Hindi mahirap ang desisyong iyon para sa kanya. Dahil noon paman ay inisip na niya ang kapakanan ng pamilya niya. Bakit pa siya babalik sa totoong pamilya niya kung may totoo naman siyang pamilyang itinuturing ? Bakit pa siya babalik sa totoong pamilya niya na hindi pa niya nakilala kung masasaktan naman ang naka gisnan niyang pamilya. Ayaw niyang may mangyaring masama sa pamilya niya ngayon dahil lang sa pag pili niya sa pamilyang hindi pa niya kilala. Oo, palagi siyang pinapagalitan at binubugbog ng ina niya pero alam niyang mahal siya nito. Mas lalo na ngayon na alam na niya ang lahat. Kaya hindi siya aalis at iyon ang desisyon niya.







"Hindi po ako aalis sa pamilya na ito nay, kahit magalit pa kayo." tiningnan niya ang natutulog na ama. Hinawakan niya din ang kabilang kamay nito. Titiisin nalang niya ang galit nito sa kanya kaysa masaktan ang mga ito. Hindi niya kayang mabuhay tapos ang mga taong nagpalaki at nag aruga sa kanya ay masasaktan lang dahil sa gagawin niyang paglayo sa mga ito.





"Mayaman sila, Kisses! At ibibigay nila ang lahat ng gusto mo."





"Aanhin ko ang yaman nay, kung may mangyayari naman sa inyong masama. Mas mabuti nang mabuhay sa mahirap kaysa mayaman kung ang kapalit naman ay buhay niyo. Hindi ko masisikmura iyon."






Biglang yumuko ito. Ilang sandali ay nakita niyang yumugyog ang mga balikat nito. "Bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka!" itinaas nito ang ulo at nakita niya ang mga luhang nag landas sa mukha nito. "Bakit ka ba ganyan ? Bakit .. bakit .. Kisses, sinaktan kita, pinagalitan kita pero bakit hindi mo ako kamuhian. Sinasadya kong maging masama sa iyo sa araw-araw para ikaw na mismo ang kusang aalis. Pero bakit .. ?"






Tumayo siya at naglakad para lapitan ito. She patted her mother's back. "Dahil mahal ko kayo nay, mahal na mahal .."






"Kisses .. alam ko hindi mo ako mapapatawad sa mga masasamang ginawa ko sayo—"





"Nay, matagal ko na kayong pinatawad. Ngayon naiintindihan ko na po kung bakit kayo nagagalit sa akin. Huwag po kayong mag alala hanggat nandito ako, poprotektahan ko kayo." isinuntok pa niya ang kamao niya sa hangin which made her mom smile. "Malaki po ang pasasalamat ko at kayo ang nakagisnan kong mga magulang."





Sasagot pa sana ito ng maramdamang gumalaw ang ama niya. Dahan-dahan itong nag mulat ng mata. "Kisses ?"





"Tay,"





"Hindi ka na ba aalis ?"






"Hinding-hindi po ako aalis, tay." isang mahigpit na yakap ang ginawa niya sa mga ito. "Mahal na mahal ko po kayo at walang makakapantay sa pagmamahal na iyon ko sa inyo."






"Salamat, anak."











"A-ANONG ginagawa mo dito ?" tanong agad ni Tony ng makilala ang babaeng nasa labas ng gate nila. Tiningnan niya ang wrist watch niya at nanlaki ang mga mata niya ng makitang alas otso na ng gabi. Pinagmasdan niya ang babae. She was wearing a red sexy dress and he's a man kaya natural lang na uminit ang pakiramdam niya. Nilingon niya ang loob ng bahay, baka lumabas si Donny at kung ano na naman ang sasabihin nito sa ama nila.





"Diba sabi mo, puntahan kita sa—" pinutol niya ang sasabihin nito ng marinig ang boses ni Donny.







"Yaya .." dinig niyang tawag ni Donny.







