"M-ma..." aniya sa gumagaralgal na tinig.

"I said I'm busy!"

Hindi na niya napigilan pa ang kanyang luha at malaya iyong nagbagsakan sa kanyang pisngi. "I'm just asking for a time, Ma. Ang sakit-sakit na kasi, eh. Hindi ko na po alam kung sino pa po ang puwede kong lapitan at kausapin. Hindi ko naman po alam na makakasagabal lang po pala ako sa inyo."

Tumalikod na siya at akmang aalis na nang huminto siya sa mismong pintuan. "Nami-miss ko na po 'yong mama ko. Iyong mama kong masayahin at puno ng buhay. Puwede niyo na po ba siyang ibalik sa akin? Nawala na po ang papa ko, sana po, hindi ako iwan ng mama ko. I'm so lonely, Ma. Hindi lang po ikaw ang nawalan. Mas masakit pa nga po ang pinagdadaanan ko kasi dalawa po kayong nawala sa akin ni papa ng sabay. Hindi ko na nga po alam kung sino pa ang lalapitan ko. I'm so scared," aniya kasabay nang pag-agos ng mainit na likido sa magkabila niyang pisngi. "Sige po."

Umiiyak na nilisan niya ang opisina ng Mama niya. Hindi na siya nag-abala pang punasan ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Ibayong sakit ang nananahan sa puso niya. Hindi nga niya mapigilan ang sariling humiling na sana'y kunin na lamang siya ng nasa Itaas para mawala na ang sakit na nararamdaman niya.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag at tinawagan ang best friend niya. "Arianne, I need your company."

NAKAUPO si Chuck sa sahig sa loob ng locker room. Kanina pa tapos ang kanilang practice game at napagpasyahan nilang siyam na tumambay muna dito sa locker room. Magkagayon man, pansin pa rin niya ang pananahimik ng mga kasama niya. Tanging ang tinig ni Les at Cloud ang maririnig.

Mukhang may problema ang madaldal niyang kaibigang si Reus. Dati ay nangunguna ito sa pag-iingay pero ngayon ay ang tahimik nito. Nakakapanibago.

Hindi naman niya magawang kausapin si Reus nang masinsinan dahil maging siya ay may problema rin. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa kinahantungan ng pagmamahal niya kay Ian. Nasasaktan pa rin siya kapag naiisip niyang nakipagbalikan si Ian sa buwisit na Aiden na iyon. Heck! 'Di hamak naman na mas guwapo siya kaysa sa Aiden na iyon, di ba?

But being the coward that he was, umiwas na siya sa sakit. Nilayuan niya si Ian para hindi na siya masaktan pa. Who could blame him? Ayaw lamang niyang tuluyang masiraan ng bait. At saka, baka kapag lumapit pa siya kay Ian ay hindi na niya mapigilan pa ang sarili at magmakaawa dito na siya na lamang ang mahalin nito.

"Okay! Hindi ko na matagalan ito! Ano bang problema niyo? Chuck? Reus? Umayos nga kayo!" ani Cloud sa kanila ni Reus kapagkuwan.

"I'm fine," sagot ni Reus.

"I'm fine, I'm fine ka pa d'yan! Lokohin mo'ng lelong mong panot, Reus!"

"Hindi panot ang lolo ko!"

"May problema nga si Reus. Hindi na alam ang joke, eh."

Napabuga na lamang siya ng hangin at akmang magsasalita nang maramdaman ang pagba-vibrate ng cellphone niya sa kanyang bulsa. Binuksan niya iyon ay lumitaw ang isang unregistered number sa kanyang screen. Kaagad niyang sinagot iyon at naisip niyang baka importante iyon.

"Hello?"

"Hello. Si Chuck Del Mundo ba ito?" tanong ng babae sa kabilang linya.

"Yeah. Ako nga. Sino 'to?"

"I'm Arianne, Ian's best friend. Puwede mo ba siyang sunduin ngayon dito sa The Majestic? Lasing na lasig kasi si Ian at—"

"Bakit hindi ang boyfriend niya ang tawagan mo?" putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Pero sa loob-loob niya, nakaramdam siya ng pag-aalala para kay Ian. Kayrami din mga tanong ang nagsulputan sa isip niya.

