Kabanata 6

4.1K 143 3
                                    

Kabanata 6


MAY PAGMAMADALI sa lakad ni Ian habang pababa siya ng hagdan. May klase siya ng eight thirty pero alas otso na at heto siya, nasa bahay pa niya. Hindi kasi siya nagising kaagad kahit na ba nag-alarm na siya kagabi. Halos mag-uumaga na rin kasi siyang nakatulog kagabi or rather kaninang madaling-araw. Hanggang ngayon kasi ay naiisip pa rin niya si Aiden. Especially their relationship that has ended.

Pathetic? Siguro. Ganoon lang ba kasi kadaling lumimot? Kahit naman kasi isang linggo na ang lumipas simula noong nag-break sila ay hindi pa rin niya mapigil ang sariling isipin at balikan ang mga pagkakataong nagkasama sila ni Aiden.

Masisisi ba siya? Nagmahal lamang siya at nasaktan.

Akmang lalabas na ng bahay nang mapansin niya ang mama niya na nakaupo sa sofa sa may sala. Nagbabasa ng dyaryo ang mama niya habang umiinom ng kape. Kagigising lamang marahil nito. Simula kasi noong namatay ang papa niya ay tila hindi na natutulog ang mama niya. Mabuti nga at kumakain pa ito. Ang masama ay masyado nitong inilululong ang sarili sa pagtatrabaho.

Noong nawala sa stage ng depression ang mama niya, ang akala niya'y babalik ang dating Beatriz. But she was wrong. Nanatiling malamig ang pakikitungo sa kanya ng mama niya. May mga pagkakataon pa nga na sa loob ng isang araw ay hindi sila nagkikita. Papaano'y sinusubsob nito ang sarili sa kompanyang iniwan ng papa niya. Tila ba doon nito ibinaling ang pagdadalamhati nito sa pagkamatay ng papa niya.

"Ma, papasok na po ako," sabi niya sa mama niya. Kahit naman kasi hindi siya pinapansin nito ay mama pa rin niya ito kaya dapat lamang na magpaalam siya rito.

At syempre pa, hindi siya nito pinansin. Ni hindi man lamang ito tumango. And what was worst? Ni hindi man lamang siya nito tiningnan. Tila ba wala itong narinig. Pero masokista yata siya at hindi na siya nadaladala pa. Alam naman niya na ganito ang kalalabasan pero nagpapatuloy pa rin siya sa pagpapapansin sa mama niya.

Sabihin mo na, Ian! There's no harm in trying. Malay mo mag-iba ang ihip ng hangin at bigla kang marinig ng mama mo, pagkausap niya sa sarili. May sasabihin pa kasi siyang isa pang bagay sa mama niya. Naisip niyang ito na ang tamang oras dahil baka kapag pinatagal pa niya ay baka hindi na sila magpang-abot pa. O baka umurong ang tapang niya.

"Ahm, Ma? May contest po pala kami para sa paparating na 50th Foundation Day ng SVU. Kasali po ako sa singing contest. Baka po gusto mo pong pumunta at manood?"

Still, wala siyang narinig na sagot mula rito. Pigil niya ang kanyang mga luha habang nakatingin sa tila walang pakialam na pigura ng mama niya. Ilang beses na ba siyang ni-reject nito pero bakit hindi pa siya madaladala? At bakit ba kahit ilang ulit na siyang binabalewala nito ay nasasaktan pa rin siya? Dapat ay sanay na siya, di ba?

"Okay lang po kahit hindi ka makapunta. Alam ko pong busy ka. Sige po, papasok na po ako," pagbawi niya at kaagad tumalikod upang itago ang pagpatak ng mga luha.

Yes, she was tough. She was expecting this. Pero may hangganan din naman ang lahat. Hindi na rin naman niya makakaya kapag patuloy na tinataboy at binabalewala siya ng mama niya. Dahil tao rin naman siyang may puso. May puso na marunong makaramdam at masaktan. Lalo pa ngang sakit ang nararamdaman niya dahil wala ng Aiden ang magko-comfort sa kanya ngayon.

If only I could bring Daddy back. Baka hindi nagkakaganito si Mama ngayon...


HANGGANG sa makarating si Ian sa SVU ay mabigat pa rin ang loob niya. Hindi na nga niya alam kung aling emosyon ba ang mas gumugupo sa kanya. Ang pagbe-break ba nila ni Aiden o ang pagbabalewala sa kanya ng mama niya. Wala pa naman siyang makausap ngayon at mapagsabihan ng sama ng loob. Ang dating pinaghihingahan niya ng sama ng loob na si Aiden ay wala na. Busy naman si Arianne at Ash.

She suddenly felt alone.

Kagaya ngayon. Mag-isa siyang kumakain sa university cafeteria. Kaya naman damang-dama niya ang lungkot at ang kanyang pag-iisa. If only there was someone out there who was kind enough to be with her. If only to listen to her problems. Or just be with her and share the silence with her.

"Life is so unfair!" mahinang anas niya habang ipinapaikot ang tinidor sa spaghetti na nasa kanyang plato.

"Yeah. Life is indeed unfair. Pero nasa mga kamay naman natin para magawa nating fair ang ating buhay."

Marahas na napabaling si Ian sa pinagmulan ng tinig na iyon at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Mister Kill-Me-With-Your-Smile. Nakatayo ito sa tabi ng silya sa kanyang harapan. Nagulat pa nga siya nang walang salitang umupo ito roon at inilapag ang dala-dala nitong tray sa mesa. Talaga namang nagulat siya nang makita niya ito ngayon. Paano ba nama'y ang huli nilang pagkikita ay noong isang linggo pa.

Ano kayo? Mag-jowa para magkaroon ng komunikasyon sa isa't isa araw-araw? pangungutya niya sa sarili.

Muli'y tinitigan niya ang lalaki at hindi niya alam kung anong kapangyarihan ang mayroon ito at tila ba biglang nawala ang paninikip ng dibdib niya. Marahil ay dahil iyon sa masuyong ngiti nito. Ang hula niya ay ito ang klase ng lalaking palagiang may nakahandang masuyo at tunay na ngiti sa bawat taong nakikita nito. Kahit na ba estranghero ang taong iyon. His smile was like a healing magic.

"Are you okay?" sabi nito sa kanya nang lumipas ang katahimikan sa kanilang dalawa.

Nagkibit-balikat lamang siya at muling binalingan ang spaghetti sa kanyang harapan.

"Ako nga pala si Chuck Del Mundo," anito saka inilahad ang kanang kamay nito.

Walang pag-aatubiling ginagap niya ang kamay nito at ayon na naman ang pakiramdam na iyon. Iyon bang tila may milyun-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan niya. Buti nga at napigilan niya ang sarili dahil kung hindi ay baka nabitawan niya ang kamay nito. "I'm Nikka Bianca Bernabe. Ian for short."

Hindi niya alam kung guni-guni lamang niya iyon pero tila ba bumulong ito ng, "I know."

Hindi nawawala ang ngiti sa labi ng lalaking kanyang kaharap. Nawala pa nga sa isip niya na hawak-hawak nito ang kamay niya. Kung hindi pa marahil sa bahagya nitong pagpisil sa kamay niya ay baka maghapon na niyang hinawakan ang kamay nito.

What the hell was wrong with her?

"Mukhang okay ka na," biglang saad nito.

Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa lalaking ito para hindi niya ito magawang maitaboy. Kung ibang lalaki siguro ito ay baka nasigawan na niya ito upang iwan siyang mag-isa. Lalo na ngayong may pinagdaraanan siya. But with this guy, she felt so different. Tila ba kay tagal na niyang kakilala ang lalaki dahil kay gaan ng loob niya rito gayong kung tutuusin ay pangalawang pag-uusap pa lamang nila ito.

Maybe she needed a companion so badly right now. Iyon lang naman 'yon.

"I'm good at pretending," hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kanya para sabihin iyon.

"Really?"

"Yeah."

"If that is so..."

Wala siyang narinig na karugtong niyon subalit hindi na niya iyon pinansin. Nagulat na lamang siya nang maramdaman ang kamay nito sa may bisig niya at hinahatak siya patayo. Sa kabilang kamay nito ay ang tray nito na naglalaman ng pagkain nilang dalawa.

"What?" nagtatakang tanong niya dito.

He just smiled sheepishly while still gently holding her wrist. "Basta. Come with me."

Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya at nakikita na lamang niya ang sariling sumusunod dito. Hindi niya alam kung ano ang mayroon kay Chuck para pasunurin siya nito ng walang kibo. Maybe it was his smile. Or his aura. Or maybe, it was just because he is Chuck.

Your Love Is My Drug (Tennis Knights #3) (Published under PHR)Where stories live. Discover now