahalin ulit ako?";titig na tanong nito.

"Di ko kaya.";sagot ko kahit alam ko sa sarili ko na di ito totoo.

Ngumiti ito ng mapait. Napahinga ng malalim. Iniwas na din nito ang paningin sakin at  marahan na binitawan ang kamay ko.

Ewan ko pero bakit ang sakit ng nararamdaman ko.

"Pahinga na ako.";paalam ko dito. Nilingon nya ako at tumango.

"Sige. Good night.";sagot nito.

Kinaumagahan.

After lunch nasa venue na kami. Tinawagan ko na si mum na abisuhan nalang ako pag paparating na sila.

Nagsidatingan na din lahat ng close friends nila ng pahapon na.

Abala din si Harold sa pag estima sa mga nandun.

Parang natutuwa ako habang nakatingin dito.

Mga 6pm ng tumawag si mum na on the way na sila.

Naka ready na kaming lahat.

Pagpasok ng parents ko nagsimula naming patugtugin ang fav song nila.

Nagulat ito ng makita kami lahat at mabasa ang mga hawak namin na anniversary greetings. Napansin kong ginala nito ang paningin sa kabuuan.

Niyakap ni mommy si daddy at teary eyed na si dad.

Maya-maya nagsilapitan ang mga friends nila para i-greet sila. Pero ako nanatili akong nakatayo.

Teary eyed din ako. Kasi alam ko kung gaano kalaki ng parte ng buhay nila ang mga kaibigan nila. Sila ang dahilan kung bakit nabuo ang love story ng parents ko.

And I really know how much my parents loves each other. Yun yung pangarap ko din...makahanap ng ganyang klaseng pag-ibig na meron sila.

Di man lang ba ako yayakapin ng prinsesa ko?;nakangiting tanong ni dad na nasa harapan ko na pala.

Bigla ko syang niyakap at tuluyan ng nalaglag yung luha ko.

"Happy anniversary sa inyo ni mum daddy. I miss you.";saad ko dito habang yakap ko pa din sya.

"I miss you anak.";buong pagmamahal na sagot nito.

Nang maghiwalay kami ng yakap napatingin si dad sa katabi ko.

Parang bumara yung lalamunan ko kaya tumikhim pa ako bago nagsalita.

"Uhm dad..si Harold po pala. Harold daddy ko.";tanging pakilala ko.

"So ikaw ang boyfriend ng anak ko?";tanong nito sa katabi ko.

"Yes po sir! Nice to meet you.";nakangiting sagot nito habang inilahad ang kamay nito.

Bet In Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now