Chapter 4 - Pandesal

236 5 1
                                    

Unang araw ng klase. Unang araw din ng pagiging mga working students naming tatlo. Excited at kinakabahan ako dahil wala akong kilala tapos parang mga bigatin pa karamihan ng mga estudyante dito sa university.

Solo flight muna ako dahil magkakaiba kaming tatlo ng oras ng pasok. Sa ngayon ay ako ang may klase. Si Aljun ay naka-duty sa library samantalang si Josh ang tumatao sa bakery.

Maaga akong dumating sa klase para makapili ng magandang upuan. May mga estudyante na sa loob ng classroom ng dumating ako at dahil wala namang akong kakilala, pinili kong maupo sa may bandang likuran.

Wala pa ang prof namin kaya naisipan ko munang magbasa-basa. Paminsan-minsan din akong nagaangat ng tingin at nagmamasid sa mga magiging kaklase ko. Lahat halos de-laptop. Panay din ang pagse-cellphone ng iba.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng awa para sa sarili ko pero ipinagkibit-balikat ko nalang. Makakapasa at makakapag-aral parin naman ako kahit walang gadgets.

Habang pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko, may matangkad na babaeng humarang sa may pinto ng classroom.

"Jolls!"

Narinig kong sigaw nya. May narinig akong boses na sumagot pero hindi ko natatanaw kung sino.

"My class ends after an hour and a half."

Ay astig. Lahat ba ng tao dito inglisero? Hindi ko na naituloy ang pagbabasa ko dahil sa hindi inaasahan eh naintriga ako dun sa babae sa may pinto. Malumanay ang timbre ng boses nung babae. Tunog mabait.

Nakatitig lang ako sa likod ni Ate habang ini-imagine kung anong itsura nya ng walang ano-ano ay bigla itong pumihit. Pasimple akong tumingin sa mukha nito. Infairness maganda si Ate. Chinita. Nakangiti ito ng malapad. Siguro jowa nya yung kausap nya kanina kaya ang laki ng ngiti nito.

Naglakad ito papunta sa isang grupo ng mga babae at lahat ng mga kaklaseng nadaanan nya ay binabati sya. Sikat siguro tong si Ate. Daming may kilala sa kanya eh.

Naputol ang pagiisip ko ng kung ano-ano dahil may biglang nagsalita sa harap. Narito na pala ang prof namin. Mukhang magiging interesante ang klase na ito. Marami akong oras para lihim na pagmasdan si Ate.

---

"Study chapters 2 & 3 of your module because we will have a graded group activity on Wednesday. Class dismissed."

Tapos na ang klase. Nagtayuan na ang mga kaklase ko at kanya kanyang lapit sa mga kaibigan nila dahil lunch time narin naman.

Tinignan ko si Miss Chinita habang masaya itong nagaayos ng mga gamit nya. Excited siguro itong lumabas dahil may date ito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit parang may maliit na parte ng utak ko na nagsasabing "Ouch!"

Teka, Kib! Kakakita mo palang kay Miss Chinita, ouch na agad? Agad agad? Nagmamadali?

Tinampal tampal ko ang sarili para iwasiwas ang naiisip ko dahil yung konsensya ko nanenermon na.

Hinayaan ko munang magsilabasan ang ibang estudyante at pati narin si Miss Chinita bago ko naisipang tumayo at lumabas ng classroom.

Tanghalian narin at may sunod na klase pa ko kaya naisipan ko munang bumili ng mangangatngat. Nagdesisyon akong puntahan yung narinig kong sinasabi nilang food court. At dahil may budget nga ako, kailangan tipid tipid din pag may time.

Narating ko rin sa wakas ang sinasabi nilang food court. Nakalimutan ko rin panandalian si Miss Chinita dahil walang tigil sa pagpapapansin ang mga alaga ko.

Naglakad lakad ako at sinipat ang menu ng bawat stall, tinitignan kung alin ang pasok sa budget ko.

Takte. Ang mamahal naman ng tinda nila. Bakit pa nila 'to tinawag na food court? Eh sa mall pag sinabi mong food court, may budget meal, 2 ulam na, may drinks pa.

Dahil limitado ang budget ko, naisip ko nalang bumili dun sa pandesalan. Nadaanan ko yun kanina at parang mura naman ang mga tinda.

