Chapter 3 - Mango Shake

255 7 0
                                    

"Sundin nyo lang yung recipe na nakalista diyan sa dingding at ayokong may naaaksayang rekado dahil mahal ang presyo ng harina."

Unang araw naming tatlo dito sa pinapasukan naming bakery at ngayon ay bini-briefing kami ng boss naming si Mang Tony sa mga patakaran.

"Alas tres palang ng umaga ay dapat nandito na kayong tatlo at kailangang may nakahanda ng bagong lutong tinapay pagdating ng alas singko."

Aminado akong parang mahirap ang pinasok ko at nahihiya ako sa dalawang kasama ko pero nandito na 'to eh kaya go nalang. At nagpapasalamat akong si Mang Tony ang naging amo namin.

"Boss, pwede ba kaming kumain nung mga tindang tinapay?" Biglang hirit ni Josh kaya nasiko sya ni Aljun sa tagiliran.

"Pwede naman. Wala akong problema don basta hindi mo uubusin yung paninda," sagot ni Mang Tony na ikinalapad ng ngiti ni panget.

"Oo nga pala, wala ako maghapon dito sa bakery at may trabaho din akong iba kaya madaling araw at tuwing closing nyo lang ako makikita. Ayokong makakarinig na gumagawa kayo ng kalokohan dito ha?"

"Si Josh lang naman po yung pinaglihi sa kalokohan dito, Boss. Sa amin po ni Kib wala kayong poproblemahin," sagot ni Aljun na ikinatawa ng lahat.

"O sya, simulan nyo ng maghanda ng mga rekado na gagamitin bukas. Ikaw liit, ang totoka sa mga tuyong sangkap gaya ng harina at asukal. Ikaw kulit, sa mga basa gaya ng mantikilya at itlog. Ikaw pogi ang bahala dun sa iba pang kakailanganin at pati narin sa oven." Pagbibilin nya.

"Nga pala, hindi ba't nag-aaral kayo kamo sa Bacolod? Wala ba kayong balak magpatuloy ng pag-aaral nyo? Mag working student ba?" Banggit ni Mang Tony habang inaayos ang maliit na timbangang gagamitin namin sa pagsusukat ng rekado.

"Meron naman po. Kaso hindi muna siguro ngayon at kailangan may pondo muna kami," sagot ko habang nagtatakal ng cocoa na gagamitin para sa pag gawa namin ng brownies.

"Ah ganon ba? Kung gusto at kakayanin ninyo eh pwede kong pakiusapan yung amo ko na kung maaari ay payagan kayong mag-enroll bilang working student dun sa trabaho ko diyan sa unibersidad. Kumpleto naman ang mga papeles nyo diba?"

"Nako Mang Tony, sobra sobra na pong tulong ang binibigay nyo sa amin. Nakakahiya na po."

"Nako hindi, hindi," sagot nito habang iwinawasiwas ang isang kamay. "Nakikita ko ang mga anak-anakan ko sa inyong tatlo at gusto kong makatapos at maging matagumpay kayo."

"Eh sige po. Sabihan nyo nalang po kami kung paano at kailan namin kailangan pumunta sa university."

Tumango ito at maya-maya ay nagpaalam na. Hinarap ko ang dalawa kong kaibigan upang ibigay ang mabuting balita.

"Mga Brod, sabi sa inyo magaling si Batman eh."

"Oo, kasi si Batman hindi kailangan magtakal ng harina at asukal para magkapera," hirit ni Aljun.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa sasabihin ko. "Mga Brod, makakapag-aral na tayo ulit. Dun sa university kung saan nagtatrabaho si Mang Tony. Working students nga lang pero, okay na yun."

"Wow! Ibig sabihin, marami na naman akong guys and girls na magiging friends!"

"Friends mo mukha mo panget. If I know, chicks lang talaga habol mo," pang-aasar ni Aljun kay Josh.

"Hoy! Tama na ang chismisan! Aba'y nawala lang ako sa paningin nyo, nagdaldalan nalang kayo imbes na ayusin yung mga pinapagawa ko."

Nabigla kami sa boses at dali-daling nagbalik sa mga ginagawa namin. Nariyan pa pala si Mang Tony. Ngumiti ito ng makitang nataranta kami bago ito muling tumalikod.

BestiesWhere stories live. Discover now