Chapter 28

2.6K 44 5
                                    

Napadilat ako dahil sa dito.

Simpleng kiss lang yun pero bakit ganun. Parang sobrang special sa pakiramdam.

Magkasalubong ang mga mata naming dalawa. Halos kadangkal lang ang pagitan namin.

Alam mo yung gusto-gusto ko syang hilahin para yakapin ng mahigpit at paulit-ulit na halikan pero di naman pwede. Dahil di naman kami.

Gusto kong tanungin kung anong ibig sabihin ng halik na yun pero wala akong lakas para ibuka ang bibig ko.

"Sorry baby..di ko mapigilan ang sarili ko. Sobrang na miss kasi kita. Alam mo bang ikaw nalang ang kulang sakin para makumpleto na ako.";seryosong sambit nito habang hinahaplos ang pisngi ko at nakatitig sa mga mata ko.

Bakit parang ramdam kong sobrang sincere nya. Tagos sa puso ko habang sinasabi ang mga ito.

Di ko maiwasang matuwa dahil sa narinig pero ayoko naman na mahalata nya.

Sasagot na sana ako ng biglang may mag doorbell.

Napahinga ito ng malalim at tumayo ito at tumungo sa pinto.

Pagbukas ng pinto bumungad ang mag-asawa.

Tumili si Cathy pagkakita sakin.

Tumayo ako at sinalubong ito. At bineso ko silang mag-asawa.

"I didn't realized kuya's here.";nakangiting wika ni Cathy habang binigyan nya ako ng yakap.

"Di ko gusto yang ngiti mo.";pasimpleng sabi ko dito.

"I think gutom na kayo..dinner is ready kaya halina kayo.";wika ko sa kanila.

"Wow my favs.!";bulalas ni Cathy pagkakita sa lamesa.

"All the credit to your brother.";wika ko.

"Ready na talaga si kuya mag asawa.";nakangiting baling na sagot nito sakin.

Bakit nanunukso yata itong babaeng ito.;saisip ko.

"So lets eat guys.";wika ko dito para makaiwas sa mapanukso nitong tingin.

"Ang sarap mo talaga magluto kuya. Pwede ka na talagang mag-asawa.";saad ulit ni Cathy habang kumakain na.

"Syempre ayokong gutumin ang magiging misis ko.";wika nito habang nakatingin sakin.

Napaiwas ako ng tingin dahil dito.

"Ang swerte sayo ng magiging misis mo kuya.";sagot nito sa kapatid.

Nanadya yata itong babae na ito. Dito pa talaga pag-usapan. Yung sakin sya nakatingin na parang nanunukso.

"Kelan pala kayo uuwi sa pinas sis?";pag iba ko sa usapan.

"Kami lang ni Jade. Si kuya ewan ko sa kanya.";nakangiting dagdag nito.

Isisingit talaga ang kuya nito eh.;saisip ko.

"How are you Jade? Buti di ka pinapahirapan nitong asawa mo?!";nakangiti kong wika dito na tinawanan nya kaya napataas ng kilay si Cathy.

"Ayusin mong sumagot.";baling na sabi nito sa asawa nya kaya natawa ako.

"Nasasakyan ko naman ang trip nitong bestfriend mo kahit mahirap unawain minsan ang gusto.";nakangiting wika nito.

"Pagbigyan mo na, ngayon nalang nag-iinarte yan dahil asawa mo na sya.";nakangiting saad ko.

Natawa ito.

Bet In Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now