Love and Bread

695 12 0
                                    

"Anak, ang love, parang paggawa lang ng tinapay. Mabusisi. Matrabaho. Mukhang madali, pero nakakapagod. Napakahirap."

Walang kurap kong tinititigan si Mang Tony habang minamasa nya sa kakaibang direksyon ang dough na kanina lang eh pinaghalo halong mga ingredients na basta ko nalang itinambog sa counter.

"Mahabang oras at panahon ang kailangan mong ibigay bago maging perpekto ang magiging finished product mo."

Tahimik parin ako. Napakunot lang ang noo ko dahil paisa-isa nyang idinadagdag ang iba pang mga ingredients na pwede naman nya sanang pinagsama-sama nalang kanina.

"Nagtataka ka bakit paisa-isa? Bakit di ko nalang sinabay kanina?"

Tumango ako. Hindi ko parin magets kung san papunta itong usapan namin.

"Maliban sa dapat kalidad ang mga sangkap na gagamitin mo, hindi dapat madaliin ang pagdagdag. Mas nailalabas kasi ang lasa ng bawat sangkap kapag naihalo mo ito ng mabuti. Ang ending, tamang tama ang lasa. Binabalik balikan ng tao. Hindi nakakasawa."

Napatingin ako sa dalawang unggoy sa tabi ko, naghahanap ng sagot kung naiintindihan ba nila si Mang Tony, pero tanging kibit balikat lang din ang isinagot sakin.

"Mabait na bata si Des. At nakikita kong gustong gusto mo sya. Pero bago mo sabihin na mahal mo sya, simulan mo munang maging honest sa kanya. Hindi mabubuo ang masarap na tinapay kung kulang o low quality ang rekado mo."

Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ako ready dun. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Mang Tony. Unti-unting nagsi-sink in sakin ang lahat. Natapos na din sya sa pagkokorte ng mga tinapay. Tumingin muna sakin si Mang Tony bago muling nagsalita.

"Ano boy? Naintindihan mo na? Hindi mo kaya o natatakot ka? Ang hirap ano? Hoy, kayong dalawa dyan, tulungan nyo kong isalansan to sa oven."

Naiwan akong nakatulala at ang tanging nagawa ko nalang ay ang paglamukos sa aking buhok. San ako magsisimula? Paano? Ano na Kirell Brahndon?

BestiesWhere stories live. Discover now