Kabanata 2

4.9K 148 21
                                    

Kabanata 2


"W-WHAT'S the meaning of this, Aiden?" mahinang tanong ni Ian sa lalaki. Ramdam niya ang pagkawala ng lakas habang nakatindin dito.

"Hey, iwanan na muna natin sina Aiden at Ian dito," narinig niyang wika ng isa sa mga ka-teammate ni Aiden subalit hindi niya iyon pinansin at pinanatili ang paningin sa kanyang nobyo.

"Explain," aniya nang makalabas ang lahat ng tao sa gym at tanging silang dalawa na lamang ang natira. Ni hindi na nga siya nagtangka pang lumapit sa lalaki dahil tila itinulos na siya sa kanyang kinatatayuan.

Hindi rin naman nagtangka pang lumapit si Aiden sa kanya. Bagkus ay nanatili itong nakatayo sa gitna ng ring at nakatitig sa kanya. Bumalot ang katahimikan sa kanilang dalawa dahil sa hindi pagsagot ni Aiden.

Subalit mayamaya rin ay sumagot ito. "I'm not happy with our relationship anymore, Ian," anito sa malamig na tinig, sa tinig na bago sa kanyang pandinig. Kahit minsan ay hindi pa niya narinig na nagsalita ng ganito si Aiden.

"N-not happy anymore?" pag-uulit niya sa sinabi nito. Baka naman kasi nagkamali lamang siya nang dinig sa sinabi nito. Baka naman pinaglalaruan lamang siya ng kanyang tainga.

Tumango lamang ang lalaki at hindi kumibo. Kasabay niyon ay ang panlalabo ng kanyang paningin. Tila bigla-bigla ay hindi siya makahinga dahil sa grabeng sakit na nananahan sa kanyang puso. Kung pupuwede nga lamang ay hihilingin na niyang maglaho na lamang sa harapan nito ngayon.

"Y-you're breaking up with me," mas na kumpirmasyon iyon kaysa sa tanong.

Tumango si Aiden at inilahad ang dalawang kamay saka nagpaliwanag. "I suddenly got tired, Ian. Nawala na 'yong spark, 'yong excitement. Pati 'yong pagmamahal ko para sa 'yo ay nawala na rin."

Spark pala, sana poste ang ginawa nitong girlfriend para hindi nawalan ng spark!

Huminga nang malalim si Ian dahil tila biglang nanikip ang kanyang dibdib. Huminga rin siya nang malalim upang mapigilan niya ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Nasasaktan siya, oo. Subalit ayaw niyang magmukhang tanga sa harapan ni Aiden sa pamamagitan nang pag-iyak. Oo, hindi niya matanggap na bigla-bigla ay mawawala na lamang ang lahat ng bagay na mayroon sila at gusto niya iyong iiyak. Subalit hinding-hindi niya gagawin iyon sa harapan nito. Never.

"I see. So I guess, hanggang dito na lang tayo. W-well, salamat sa mga pagkakataon na nagkasama tayo. Sa memories at sa lahat-lahat..." gumaralgal na ang boses niya kaya naman hindi na niya itinuloy ang iba pa niyang sasabihin. Baka kapag humaba pa ang pagsasalita niya ay tuluyan na siyang mapahagulgol sa harapan nito. "I better get going. Good luck sa sa 'yo, Aiden," paalam niya at akmang tatalikod na nang may mataman ang paa niya, ang box pala ng chocolate cake na dala-dala niya.

Walang kibong pinulot niya ang box kasabay nang pagpatak ng mga luha. Hindi na rin niya napigilan ang pag-iyak. Mabilisan niya iyong pinunasan upang hindi mahalata ni Aiden ang kanyang pag-iyak. Nginitian pa nga niya kahit pilit ang lalaki upang ipakita rito na ayos lamang siya. "Sayang 'yong cake na gawa ko, nasira na. Hindi na yata puwedeng kainin."

Tinalikuran na niya si Aiden at malalaki ang hakbang na umalis ng university gym.

"Ian!"

Hindi na niya pinansin pa ang pagsigaw na iyon ni Aiden at halos takbo na ang ginawa para lang makalayo sa lalaki. Hindi niya alam kung saan siya dinadala ng mga paa niya at wala siyang pakialam. Ang gusto lamang niya ay makalayo kay Aiden, ang makalayo sa lalaking nagbigay ng panibagong sakit sa puso niya.