Mabilis na hinawakan niya ang palapulsuhan ni Zarah. Dinala niya ito sa likod bahay kung saan madilim. Damang-dama niya ang katawan nito. Ilang buwan na nga ba siyang hindi nakakahawak ng babae ? Yes. Simula ng makilala niya ang babaeng nasa utak niya ay nagsimula ng gumuho ang mundo niya. Nagbago ang pananaw niya sa buhay. Hindi niya alam kung bakit. Ayaw niya na ganoon ang nararamdaman niya. Dahil hindi siya ganoon, hindi niya dapat maramdaman iyon sa babaeng nasa utak niya. Inalis niya ang repleksiyon ng babaeng iyon sa utak niya at itinuon ang atensyon sa babaeng nasa harapan niya. Sexy si Zarah at iyon ang tipo niya. Hindi niya type ang isang inosenteng kagaya ng babaeng iniisip niya ngayon.












Dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo niya para halikan ang babaeng alam niyang kanina pa nangangati na mahalikan siya. It was only small distance at mahahalikan na niya ang babae nang marinig nila ang paghulog ng isang bagay. Napalingon sila doon at nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino iyon.








"PAKIHATID ito sa mga Labrusca, Kisses." wika ng ina niya ng lumabas siya dahil sa pagtawag nito. Iniabot nito sa kanya ang isang plastic bag na may lamang mga damit. Pinalabada nalang kasi ng mga Labrusca ang mga dit nito sa bahay nila dahil ayaw naman daw niyang magtrabaho sa mga ito at doon manirahan. "May pupuntahan pa kasi ako."






Sa pagdaan ng mga araw ay naging mabait ang ina niya. Hindi na ito nagagalit sa kanya pero hindi nawawala ang kagustuhan nitong magsugal kaya alam niya kung saan ang lugar na pupuntahan nito.






"Sige po, nay." sagot niya. Hindi na ito nagsalita. Tumalikod na ito at nagmadaling naglakad palabas ng bahay. Huminga siya ng malalim at naglakad na din paalis ng bahay.





Nang marating na niya ang bahay ng mga Labrusca ay napansin niyang bukas ang gate. Pumasok siya at akmang papasok na sa loob ng bahay ng makarinig ng kaluskos.





Naglakad siya patungo sa lugar kung saan nanggaling ang kaluskos. Madilim ang paligid dahil gabi na pero ang liwanag ng buwan ang tumulong sa kanya para makita kung sino ang gumagawa ng kaluskos.






Nahulog ang hawak niyang plastic bag dahil sa gulat ng makita si Tony na hahalikan na sana ang isang babae. Hindi niya nakikita ang mukha ng babae pero base sa pulang damit nito ay maganda ito at sexy.





"S-sino siya T-tony ?" the girl ask to Tony in a seductive tone. Hindi niya alam pero ng marinig ang malanding boses na iyon ay biglang uminit ang ulo niya.












DON'T FORGET TO VOTE & PLEASE READ MY NEXT NOTE. IMPORTANT PO ITO.








NOTE: SUKO NA PO AKO, DI KO KAYANG GUMAWA NG TATLONG CHAPTER SA ISANG ARAW HEHEHE. BUKAS NALANG PO ANG DALAWA PANG CHAPTER BASTA PO SANA AY MAG VOTE KAYO. 😂😂 PASENSYA NA PO TALAGA SA MATAGAL NA UPDATE KO, MAPAPATAWAD PA BA ? EH KASI NAMAN KAYO EH, DAPAT KASI PATULOY KAYONG MAGBASA, MALALAMAN KO PO KASI IF NAGBABASA PA KAYO O HINDI. BIGYAN NIYO AKO NG REASON WHY SHOULD I WRITE AND CONTINUE TO WRITE THE STORY. NAWAWALAN PO KASI AKO NG GANA PAG, EVERYTIME NA BUKSAN KO WATTPAD KO AT KAUNTI LANG NAGBASA AY MALULUNGKOT PO AKO AT DOON NA PO AKO MAWAWALAN NG GANANG MAGSULAT. PASENSYA NA PO HA, NAPAKA OVERSENSITIVE KO. GANITO PO KASI AKO EH. GANITO NA AKO BATA PA AKO. 😂😂 ANYWAY, SALAMAT SA MGA NANATILING SUMUSUPORTA NG ESTORYA KO SA KISSTON. ❤❤ MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO.

GANGSTER BABE Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang