Biglang nagliwanag ang mukha nya.

"Sa wakas naisip mo din. Halika na manghuli na tayo ng---"

Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla syang nagsalita.

"Sirena!" Leche ano daw? Sirena? Kelan pa nagkaron ng sirena dito? At kelan pa naging pagkain yung sirena? Lord, give me some patience please. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko sa kasama ko.

Agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Seryoso ka ba dyan Michelle?"

"Saan?"

"Na manghuhuli tayo ng sirena"

Nagulat ako ng bigla itong tumawa ng malakas.

"Para kang tanga Cassy! Kelan pa nagkaroon ng sirena dito?"

"Eh diba ikaw yung?"

Eh siraulo pala talaga tong impaktang babaeng to eh. Talagang inuubos yung pasensya ko.

"Malamang Cassy, isda yung huhulihin natin, duh!"

Naiinis na itinulak ko sya sa dagat!

"Ah ganon ha!"

Naramdaman ko na lang na hinila nya ko palapit sa kanya. Binasa nya ako ng binasa at sinabuyan ng tubig. At syempre dahil ako si Cassandra Reyes, hindi ako magpapatalo. Nilabanan ko sya ng pagsaboy ng tubig.

Nagkunyari akong nalulunod. Umubo ako ng umubo. Nag-aalala naman syang lumapit sa akin. Saktong paglapit nya ay agad ko syang itinulak kaya nasubsob sya sa tubig. Tumakbo naman ako palayo sa kanya.

"CASSSYYYYY!!!" narinig kong sigaw nya sabay habol sa akin.

Nilingon ko sya at binelatan bago tumakbo ulit palayo. Hingal na hingal na sumandal muna ako sa malaking bato dahil kanina pa ko tumatakbo. Nagulat na lang ako ng biglang may humila sa mga paa ko. Napatili ako ng malakas.

"Akala mo makakatakas ka sakin ha"

Nagulat ako ng makitang papalapit ng papalapit sakin si Michelle.

Oh no! hahalikan ba nya ko? Gosh hindi ako prepared.

Hoy Cassandra, babae yang hahalik sayo. Excited ka?

Bisexual sya.

Homophobic ka.

"A-anong gagawin mo sakin?" kinakabahang tanong ko kay Michelle.

"Bibigyan ka ng leksyon baby" nakangising sabi nya.

Unti-unti nyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko. Oh my god Cassy, pigilan mo sya, eewwnesss, babae yan tapos magppahalik ka?!

Pero imbes na pigilan ko sya, napapikit na lang ako. Pinakiramdaman ko yung sarili ko, bakit parang wala pa yung halik? Antagal naman yata? Pagmulat ko nakita kong nakangiti sya sakin ng nakakaloko. Agad naman akong namula. Leche! Nakakahiya! Baka akalain nya naghihintay ako sa halik nya!

"Problema mo?" galit na tanong ko sa kanya.

Umiling lang ito pero halatang pinipigilan ang tawa.

"Nakakainis ka!"

"O bakit na naman?" painosenteng tanong nito.

"Ang sama-sama mo! Pinahiya mo ko!"

Hoy hindi kita pinahiya no! niloloko lang naman kita kanina. Malay ko bang bigla kang pipikit at ngunguso sakin" tatawa-tawa pang sabi nito.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Hoy! Hinding-hindi ako magpapahalik sayo no!"

"Wow, sayo talaga nanggaling yan ha! Baka nakalimutan mo na yung nangyari sa coffee shop. Gusto mo bang ipaalala ko sayo?" nanunuksong sabi pa nya.

"Magtigil ka nga dyan! Naawa lang ako non kaya kita tinulungan no!"

"Asus, awa daw. Ang sabihin mo, crush mo din ako"

"Crush mo mukha mo! Wag mo ngang ipilit sakin yan! Kahit kelan hindi ako magkakacrush sa kapwa ko babae!"

"Sige deny lang Cassy. Pero pasasaan ba at mahuhulog ka din sakin"

"Eh kung ikaw kaya yung ihulog ko sa bangin?!"

"Basta ba sa bangin ng pagmamahal mo Cassy my love, payag akong itulak mo ko"

"Ang corny mo!"

"Pag daw kasi nagmamahal, nagiging corny"

"Ako'y tigil-tigilan mo dyan Michelle ha! Diba nagugutom ka na? baka gusto mo na kong tulungan na manghuli ng isda!"

"Kiss muna"

"Kiss mo yang mukha mo!"

Tatawa-tawa namang lumayo ito sakin at pumunta sa lugar na may mga isda. Agad ko naman syang sinundan. Kailangan na naming makahuli ng isda dahil nagugutom na talaga ako.

Napansin ko agad yung isdang dumaan sa may tabi ko kaya agad kong ginamit yung kahoy na hawak ko para mahuli sya. Hindi naman ako nabigo. Nakahuli ako ng isda! Ang sarap ng feeling. Tuwang-tuwang lumapit ako kay Michelle.

"Michelle! nakahuli ako ng isda" masayang sabi ko sa kanya.

"Wow, buti ka pa. Ako wala pa. gutom na ko"

"Magconcentrate ka lang kase. pakiramdaman mo kung may papalapit na isda sayo."

Agad naman itong sumunod. Ibinaon nya agad yung kahoy ng may dumaang isda. Pag-angat nya ng kahoy, tatlong isda agad yung nahuli nya.

"Wow!" tuwang-tuwang sabi nya.

"Ang galing-galing mo Michelle" wala sa sariling niyakap ko sya. Nang maramdaman kong gumanti sya ng yakap, agad akong lumayo sa kanya.

Bigla kaming natahimik pareho.

God Cassy! Ano na naman ba yon?

"Lika na, iluto na natin to" basag ko sa katahimikan.

Kailangan na namin maluto tong isda para makakain na at maglakad-lakad sa island dahil dadating na mamayang hapon sila Joel.

"Lika, gutom na ko" sabi naman nya sakin na umuna ng umahon.

Napahinga ako ng malalim bago sumunod sa kanya.

Lord, ilayo nyo po ako sa tukso please lang.

Fall for me Ms. MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon