Chapter 10 - ChocNut

142 2 0
                                    


Wednesday morning. Ang araw ng group work. Prepared naman ako pero nandun pa din ang konting kaba. Although wala pa namang assigned groups, naghahati na ang dalawang katauhan sa utak ko sa posibilidad na maging group mate ko si Miss Chinita.

"Mas maganda na maging ka-group mo sya. Para narin makapag-sorry ka at magkakilala kayo ng maayos. You'll never know the true character of a person until you get to talk with them naturally."

"Hell no! First interaction nyo, sinungitan ka na ng malala. If she was able to do that then, baka kung ano pa pwedeng gawin o sabihin nyan. Remember, first impressions last."

Ginulo ko buhok ko para umalis ang mga tinig. Sakto naman ang pagpasok ni Miss Chinita kasunod ang mga kaibigan nito.  She's  wearing  a gray shirt and denim skirt matched with clean, white, sneakers. Isama mo pa ang pagngiti nya na sobrang nakaka-distract to the point na gusto ko nalang itong titigan buong araw.

Naupo sila ng mga kaibigan nya at maya-maya lang din eh dumating na ang prof. Hindi ko masyadong naiintindihan ang mga sinasabi ng prof sa harap dahil para akong nahi-hypnotize na titigan lang ang likod ni Miss Chinita.

"Cheng, Gonzales, Legaspi and Montalbo, you're in group 4."

Narinig kong binanggit ang apelyido ko dahilan para matigil ang trance na dala ng pagdating ni Miss Chinita. Inayos ko ang mga notes ko at nagready sa paglipat ng upuan.

"Okay class, go to your respective groups, discuss the assigned topic for 30 minutes and when I come back, each group will report what their assigned topic is all about. Remember, this is graded so do your best." Pagkasabi noon ay lumabas na ang prof at kanya-kanyang sigaw na ang bawat isa para mahanap ang mga kagrupo nila.

---

Halos settled na ang buong klase ng mahanap ko ang group mates ko. 2 lang ang naroon at nagpasalamat ako na wala roon si Miss Masungit. Hindi ko narin hinanap kung nasaang grupo ito. Dali-dali akong naupo at nagpakilala na ang ibang kagrupo ko.

"Tatlo lang ba talaga tayo? Diba by-fours ang group? Kib Montalbo pala." Tanong ko habang nakipagkamay dun sa dalawang ka-group ko. Si Chesca at Ryan.

"Ay tumakbo lang ng rest room si Des sandali." Sagot nung babaeng Chesca ang pangalan.

Tumango lang ako habang nagsimulang basahin nung Ryan ang assigned topic namin, 'Interpersonal Relationships - the pros and cons of power and dominance.' Tinignan ko ang notes ko at sakto naman na marami akong outline na nagawa related sa topic na ito. Napansin ko na may umupo sa tabi ko pero hindi ako nagtaas ng tingin.

"So Des will be our leader. This is Ryan pala and the one beside you is Kib." Narinig kong sabi ni Chesca. Dumating na siguro yung nawawala naming ka-group. Nag-angat ako ng tingin para i-acknowledge ang pagdating nito.

"Hi, I'm Kib Mon.."

Hindi ko na natapos ang pagpapakilala ko dahil nakita kong nakataas na ang kilay nito.

"Ikaw?! OMG!"

Halatang naguluhan ang dalawang kagrupo namin sa reaksyon nito.

"Uhm, Des, do we have a problem?"

"Maybe, Ches, this?" Sabay turo nito sakin.

"Woah, teka, why am I a problem?" takang tanong ko sabay taas ng mga kamay dahilan para tumingin ang ibang mga estudyante sa amin.

"Sorry guys.." hinging paumanhin ni Ryan sa ibang mga grupo.

"Guys, may 25 minutes nalang tayo. Can you like settle your differences later?"

BestiesWhere stories live. Discover now