Chapter 5 - Brownies

198 4 0
                                    

Argh! Sa dami-dami naman ng pwedeng mangyari sakin eh yung matatapunan pa ng mango shake. Pinaka ayoko pa naman din sa lahat eh yung nadudumihan at natatapunan ng pagkain yung damit ko.

Matapos ang nagyaring banggaan, hinatid ako ni Jollo dito sa dorm para makapag bihis pero umalis din ito agad dahil may klase pa sya.

"Ako pa talaga may kasalanan! Ako pa talaga bumangga! Eh ako na nga 'tong natapunan! Ang kapal mo din naman kuya!" Paglilitanya ko habang padabog na kumukuha ng damit at ng makapag shower ako.

"Nagsorry ka nga! Ako din naman sinisi mo! Edi wow!"

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mag-rant dahil sa nangyari. Halos ibalibag ko ang pinto ng closet ko sa inis ng biglang bumukas ang pinto.

"What was that?"

Medyo nagulat ako dahil may nagsalita pero mas nananaig ang pagka high blood ko.

"Eto naligo ng mango shake! Badtrip eh! Nako wag na wag talaga sya magpapakita sakin!" Sagot ko ng hindi lumilingon.

"Kim's not referring to your mango shake shower."

Lumingon ako at hinanap yung isa pang nagsalita.

"Bei!"

Pumasok sa room si Kianna kasunod ang best friend nyang si Bea na kaibigan ko rin. Patakbo akong lumapit dito at akma sanang yayakap dahil naiiyak na ko sa inis.

"Woah! And hello to you too, Des. I'm all good. I don't wanna join your mango shake party," natatawa nitong sabi habang hinawakan ako sa magkabilang balikat at pilit inilalayo ang sarili sa akin.

"What are you doing here?" tanong ko.

"Just hanging around with Kim. Namiss daw nya ko eh!" Sagot nito.

"Ewan ko sayo De Leon! Ako ba talaga ang nakakamiss o si Chubby Cheeks? Kaw kaya 'tong bigla biglang sumusulpot dito!"

Natawa ako sa sinabi ni Kianna habang si Bea eh namula. Pag nagsama talaga 'tong dalawa, makakalimutan mo ang init ng ulo mo dahil wala na silang ginawa kundi magbasagan.

"Anyways, back to the question. What was that?" Baling ulit sakin ni Kianna.

"What was what?" Takang tanong ko dahil hindi ko naman kasi magets kung ano ba yung tinutukoy nya.

"Des, what happened before you guys went on term break also reached Katipunan. So I was wondering as well why you and Jollo were together earlier."

"Onga eh! Night in shining armor pa ang peg ng lolo mo. Akala ko ba binasted mo na yan? Ano to, laban o bawi?"

Hindi ko inaakalang mai-instant hot seat ako. Nakita pala ng mga 'to ang nangyari kanina. Hindi ako nakasagot agad, tumingin lang sa kanilang dalawa at pilit nagco-compose sa utak ko ng tamang sentence para malusutan ko ang interrogation na nagaganap.

"Haha! Guilty spotted!" Pang-aasar ni Bea na ikinapula naman ng mukha ko.

"You will explain everything later after practice. Sa ngayon maligo ka na muna. Yung mga fans mong langgam nakaabang na oh. Tamis nung kanina eh." Gatong pa ni Kianna.

"Okay, okay! O sya maliligo na muna ko at may klase pa ko. Bei, balik ka sa sunod tapos awayin mo yung nagtapon sakin ng mango shake ah!"

"Sige, kaso baka magalit yung boylet mo pag inunahan ko sya eh." Binelatan ko ito sa pangaasar nya at tumawa lang ito ng malakas.

"Basta later ha! Mauna na muna kami, kinuha ko lang yung gift nitong si kapre," pagpapaalam ni Kianna bago ito lumabas. "De Leon tara na. Baka pinapa-hunting na ko ni Chubby Cheeks dahil tinangay kita."

BestiesWhere stories live. Discover now