Chapter 7 - MikMik

195 3 0
                                    

"Hey!"

"Des! Oi!"

May naririnig akong mga tinig sa background pero hindi ko magawang pansinin dahil sa kabang unti-unting bumabalot sa ulirat ko.

"Booti!"

Naramdaman ko nalang na may yumuyugyog sakin. Tumingala ako, blangko parin ang isipan. Nakahawak si Tin sa magkabila kong balikat at kunot ang noong tumingin sa mga mata ko.

"Are you sick or something? Kanina ka pa namin tinatawag but it seems like you're in outer space."

"Ha? Ano ba nangyari? Kanina pa ba kayo jan?"

"Teh, kanina pa tapos yung klase. Nabuang ka na?" Pagsasalita ni Mayang habang inaayos na ang mga gamit kong nakakalat pa sa upuan ko.

Matapos kong magshower kanina ay dumirecho kaagad ako sa klase. Wala ng kain kain. Sabayan mo pa ng kaba ko sa mangyayaring hot seat later sa practice. Kaya ganito nalang ang pagkalutang ko.

Kasalanan tong lahat nung mayabang na lalakeng yun na nagtapon ng mango shake sa damit ko. Kala mo kung sinong pogi kung makaasta.

Buong klase ko halos iniisip kung paano ipapaliwanag sa mga kaibigan ko kung bakit magkasama kami ni Jollo nung lunch at kung bakit naligo ako ng mango shake kanina. Ni hindi halos ako nakinig sa prof dahil mas nananaig ang kaba ko.

"Uy teh ano na? Tititigan mo nalang yang ballpen mo? Male-late na tayo sa practice. Yung kapangyarihan ng hakbang ni Itay nararamdaman ko na dito." Binitbit na ni Mayang ang bag ko ng hindi na ko inaantay sumagot at lumabas na ito ng classroom.

"Des, are you sure you're okay? Sumasakit ba yung tuhod mo ulit?" Nagaalalang tanong ni Tin habang hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"No, Booti. I'm okay. Kinakabahan lang kasi ako."

"About what? Sa practice? Why naman?"

Hala! Wala pa ata silang alam tungkol sa nangyari kaninang lunch!

Nakaramdam na naman ako ng panic at nerbyos kaya napahigpit ang hawak ko ng kamay dito.

"Uhm.. You'll know later."

Hindi na ito nagsalita pa. Nararamdaman din nito panigurado ang kaba ko. Tumayo na ko habang nakahawak parin kay Tin, pilit na kumukuha ng lakas mula dito at sabay na kaming lumabas ng room.

---

"Teh, ano ba tong laman ng bag mo? Bakit ang bigat? Pahingi ako nito ah."

Naglalakad na kami papunta ng gym habang bitbit ni Mayang ang bag ko. Kumuha ito ng 3 pack ng MikMik sa side pocket ng bag ko at inalok kami pareho ni Tin.

"Beh, sorry kaw na nagbitbit ng bag ko. Pasensya na lutang. Wala pa kasi akong kain." Nilagay ko ang maliit na straw sa balot ng MikMik at sinipsip ang laman nito.

"Nawala ka kaninang lunch tapos you didn't eat? San ka pala galing? Ano nag-novena ka?" Galit-galitang puna ni Tin.

"Tapos yang MikMik lang kakainin mo? Amina yan!" Inagaw ni Mayang ang MikMik mula sa kamay ko at ang bag naman nya ang kinatikot.

"Oh kainin mo yan! Kakapadala lang nyan. Fresh from LBC." Inabot nito sa akin ang saging na padala sa kanya galing ng Davao. Kinuha ko naman ito at sinimulang balatan.

"Ano ba kasing nangyayari sayo? Kanina ka pa tensed. May problema ba?" Nagaalala paring tanong sakin ni Tin.

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Kumagat ako ng saging and tumingin lang sa malayo.

"Hoy teh, hindi pwedeng ganyan ka mamaya. Gusto mo bang sayo mabaling ang atensyon ni Itay? Wala na si ate Kimmy para ipagtanggol ka."

Hindi ako sumagot pero biglang naningkit ang mga mata ko sabay taas ng isang kilay. Napansin naman agad ito ng dalawa.

BestiesWhere stories live. Discover now