Kabanata 10

4.1K 151 14
                                    

Kabanata 10


HINDI mapigilan ni Ian ang mapangiti habang nakatingin sa kumakaway na si Chuck. Nandito siya ngayon sa open court at pinapanood ang practice game nito. Maaga silang pinalabas ng kanilang professor at ayaw naman niyang umuwi kaagad kaya dito muna siya tumambay. Sabi naman kasi ni Chuck ay maaari niyang panoorin ang practice game nito anytime na wala siyang ginagawa.

Kaya nga ngayon at heto siya. Tinitingnan si Chuck. Hindi nga niya alam kung saan nagmula ang tila mabilisang pagtibok ng puso niya habang nakatingin kay Chuck. Ngayon ay naka-focus ang paningin nito sa kung sinumang kausap nito. Pero mayamaya'y nilingon siya nito at muling kinawayan. And there it was again, the loud beating of her heart.

"Hello. Ngayon lang kitang nakitang tumambay dito sa open court para manood ng practice ng Tennis Knights. Member ka ng Wallflower Society?"

Kunot ang noong binalingan niya ang nagsalitang iyon at nakita niyang nakaupo na pala sa tabi niya ang isang magandang babae. Maamo ang mukha nito at mukhang mabait. Bigla nga'y tila ba nakaramdam siya ng insekyuridad dahil sa ganda nito.

"Tennis Knights? Wallflower Society? Ano 'yon?" tanong niya nang maisip ang mga hindi pamilyar na salitang binanggit nito.

Ngumiti ang tsinitang katabi niya saka inilahad ang kamay sa kanya. "Hindi ka pala member ng Wallflower Society. I'm Skyeisha Lareza. You can call me Skye. Key chain ako noong isa sa mga gunggong na nagkakagulo doon sa court," pakilala nito sa kanya.

Hindi siya nagdalawang-isip at inabot ang kamay nito. "I'm Nikka Bianca Bernabe but you can call me Ian."

"To answer your questions, ang Tennis Knights ang tawag ng karamihan sa mga kulokoy na 'yon. Mga mukha silang siraulo pero mga hayup ang mga 'yan pagdating sa tennis," ani Skye at nakangiting itinuro ang mga lalaking nasa may open court na sa pagkakaalam niya ay mga myembro ng tennis club. "Siyam silang lahat kasama na ang key chain ko, si Cloud."

Tiningnan niya ang tinuro ni Skye at nakita niya ang isang nakangiting lalaki. Kumaway pa nga ang lalaking iyon kay Skye at nag-flying kiss pa. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil doon.

"Ang Wallflower Society naman ay 'yong mga grupo ng mga babae na wala nang ginawa kundi pagnasahan, kuyugin, at landiin ang mga Tennis Knights. Naku! Kung hindi ko lang alam na mahal ako ni Cloud, baka sinunog ko na ang kaluluwa ng mga babaeng iyon," pagpapatuloy ni Skye.

Napatango na lamang siya. Hindi niya alam kung saan ba siya nagsususuot para hindi malaman ang mga tungkol dito. Siguro kasi'y masyado siyang nag-focus kay Aiden. Siguro kasi'y puro siya Aiden, Aiden, at Aiden noon kaya lumiit ang sirkulo ng buhay niya.

Habang nakikinig sa pagkukwento ni Skye tungkol sa tennis club na kinabibilangan ni Chuck ay nakaramdam siya nang paghanga sa lalaki. Hindi niya alam na ang isang kagaya ni Chuck na mabait, mahinahon, at matulungin ay isa pa lang magaling na tennis player. He was so perfect.

"Sino nga pala sa natitirang pito ang key chain mo? Hindi puwedeng si Les dahil kay Airin na 'yon. At lalong hindi puwede si Cloud dahil sa 'kin na siya."

Hinanap ng mga mata niya si Chuck at nang makita itong nakaupo sa isa sa mga bench sa court ay itinuro niya ito kay Skye. "Siya ang pinunta ko rito. He told me that I could come here anytime."

"Really? Then you must be something to Chuck then."

"Hindi, ah. Magkaibigan lang kami. Actually, halos kakikilala lang namin."

Hindi kumibo si Skye kaya naman binalingan niya ito. Nakatingin ito nang mataman sa kanya na tila ba binabasa ang kanyang saloobin. "May gusto ka kay Chuck?" diretsang tanong nito.

Your Love Is My Drug (Tennis Knights #3) (Published under PHR)Where stories live. Discover now