Alam niya na ng dahil sa pagkawala ni Aiden ay muling magbabago ang takbo ng buhay niya. For Aiden has been a great part of her life. Si Aiden ang palagiang nandyan sa kanyang tabi noong pakiramdam niya ay nag-iisa siya. He was always there for her. He was her strength, her pillar.

Always.

Subalit ngayon ay wala na. Magbabago na ang lahat. Dahil lamang sa nawala na 'di umano ang spark na nararamdaman nito para sa kanya. Kung kuryentehin niya kaya ito, maibabalik kaya no'n ang sinasabi nitong spark nito para sa kanya?

Patuloy siya sa pagluha habang tumatakbo. Hindi naman niya magawang punasan ang mga luha niya dahil sa box ng cake na hawak-hawak niya, ang cake na pinaghirapan niyang gawin. Halos matusta na nga ang kamay niya para lamang ma-perfect ang cake na ito pero wala, ni hindi man lamang napakinabangan. Bakit kasi nabitawan pa niya iyon kanina? Eh, di sana, pwede pang pakinabangan iyon ng tiyan niya. Pambihira!

Dahil sa pagtakbo niya nang umiiyak at nakayuko, bigla siyang bumangga sa isang pader. Sa lakas ng impact ay napabuwal siya. Napapikit na lamang siya at hinintay ang pagbagsak niya sa semento.

Pero imbes na makaramdam ng sakit ay naramdaman niya ang pag-agap sa kanya ng kung sino. Dahan-dahan siyang dumilat at bumungad sa kanya ang mukha ng isang lalaki—isang masuyo at puno ng pag-aalalang mukha ng lalaki. Nakapaikot ang braso nito sa katawan niya upang marahil ay pigilan ang pagbagsak niya kanina. Ito pala ang nakabangga niya at hindi isang pader.

Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya. Gahibla na lamang ang pagitan kung tutuusin. Tumatama ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha at hindi niya alam kung bakit pero tila may kilabot na gumapang sa kanyang katawan. Hindi nga niya alam kung ano ang nangyari at tila napahinto sa pagdaloy ang mga luha niya na kanina lamang ay tila nakikipagkarera kung dumaloy sa kanyang pisngi.

Sino ba ang lalaking ito?

Tila isang anghel na bumaba mula sa langit ang lalaking ito dahil sa sobrang lambot ng ekspresyong nakapaimbabaw sa mukha nito. His expression was so soft, so gentle na bihirang-bihira niyang makita sa mukha ng mga lalaki sa kasalukuyan. Masuyo ang mukha nito pati na rin ang mata nito. Napansin din niya ang kakaibang kislap sa mata nito.

He looked so boyish and maybe it was because of his smile. Maaliwalas ang mukha nito at dahil iyon sa hindi mawalang ngiti sa mga labi nito. Maputi ang lalaki at may bilugang mga mata. Itim na itim ang mga pilik nito na lalong nagpaamo sa mukha nito.

"Are you okay, Miss?"

Even his voice was so soft. Tila ba ipinaghehele siya ng tinig nito. Hindi pangbabae ang tinig nito. In fact, lalaking-lalaki ang boses nito pero hindi niya alam kung bakit pero masarap at magaan sa pandinig ang timbre ng boses nito. Tila ba inaawitan siya nito.

"Miss?"

Tila nagising siya sa matagal na pagkakatulog nang marinig ang tinig na iyon ng lalaking kaharap niya. Ramdam niya ang pamumula ng mukha niya dahil sa pagkapahiya. Nahuli kasi siya nitong natulala rito!

Shocks!

"Crying for a man like your boyfriend is useless. So don't bother wasting your tears for a man like that," anito.

Marahas na bumitaw si Ian mula sa pagkakahawak sa kanya ng lalaking nakabangga. Maybe he meant well but she did not need his opinion, thank you very much!

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Sino ka ba, ha? Bakit ka ba epal nang epal? Bida-bida ka! Leave me alone!" hindi niya napigilang asik sa lalaki. Nakaramdam siya ng bahagyang inis dito at maging sa sarili niya.

Inis para rito dahil tila alam nito ang dahilan ng pag-iyak niya. Inis sa sarili dahil tila ba nakalimutan niya ang nangyari kani-kanina lamang dahil sa simpleng ngiti ng lalaking ito. Which wasn't normal!

"I can't..."

Your Love Is My Drug (Tennis Knights #3) (Published under PHR)Where stories live. Discover now