Kabanata 8

3.7K 149 5
                                    

Kabanata 8


NAKAPANGALUMBABA si Ian habang nakatanaw sa labas. Kasalukuyan siyang nasa McDo na katapat lamang ng Saint Vincent. Doon niya napagpasyahang magpalipas ng oras dahil wala na siyang klase. Ayaw naman niyang umuwi kaagad dahil baka atakihin lamang siya ng kalungkutan sa bahay kapag nakita niyang wala pa roon ang mama niya.

As if naman hindi ako malulungkot dito, aniya sa isip. Tingnan mo nga, puro mag-jowa ang mga nakapalibot sa 'kin. Mga cheap! Magde-date na lang, sa fast food chain pa! At sa harap ko pa!

Cheap daw, pero siya rin naman, fast food lang, solve na siya basta kasama ang mahal niya.

Binalingan na lamang niya ang McFloat niya. Mas gusto pa niyang titigan iyon kaysa pagmasdan ang mga couples na nakapalibot sa kanya. Ano bang mayroon ngayon at tila kaydaming mag-jowa ang nagkalat sa paligid? Hindi naman Valentine's Day, ah!

May naramdaman siyang nag-vibrate mula sa bulsa niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone na siyang nag-vibrate, isang palatandaan na may nag-text sa kanya. Kaagad niyang binuksan ang mensahe at nalaman niyang galing iyon kay Chuck.

Napangiti siya habang binabasa ang mensahe ni Chuck. Kahapon, habang nasa rooftop sila ay ang dami na nilang napag-usapan. Nakuwento na nga nito ang buo nitong angkan sa kanya. Nagugulat pa nga siya dahil masyadong madaldal si Chuck. Akala niya noong una ay ito ang klase ng lalaki na mahiyain dahil sa itsura nito.

Pero nagkamali siya dahil dinaig pa siya nito sa sobrang daldal! O siguro ay inaaliw siya nito sa pamamagitan ng pagkukuwento. Nevertheless, natutuwa siyang kausap si Chuck.

"Promise. Gumaan talaga ang pakiramdam ko. Maybe because of the scenery. Or maybe because..."

Ayan ang katagang binaggit niya kay Chuck. Kung hindi nga lamang niya napigilan ang sarili ay baka naituloy na niya ang karugtong niyon. Ang sasabihin niya dapat ay, "Or maybe because of you..." Pero inunahan na siya ng hiya kaya hindi na niya naituloy. Mabuti na lamang at hindi iyon napansin (o pinansin) ni Chuck.

Sa sandaling oras na nagkausap sila, masasabi niyang nakilala niya kahit papaano si Chuck. Nang dahil nga sa pag-uusap nila ay gumaan ang pakiramdam niya. Nakalimutan pa nga niya ang nangyari sa pagitna nila ng mama niya. Ganoon kaganda ang naging epekto sa kanya ni Chuck.

Tila ba nakahanap siya ng isang bagong kaibigan sa katauhan ni Chuck. Nagpalitan na nga sila ng cellphone number para raw magkaroon sila ng communication sa isa't isa. Halos magmamadaling-araw na nga silang huminto sa pagte-text kagabi or rather kanina. 'Ni hindi nga niya namalayan na mag-a-ala una na pala kung hindi pa si Chuck mismo ang nagsabi noon sa kanya.

Ang sarap kasing kausap—err—ka-text ni Chuck.

Busy ka? basa niya sa text ni Chuck.

Kaagad naman siyang tumipa ng reply niya. Nope. Bakit? Nakatambay lang ako sa McDo. Walang ka-date, eh. :'(

Pagka-send niya ng mensaheng iyon ay inilapag na niya sa mesa ang cellphone niya. Hindi niya alam kung bakit nakangiti pa siya habang tine-text si Chuck. At hindi niya alam kung bakit excited siya sa reply nito at kung bakit talagang inaabangan pa niya ang reply nito.

