Kabanata 7

4K 153 14
                                    

Kabanata 7


SA ROOFTOP ng main building ng SVU dinala ni Chuck si Ian. Nagulat pa nga siya nang malaman na dito siya nito dadalhin. Sa pagkakaalam kasi niya ay bibihira lamang ang mga taong nagpupunta rito. Masyado kasing nakakapagod akyatin ang rooftop. Nasa ika-walong palapag kasi iyon. Pero nakapagtatakang wala siyang naramdamang pagod noong inakyat nila ito ngayon ni Chuck.

"Dito ako tumatambay minsan kapag gusto kong mapag-isa," ani Chuck at lumapit sa wire na pangharang sa paligid ng lugar. Dumungaw ito at napansin niya ang paghugot nito ng hangin. Tinatangay ng hangin ang buhok nito at hindi niya mapigilan ang sariling titigan ang lalaki. He looked so peaceful. So cool.

Lumapit siya sa kinatatayuan ni Chuck at kumapit sa wire. Tiningnan niya ang paligid at namangha siya sa nakikita. Tila ba mga laruan ang mga establishments, bahay at taong nakikita niya sa sobrang liit ng mga iyon. Presko pa ang hangin at malamig ang dampi niyon sa kanyang mukha.

"Ang ganda rito!" hindi niya napigilang bulalas. Nakagagaan ng loob ang hanging dumadampi sa kanyang pisngi at ang kapayapaang nararamdaman niya sa ngayon. Tahimik kasi ang lugar. It brought her peace of mind. Hindi nga niya napansing napapangiti na pala siya.

"Smile. Higit kang maganda kapag nakangiti ka."

Binalingan niya si Chuck at nakita niyang sa kanya na ito nakatingin. Bigla-bigla ay kumabog nang malakas ang puso niya hindi dahil nakasandal na ito ngayon sa butas-butas na harang. Hindi siya natatakot kahit na ba nakasandal ito sa wire na harang dahil alam niyang matibay ang harang na iyon. Ang pagtibok nang malakas ng puso niya ay dahil kay Chuck mismo.

"Bolero," tanging nawika niya.

Ngumiti ang lalaki at sa pagkagulat niya ay hinaplos nito ang pisngi niya. "You're really beautiful when you're smiling."

Iniiwas na lamang ni Ian ang paningin dito upang itago ang pamumula ng kanyang mukha. Hindi naman siya ganoon noong si Aiden ang pumupuri sa kanya. Kaya bakit ngayon ay kulang na lamang ay tumalon mula sa rib cage niya ang kanyang puso?

Huminga siya nang malalim. "Ang sarap pala rito. So relaxing."

She felt something on her face. Napatingin siya sa may-ari ng kamay na iyon. Chuck gently tucked the strand of hair behind her ear. Hindi kasi siya nakasuot ng cap ngayon kaya naman tila nilalaro ng hangin ang kanyang buhok.

"Mukha na ba akong mangkukulam?" pagbibiro niya

"Nah. Masyado kang maganda para maging mangkukulam."

"Bolero ka talaga, Chuck."

"Hindi ako bolero. I'm stating a fact."

"Gulo-gulo na ang buhok ko kaya alam kong mukha na akong mangkukulam!"

"Pero sa paningin ko, ikaw pa rin si Ian."

Napailing na lamang siya upang itago ang kanyang pagngiti. Alam na alam talaga ni Chuck ang sasabihin upang gumaan ang kanyang pakiramdam.

Umupo siya sa sementadong sahig ng rooftop at bahagyan tinapik ang espasyo sa kanyang tabi. "Upo ka, Chuck," anyaya niya kay Chuck.

Hindi niya alam kung anong pumasok sa kanya upang sabihin iyon. Pero magaang-magaan talaga ang loob niya kapag kasama ito. Tila ba matagal na niya itong kakilala. When she was with him, she felt secured.


HINDI maiwasan ni Chuck ang mapangiti habang nakatingin sa mukha ni Ian. Kanina, nang nakita niya itong nag-iisa sa cafeteria ay kitang-kita niya ang lungkot sa mukha nito. Marahil ay naaalala na naman nito ang ex-boyfriend nitong si Aiden. Dahil sa lungkot sa mukha nito ay hindi na naman niya napigil ang sarili at muli itong nilapitan. Tila ba may puwersang humahatak sa kanya upang lapitan si Ian at i-comfort.

