Chapter 17 - Cup Noodles

142 3 0
                                    


Hindi ko alam kung sinong espiritu ang sumapi sa akin the whole time na magkasama kami kanina ni Des. I don't know kung saang baul ko hinugot ang lakas ng loob ko para ayain syang mag-isaw at mag-jeep at lalong-lalo ang ihatid sya sa dorm.

Alam kong may boyfriend sya and malamang may misunderstanding sila at that time na nasaktuhan namin sya sa Luneta. But any other way, nagpasalamat parin ako kay tadhana at nagkaroon ako ng chance na makasama sya.

I got to see the side of Desiree Cheng na hindi ko pa kilala or hindi ko pa nakikita. But what happened earlier, totally changed my perception that not all first impressions lasts.

I sensed kanina na mukhang may mabigat syang pinagdadaanan, probably nga love life issues. Kung naiba-iba lang siguro, I would have taken advantage of her "vulnerability" but hindi naman ako ganon. So I decided to be her "man of steel" even for just a while.

I know that I was doing a good job when I was able to make her smile, then make her laugh, because I know, kahit saglit lang, she veered away from whatever problem it is that she's having.

I really wanted for the night not to end because I don't want to see the smile to leave her face. Kung ako lang masusunod, hindi ako agad aalis kanina pagkahatid ko sa kanya sa dorm but I had to choose to leave habang kaya ko pa at dahil dapat na.

I know na kahit for a few hours, I was able to be her Superman. But I'm not her Clark Kent because she already is someone else's Lois Lane.

"Lalim ng iniisip ah! Kumusta yung date? Hindi mo na kami binalikan eh!"

Dumating narin dito sa apartment ang dalawa. Nag-sorry naman ako sa kanila at sinabing hinatid ko si Des matapos kong samahang kumain. Dumirechong tulog na si Josh at naiwan kami ni Aljun.

"Ano, pormahan mo na Paps. Attack while the enemy is weak."

"Ulol. Hindi ganon yun. May pinuntahan lang daw sya sa malapit kaso nangalay daw sya kaya nag-upo muna pero pauwi na din daw sya kanina. Hinatid ko lang sa sakayan."

"Barber natin friend. Imbento pa more."

Binato ko lang ito ng unan at nagpaalam narin ako para matulog. But before I dozed off, I prayed na sana, kahit sa panaginip, makasalubong ko ulit si Des. And this time, sasagarin ko yung buong 8 hours.

---

Fast forward to Monday

Nagmamadali akong nagtatakbo papunta sa klase ko dahil tinanghali ako ng gising. I was running at full speed only to arrive at an empty classroom.

"Weren't you aware na wala yung prof today so cancelled yung class?"

Napalingon ako sa taong nagsalita. Dali-dali akong nagpunas ng pawis, hindi nga ako nagkamali.

"Oh hi Des, good morning. Nope hindi ako aware or hindi ko ata nabasa yung notif. Ikaw, bakit andito ka? Hindi mo din alam?"

"Nope, alam ko. Just need to get something sa lib."

"Tamang-tama dun din ako papunta ngayon. Tara sabay na tayo."

We walked towards the library. Syempre natuod na naman ako.

Uy espiritu sapian mo na ko ngayon!

"Du-duty ka na?"

"Hindi pa. May ibabalik lang akong libro."

Nobody said anything after. When we reached the lib, nagkanya-kanya na kami ng landas. Matapos ibalik ang librong hiniram ko, hindi ko naman na alam kung saan ako tatambay so I decided to just wait for her.

BestiesWhere stories live. Discover now