Naku! Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? aniya sa isip habag nakatututok ang paningin sa cellphone. Ilang minuto na ang lumipas subalit wala pa rin siyang natatanggap na reply mula kay Chuck sa labis niyang pagtataka. Kagabi ay ang bilis-bilis nitong mag-text pero bakit ngayon ay tila natatagalan ito?

Akmang hahawakan niya ang kanyang cellphone para i-text ulit si Chuck nang mahagip ng mga mata niya ang dalawang pigurang papasok sa loob ng McDo. Magka-holding hands pa ang dalawa at ang sweet-sweet pa. Hindi niya alam kung bakit pero may lumukob na panghihinayang at sakit sa puso niya habang nakatingin sa dalawang pigurang iyon. Ang pigura ni Aiden at Opal.

Tila ba na-freeze sa ere ang kamay niya habang nakatingin sa dalawang iyon. Kasabay niyon ay ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang magkasama sina Aiden at Opal. Simula kasi noong naghiwalay sila ay gumawa siya ng paraan upang hindi magtagpo ang landas nila ni Aiden. But now, seeing how sweet he was to Opal brought tears to her eyes.

Tila isang palabas na nag-replay sa utak niya ang lahat ng mga masasayang sandali na ang kasama niya ay si Aiden. Pero ngayon ay kay Opal na nito ginagawa ang mga bagay na dati ay sa kanya lamang nito ginagawa. Tila ba hindi niya matanggap na kay Opal na nito ginagawa ang mga bagay na iyon.

Kaagad siyang yumuko at inayos ang pagkakasuot ng kanyang cap. Inayos niya iyon sa paraang hindi siya makikita at mamumukhaan ni Aiden. Ayaw niyang makita siya nito. Baka kasi bigla na lamang siya nitong lapitan. Hindi niya alam kung paano siyang kikilos.

Itinutok niya ang paningin sa mesa at hinayaan ang pagdaloy ng mainit na likido sa kanyang pisngi. Pasimple pa nga niya iyong pinunasan subalit patuloy pa rin sa pagdaloy ang luha niya. 'Ni wala nga siyang panyo para maipamunas sa luha niyang tila super-typhoon kung pumatak.

Kahit na busy siya sa pag-iyak ay napansin pa rin niya mula sa sulok ng kanyang mga mata ang pigurang nakatayo sa kanyang gilid. Lalo pa niyang iniyuko ang kanyang ulo at halos masubsob na nga ang kanyang mukha sa mesa sa pag-aakalang si Aiden iyon.

"Here. Take my hankerchief," ani ng pigurang iyon na umupo sa may silya sa kanyang tabi.

Walang kibong kinuha niya sa bagong dating na si Chuck ang panyong inaabot nito. Pinunasan niya ang kanyang mga mata at pilit pinipigilan ang muling pagbalong ng luha.

Bahagya siyang napapiksi nang maramdaman ang kamay ni Chuck sa kanyang baba. Iniangat nito ang kanyang ulo kaya naman nagtagpo ang paningin nilang dalawa. Ngumiti ito nang buong pagsuyo saka pinunasan ang luha sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang napatigil sa pag-iyak. Ang mga luhang kanina ay gustong kumawala ay tila natakot at nag-back out. Unti-unti, habang nakatingin siya sa ngiti ni Chuck, ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Ang paninikip ng kanyang dibdib bunga nang pagkakita kay Aiden at Opal ay nawala.

"Let's get out of here," anito saka hinawakan siya sa bisig at hinaltak patayo.

Siya naman ay tila isang masunuring bata nanagpatangay dito. 'Ni hindi na nga siya nakakibo dahil napatingin siya samagkahugpong nilang kamay. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tila initna dumaloy mula sa kamay nito papunta sa kamay niya... hanggang sa puso niya.

Your Love Is My Drug (Tennis Knights #3) (Published under PHR)Where stories live. Discover now