Chapter 18

2.9K 59 3
                                    

A/N: Please play the video up here. Everyday ko pinapakinggan. Supeeeeer inlove ako sa song na ito. Ang sarap mainlove noh. (Related sa chapter na ito.)

*Sa mga nakabasa ng first story ko, sa mga naka-miss kina Ranz and Zandra..heto may konting eksena sila dito. Pagtyagaan nyo nalang ha.
____________________

Di ko alam pero biglang kumabog yung puso ko dahil sa narinig.

Andito sya?;saisip ko.

"Hi guys! Late na ba ako?!";masayang bungad nito palapit sa amin. Di ko man makita pero base sa narinig ko ramdam mo na masaya sya.

Hanggang sa makalapit ito ng magsalita si Len.

"You're just in time my friend.";wika ni Len habang nag beso sila.

"Anyway remember Harold?";wika ni Len. Mukhang di pa nya napansin na meron kami.

Di nakaligtas sa sulok ng mata ko na sobrang titig ni Harold sa babaeng bagong dating.

Di ko maiwasang magkaroon ng konting kirot sa puso ko lalo isipin na sya pala yung dating niligawan nya.

Niligawan lang ba o baka naman naging sila?;saisip ko pero pilit kong iwinaksi yun.

Sobrang ganda ng babae na ito kaya no doubt kung bakit nagkagusto dito si Harold.

Napalingon na ito sa amin.

"Harold?! Of course I still remember him.";ang tamis ng ngiting sabi nito kay Len.

"Anyway guys.";sabad ni Sam.

"Meet my cousin Harold and his girlfriend Issabelle...guys meet our gang.";natatawang pakilala nito na dagdag at inisa-isang sinabi ang mga pangalan ng mga ito at huling pinakilala si Zandra.

Girlfriend? Ang alam ko na-inform ko naman sila last time na di ako girlfriend ng pinsan nito pero di ko nalang itinama. Parang bigla naumid yung dila ko.

Binati ni Harold ang mga ito.

"I'm glad to see you again Harold.";wika ni Zandra at lumapit at yumakap dito.

"Glad to see you too Zandra. Ganda mo pa rin.";nakangiting sagot nito dito. Mas lalong gumada ito ng ngumiti ito sa narinig.

Di ko alam kung ano yung nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Nice to meet you Issabelle.";nakangiting baling na din nito sakin habang binigyan din ako ng yakap.

"I'm happy for you.";baling nito Harold pagkatapos.

"Anyway Zandra where's Ranz?";tanong nung Bench.

"He's outside. Nakita nya yung mga bagets sa may garden sa labas kaya pinauna na ako dito.";nakangiting sabi nito.

"Alam mo na ibig sabihin nyan...naghahanap na sya.";kantiyaw ni Vic.

Natatawa lang si Zandra sa narinig.

"Guys nakahain na kaya bago tayo mag-kwentuhan, kain muna ng may energy.";yaya ni Sam.

Napansin kong mukhang at ease si Harold sa mga kaibigan ng pinsan nya. Nakikipagkwentuhan sya at nakikipag-biruan. Sabagay sobrang accomodating nilang lahat. Ako lang yata ang naiilang. Feeling ko saling-pusa ako dito.

"Guys sorry na late ako.";bungad ng isang gwapong lalaki at nilapitan si Zandra at niyakap ito.

Bakit ang sweet nila?;saisip ko.

Bet In Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now