Chapter 6 - Cookies

175 3 0
                                    

Nagtatatakbo ako papunta sa sunod na klase ko dahil meron na lamang akong 2 minutes. Nabangga ko kasi si Miss Polly Pocket. Pero imbes na makaramdam ako ng kabadtripan dahil baka ma-late ako, mejo natuwa pa ko.

Wag mong sabihing crush mo din yung Michelle? Kasi hindi ito masungit di gaya ni Miss Chinita! Sigaw sakin ng konsensya ko na nagpangiti sakin.

Narating ko rin ang classroom ko at buti nalang wala pa ang prof. Mejo puno na yung klase kaya hindi ko nagawang pumili ng upuan sa may likod. Tumingin muna ko ng bakanteng silya at naisipang tumabi sa isang lalaki sa may bandang gitna na tahimik lang na nagte-text.

"Umm, hi, excuse me." bati ko na nagpaangat ng ulo nya. "Is that seat taken?" sabay turo ko sa silyang nasa may bandang kanan nya.

Simula nung nabangga ko si Miss Polly Pocket, sinabi ko sa sarili kong pipilitin kong magsalita ng English para siguradong papansinin ako ng mga taong kailangan kong kausapin kasi baka mamaya inglisero pala sila. Magmumukha kong tanga pag nag tagalog ako tas hindi nila ko pansinin.

Umiiling ito at iginilid ang higanteng bag nya para makaupo ako sabay balik sa pagte-text nya.

Inilabas ko ang textbook ko para magbasa basa ulit. Nangangalahati na ko sa paragraph ng walang ano-ano eh biglang bumaling sakin si Mr. Kitikitext.

"Ah, are you new here as well?"

"Oo. Ikaw ba?." Shet, nawala ako bigla sa English mode. "I mean yes," bigla kong bawi.

"Nagta-tagalog ka rin pala, buti nalang."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinagot nito.

"Nakikiramdam ka rin no? Kib, pare." Pagbibiro ko sabay aboy ng kanang kamay.

"Raymark, pala." Ngumiti ito at inabot ang kamay ko. "Oo, nakikiramdam din. Probinsyano eh. Mejo nosebleed na rin kasi."

Natawa ko sa sinabi nya. Maliban sa mga kaibigan ko, hindi pala ko nag-iisang laking probinsya rito.

"Saan ka pala galing? Ako, from Bacolod."

"CDO."

"Uy, bisdak din!"

"Haha! Yun naman pala eh!"

May ilang minuto rin kaming nagkwentuhan tungkol sa unang araw ng klase bago kami tumigil dahil nariyan na ang prof at nagsimula na kaming mag focus sa klase.

Natapos ang discussion ng mas maaga at sabay kaming lumabas ni Raymark pero gaya ng ginawa ko sa unang klase ko, nagpahuli kami.

"San ka na pala Kib?" Tanong nito nung naglalakad na kami palabas ng building.

"Sa lib ako. Duty ko na kasi."

Naikwento ko na kanina rito na working student ako at ito naman ay scholar pero naputol ang usapan namin dahil nga dumating na yung prof.

"Ikaw ba? May klase ka pa?" Tanong ko.

"Ah wala na pero may training naman ako."

"Training para sa?"

"Volleyball. Scholar ako dito dahil nakuha akong varsity ng university team. Mauuna na ko ha. Ayoko masermunan ng captain namin eh. Sige, Kib nice meeting you and kitakits."

Naglakad na ito palayo habang ako ay naiwang nakanganga dahil sa nalaman ko na ang unang naging kaibigan ko rito eh mejo bigatin din. Varsity eh. Pero okay lang yun. Mabait naman sya.

Nagsimula na akong maglakad papuntang lib. So far, maganda naman kahit papaano ang kinalabasan ng unang araw ng klase.

Narating ko din ang lib at tamang tama nandun pa si Aljun.

BestiesWhere stories live. Discover now