Kahit na alam kong masasaktan lang ako sa isasagot niya, tinanong ko pa rin.

                “Ano bang pake mo?” hindi niya ako pinansin at saka ako nilagpasan sa paglalakad.

               

                Tinignan ko lang siya sandali. Parang seryoso nga siya sa mga sinasabi niya. Waaaaa! Baka nga na-love at first sight siya dun sa babae kanina!

               

               “Seryoso?” mahina kong tanong, na medyo malungkot na rin. “Gusto mo ba talaga siya?”

                “Bakit ba?” tanong niya.

                “Eh kasi,” hindi ko alam kung sasabihin ko ba talaga ‘to o hindi eh. “Kung gusto mo talaga siya, edi kailangan na kitang i-let go?”

 

                Ang babaw lang ng rason kong ‘yun para mag-let go. Pero kasi alam niyo naman si Dylan di’ba? Wala siyang nagugustuhang babae. At kung darating man yung time na maiinlove talaga siya, syempre kailangan ko na siyang pakawalan. Para saan pa kasi kung ipagtutulakan ko pa rin ang sarili ko sa kanya kung may iba na rin naman siyang mahal?

                Matagal kaming hindi umimik ni Dylan noon. Hinihintay ko lang ang sagot niya.

                “Sira ka ba? Ikaw ngang kakilala ko na, hindi ko pinapatulan. Eh siya pa kayang hindi ko kakilala?” pagkatapos niyang sabihin yun.

                Teka? Anong sinabi niya? Anong ibig-sabihin nun? Wala akong naintindihan!

                “Wait! So hindi mo siya gusto?” tanong ko.

                “Kakasabi lang kasi eh.” Walang emosyon niyang sagot.

                “Eh hindi ko naintindihan yung sinabi mo eh.” Pasensya, alam niyo namang slow ako paminsan-minsan. Este, palagi pala.

                “Edi bahala kang intindihin nalang ‘yun.”

                Maya-maya pa, pumila kami ni Dylan sa bilihan ng tickets para sa LRT. Buti nalang at wala masyadong tao ngayon kaya kahit papaano ay mabilis lang kami doon at hindi ko masyadong pinawisan.

                Nag-swipe na kami ng mga cards namin at hindi rin nagtagal ay dumating na yung tren.

                Pagkapasok namin doon, sobrang daming tao kaya siksikan. Wala pang available na mauupuan doon kaya nakatayo lang kami ni Dylan.

                Pero alam niyo ba kung ano yung pinaka nakakakilig?

When She Courted HimМесто, где живут истории. Откройте их для себя