Pumila ako at umorder nung pandesal na may palamang chorizo. Mejo napamura ako ng konti nung binabayaran ko na kasi hindi ko inaasahan yung presyo. Lagpas ako sa budget. Pero bahala na. Gutom na ko eh.

Habang inaantay yung order ko, may lalaking kasing tangkad ko halos ang biglang sumulpot sa tabi ko.

"Kuya, yung inorder ko kay Jeanine kanina kunin ko na." Rinig kong sabi nito.

"Sir, ito na po yung Chori Pandesal nyo."

Inabot ko kay Kuya yung mamahaling pandesal at nakita kong inabutan ito nung lalakeng katabi ko ng limandaan.

Pandesal?! Sa halagang limandaan?! Nako boy, kung dun ka sa bakery ni Mang Tony bumili, yung limandaan mo may brownies, ensaymada, spanish bread, kababayan at eggpie ka na! Isang tray bawat klase! May matitira pa na pang sopdrinks mo!

Naisipan ko ng umalis dahil nagiging makasalanan na ang isip ko. Pupuntahan ko nalang muna si Aljun sa library at baka hindi parin kumakain yun tutal may oras pa naman bago ang sunod na klase ko.

Unti-unti akong kumagat habang tumitingin sa paligid ng may tumulong barbeque sauce sa tshirt ko. Dali-dali ko itong pinunasan bago kumalat pero biglang may bumangga sakin.

"Shit!"

Boses ng babae. Babae ang nakabangga sa akin.

Tumingin ako rito at nakitang natapon sa damit nya yung dala-dala nyang inumin. Nakayuko ito at pilit pinupunasan ng tissue ang sarili nya.

"Hala! Miss sorry! Pasensya na. Hindi ko naman po sinasadya. Palitan ko nalang po. Bigla kasi kayong humarang sa daanan ko. Ate, magkano ba yung inumin nya?"

Ako na ang humingi ng paumanhin at baka singilin ako nung babae. Mukhang mamahalin pa naman din yung inumin at suot nya kaya nagpaka gentleman ako at sinabing papalitan nalang habang nagrarason na hindi ko naman kasalanan.

"Hey, what happened?! Are you okay?" Nakita ko yung lalaking kasabay ko sa pandesalan kanina na lumapit dun sa babae. Pinaupo nya muna ang nakabangga sa akin bago ako nito binalingan.

"Estudyante ka ba dito, pre? Hindi mo ba kilala kung sino yung nabangga mo?"

Gusto ko syang sagutin ng "Eh ako boy, kilala mo ba?" kaso pinili ko nalang maging mabait dahil bago lang ako dito at working student pa.

"Boss, humingi na nga ko ng pasensya at papalitan ko nalang nga yung inumin nya. Saka hindi ko naman kasalanan. Bigla syang humarang eh."

Walang ano-ano ay bigla akong tinulak nung lalake.

"Ang yabang mo ah! Hindi mo ba ko kilala?!"

Napasandal ako dun sa isang mesa dahil sa pagtulak sa akin pero hindi nalang ako sumagot. Ayokong bumili ng away.

Suntukin mo na! Suntukin mo na!

Naririnig ko ang pagbubuyo ng konsensya ko na patulan ko na yung lalake. Pero nanatili akong hindi kumikilos dahil marami naring mga matang nakatingin sa amin.

"Jolls, tama na. Let's go. Ate, balikan ko nalang yung order ko later."

Pamilyar yung boses kaya napatingin ako sa pinagmulan nito. Hindi nga ako nagkamali. Si Miss Chinita ang nagsalita.

Holy Guacamole! Si Miss Chinita ang bumangga sakin! At nag-attitude pa ko! Napaka good job mo Kib!

Napako ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang paghatak ni Miss Chinita kay Boy Yabang. Nablangko ako bigla at sinundan nalang ito ng tingin. Nang mahimasmasan ako, wala na ito.

Ibang klaseng adventure sa unang araw ng klase. At mukhang na-ekis pa ko kay Miss Chinita. Buti nalang hindi nalaglag yung pandesal ko.

---

It's UAAP Saturday and update update muna ko while watching the Ateneo and UE game.

Shangaps.. May magka-cameo sa Chapter 5.. Abangan! 

Thank you again for those reading this. 😃👌

BestiesWhere stories live. Discover now