Sa totoo lamang, hindi ang pagkakabangga nila noong nakaraang linggo ang unang araw na nakita niya si Ian. Una niyang nakita si Ian noong fourth year college pa lamang siya. Halos isang taon na rin niyang sinusulyapan nang palihim ang isang ito. Gusto man niya kasing lapitan at kausapin si Ian ay hindi niya magawa dahil inuunahan siya ng hiya at kaba.

Mahaba ang buhok nito na palagiang nakatali. Kung minsan pa nga ay nagsusuot ito ng cap sa ulo. Pero magkagayunman ay alam na alam na niya ang features ng mukha nito. She has big, rounded, and expressive eyes na dati ay punung-puno ng buhay. Mahahaba ang pilik-mata nito. Matangos ang ilong nito na binagayan ng makikipot na labi.

Sa unang tingin ay aakalain ng sinuman na tibo si Ian dahil sa porma nito. Pero alam niyang babaeng-babae ito. Ngayon nga'y nagdadalamhati ito dahil sa pakikipaghiwalay dito ng ex-boyfriend nito.

Napatiim-bagang siya nang maalala ang ex-boyfriend nito. Hindi niya alam kung papaano nitong nagawang saktan si Ian. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote ng lalaking iyon upang upang ipagpalit nito sa iba si Ian.

Kung siya marahil ang nasa lugar ng Aiden ay hinding-hindi niya sasaktan si Ian. Bagkus ay mamahalin at aalagaan pa niya ito. Hinding-hindi siya gagawa ng mga bagay na magdudulot ng luha sa mata nito.

Noong nakita niya itong tumakbo habang umiiyak ay hindi na niya napigilan ang sarili at sinundan niya ito. Nasaksihan niya kasi ang ginawa rito ni Aiden dahil nakatayo siya noon sa may gilid ng gym. Hindi naman niya balak makinig noon. Subalit nang nalaman niyang si Ian ang kausap ni Aiden ay dinaig siya ng kanyang kuryosidad. Tama lamang pala talaga na nakinig siya. Nang umiiyak na umalis ito ay gumawa siya ng simpleng paraan upang mapansin nito.

Pasimple siyang humarang sa dadaanan nito.

Hindi niya alam na may lakas ng loob pala siya para sundan at lapitan si Ian. Hindi halata pero kabado siya habang kausap noon si Ian. Kaya nga ganoon na lamang ang daldal niya dahil sobra-sobra na ang pagkabog ng puso niya habang kausap ito noon. Kinakabahan man ay pilit pa rin siyang lumalapit sa babae. Gusto niya kasi ang pakiramdam na malapit siya dito.

Why? Because he liked her. A lot.

"Thank you, Chuck," ang tinig na iyon ng babaeng nasa mismong isip ang pumukaw sa pag-iisip ni Chuck.

"Para saan?" nagtatakang aniya, hindi mabura ang ngiti sa kanyang labi. Natutuwa siya dahil umaliwalas na ang mukha nito. At syempre pa, natutuwa siya dahil kasama niya ito ngayon.

"Sa pagdala mo sa 'kin dito. Gumaan ang pakiramdam ko. Salamat."

"Talaga? Walang halong pagpapanggap?"

"Promise. Gumaan talaga ang pakiramdam ko. Maybe because of the scenery. Or maybe because..."

"Because?"

"Basta!" sikmat nito. Napansin niya ang pamumula ng mga pisngi nito na dahilan ng pagiging sobrang cute nito sa kanyang paningin. "Ano, uh, can we be friends?" tanong nito sa kanya.

Tiningnan niya ang nakalahad nitong kamay at walang pagdadalawang isip na ginagap iyon. "Friends."

Though I want more than that, Ian. But I'm willing to wait. Wait for you to heal again. I'm just here though, here to support you and help you learn to love again...

Your Love Is My Drug (Tennis Knights #3) (Published under PHR)Where stories live. Discover now