Bakit siya ang tinawagan ng kaibigan nito? And why the hell was she drunk?!

"Boyfriend?" kahit na nasa kabilang linya ang kausap niya ay dinig pa rin niya ang pagtataka sa tinig nito.

"Si Aiden. Nagkabalikan na sila, hindi ba? At bakit naglasing si Ian? Naloloka na ba 'yang babaeng 'yan?" aniya at hinagod ang buhok niya. Naiirita siya dahil wala siya ngayon sa tabi ni Ian. Pero sino ba ang may kagagawan n'on? Siya rin, di ba? Siya ang lumayo sa babae, hindi ito. "Bakit hindi siya iniiangatan ng boyfriend niya?!"

"Based on Ian's story a while ago, hindi sila nagkabalikan ni Aiden. Hell! Papatayin ako ni Ian nito pero ang sabi niya, kaya siya naglalasing ay dahil sa 'yo. Bigla mo na lang daw kasi siyang iniwasan kung kailan mahal ka na niya. May sinasabi pa nga siya na may gusto ka na raw babae noon bago mo pa siya nakilala hanggang ngayon. Heck! Patay ako kay Ian nito!"

Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Hindi rin niya alam kung ano ang uunahin. Hindi rin niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Hindi nagkabalikan sina Ian at Aiden? Pero ano ang ibig sabihin noong nakita niya n'ong isang araw? Wala lamang ba iyon? Hug-hug lang, gano'n?! Siya lamang ba ang nagbigay ng ibig sabihin sa nakita niya? At kaya naglalasing si Ian ay dahil sa paglayo niya rito? Siya ang dahilan ng paghihirap ng loob nito?

Kasabay ng mga alalahaning iyon ay ang paggaan ng pakiramdam niya at ang pagbalot ng saya sa puso niya. Dahil mahal rin siya ni Ian.

"Nasaan kayo, Arianne? Ako na ang susundo kay Ian," binanggit nito kung nasaan ang dalawa. "Wait for me, Arianne, and thanks." Pinutol na niya ang tawag at napahinga nang malalim.

"Sino 'yon?" tanong sa kanya ni Les.

"Kaibigan ni Ian. Naglasing daw si Ian dahil sa paglayo ko sa kanya. Heck! I thought nagkabalikan kasi sila ng ex niya kaya ako lumayo. It turns out na hindi pala," paliwanag niya "Sino naman 'yong tinutukoy ni Ian na nagustuhan ko bago ko pa siya nakikilala? Shit! Siya lang naman ang babae sa buhay ko," wika niya sa sarili na narinig pala ng mga kaibigan niya. Way to go, Chuck!

"Babae? Baka ayon 'yong kinukuwento mo sa 'min noon na babaeng gusto mo pero may gusto ng iba."

"Si Ian 'yong tinutukoy ko noon! Siya lang ang gusto ko!" Napansin niyang nagkatinginan sina Kei at Enzo. At ewan niya subalit masama ang kutob niya sa tinginan ng dalawang iyon. "What?"

Inayos ni Enzo ang salamin nito sa mata at tiningnan siya. "Sa tingin ko'y dapat mo rin ipaliwanag kay Ian ang tungkol d'yan."

"Nangialam ka na naman, Enzo? Argh!" naisabunot pa niya sa buhok niya ang dalawa niyang kamay sa sobrang frustration. Hindi niya inakala na lalala ng ganito ang conflict sa pagitan nila ni Ian.

"Hey! Let me help you, Chuck! I'll call my brother for some help. Bukas ka na magtapat sa kanya. Sakto, Foundation Day! Sisikat ka," ani Les sa kanya at nginisihan siya.

Tiningnan lamang niya nang masama ang mga kaibigan at lumabas na ng locker room upang puntahan si Ian. Baka kapag nagtagal pa siya ay tuluyan nang magpakalasing ang babaeng iyon.

Ano bang gagawin ko sa 'yo, Ian? Mahalin kitang lalo?

Your Love Is My Drug (Tennis Knights #3) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon