Chapter 29

2.5K 54 1
                                    

Pagkaalis nya lalo akong naguluhan.

Bakit ba pinahihirapan ko ang sarili ko?! Alam ko naman na sya yung gusto ko na sya yung mahal ko na sya yung pangarap ko na makasama.

Bakit ba takot na takot akong sumubok ulit na papasukin sya sa buhay ko?

Dahil ba sa nakaraan. Dahil baka laro na naman ang lahat.

Na pag naniwala na naman ako baka masampal na naman ako sa katotohanan na di pala totoo ang lahat.

Kelan ba sasaya ang puso?

Napahinga ako sa isipin na mga yun.

Pero di ko maiwasang umasa sa mga sinabi ni Harold. Sana totoo.

Sana mahal nya ako. Sana hindi na ito laro. Sana. Andaming sana.;buntong-hiningang saisip ko.

Nakatulugan ko na sya ang laman ng isip ko.

Pagbangon ko kinaumagahan sya pa din ang unang sumagi sa isipan ko.

Paglabas ko ng apartment ng makita ko syang nag-aantay. Napakunot-noo ako.

"Good morning baby.";nakangiting salubong nito.

"What are you doing here?!";tanong ko.

"Hatid kita.";sabi nito sabay kuha ng gamit ko.

Di ko alam pero nagpatianod nalang ako.

"You don't need to do this.";wika ko dito pagkasakay namin ng kotse nito.

"Hayaan mo naman ako Issabelle na patunayan na seryoso ako sayo.";baling na sagot nito.

Di ako nakaimik sa narinig.

"Thank you.";tangi kong nasabi pagkahinto ng sasakyan.

Hinawakan nito yung kamay ko at nagtitigan kami.

Bakit ba ang gwapo ng lalaking ito sa paningin ko.

"I love you. Di ako magsasawang sabihin yan sayo.";wika nito.

"Uhm....I'll go ahead. Salamat.";tangi kong sagot at tsaka nagmamadaling bumaba.

Di ko sya nilingon pagbaba ko kasi feeling ko anytime bibigay na ako sa kanya.

Baka maamin ko na mahal ko pa din sya na mahal na mahal ko pa din sya.

Tulala ako at nakatingin lang sa kawalan ng biglang may kumatok.

"Come in.";wika ko at pumasok ang isang delivery man.

Flowers and a basket of assorted chocolates.

"Hope this simply made you smile. I'll see you later.";ikling basa ko sa note nito.

Galing siguro na naman kay Brent.

Di nga ako nagkamali dahil maya-maya tumawag ito at sinabing magkita kami sa favorite naming resto.

After work.

Di ko expect na makikita ko si Harold pagbaba ko.

Bet In Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon