Chapter 9

3.3K 84 10
                                    

Mahimbing na syang natutulog habang yakap ako ng humarap ako sa kanya. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya.

This will be the last time na ganito ako kalapit sayo. Ang daya lang noh kasi ang bilis ng panahon na naging tayo pero sobrang lalim ng pag-ibig na naramdaman ko. Ang masaklap pa..wala ka naman talaga nararamdaman para sakin.

Nang magsawa ang mata ko tsaka ko naisipan na bumangon na at mag-ayos ng sarili kahit medyo hirap ako maglakad dahil masakit pa din.

Nag-iwan nalang ako ng isang note.

In-off ko din ang phone ko para wala munang iistorbo sakin. Gusto kong magkulong lang. Gusto kong umiyak ng umiyak ngayon para bukas wala na.

First day to move on Issa. Kung nakaya mo sa una, dapat mas kaya mo ngayon.;paalala ko sa sarili ko.

Monday. Absent ako ng morning dahil masakit ang ulo ko dahil sa kakaiyak. Sinaid ko na yata lahat ng luha ko.

Patungo ako sa classroom ng madadaanan ko ang parking area.

Di ko namalayan na napatigil ako dahil sa eksenang nakikita ko. Sina Harold and Kate. They were kissing together.

Buti nalang nakasuot ako ng shades kaya di makita ng iba kung gaano ako nasasaktan.

Parang may biglang sumaksak sa dibdib ko sa sobrang sakit.

Pagkatapos ng halikan ng mga ito ng mapadako ang mga mata ni Harold sakin. Biglang kalas nito kay Kate at lumapit agad.

Ewan ko kung bakit nanatili akong nakatayo.

Siguro ito na yung way para tuluyan ng maghiwalay na kami ng landas.

"Baby let me explain.";bungad nito.

"For what?!";walang emosyon na tanong ko.

"Kami na ni Harold.";sabad agad ni Kate.

Expect ko naman na di ba pero bakit ang sakit marinig. Pero gayumpaman mas kinontrol ko ang sarili ko.

"Kate ano ba.";saad ni Harold pero di ito pinansin ni Kate.

"Kaya wag kang umasa na sineseryoso ka dahil pinagpustahan ka lang naman nila kasi nga easy to get ka.";hayag nito.

Gusto kong manampal pero siguro mas nanaig ang isip ko sa mga oras na ito.

"I know. Congratulations because you deserved each other.";walang emosyong saad ko bago ko sila nilagpasan.

Di nakaligtas sakin yung pagkagulat ni Harold sa huling sinabi ko.

Ayokong gumawa pa ng eksena baka di ko na mapigilan ang sarili ko kaya mas mabuti ng iwasan nalang ang mga taong di naman dapat bigyan ng pansin.

Simula na ito Issa.;bulong ko sa sarili ko.

"Sis are you okay?!";tanong ni Cathy ng makapasok ako ng room.

"Bakit absent ka kanina?!";dagdag na tanong nito.

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko sis but I'm a lil' bit okay now.";sagot ko at sinamahan ng ngiti.

Bet In Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon