"Hindi. Kasi hindi pa natin alam ang totoo. At hindi ko pwedeng iwan si nanay dito na mag-isa. Nag aalala din ako sa kanya maging kay tatay."





"Kisses, buksan mo ang mga mata mo, halata na ngang sinasaktan ka nila. You don't deserve that, at pag nalaman ito ni mommy at daddy, I don't know ano ang gagawin nila."






"Please .. umuwi na kayo. Wala akong pakialam kung totoo ko silang pamilya o hindi. The fact is that, sila na ang namulatan kong mga magulang. At mahal ko sila, hindi ko sila kayang iwan." tinalikuran niya si João at lumapit sa ina. Nakatingin ito sa kanya. Ngumiti siya dito at hinawakan ang kamay nito.





Ilang sandali pang nanatili sina Edward at João pagkatapos ay nagpaalam na ang mga itong umalis. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya basta ang nasa isip niya ngayon ay ang kalagayan ng ama.








PININDOT niya ang doorbell ng sa wakas ay mahanap na niya ang bahay ni Tony. Nang walang sumagot ay pinindot niya ulit. Ilang sandali ay narinig na niya ang yabag ng taong paparating para buksan ang gate. Dahan-dahang bumukas ang gate at iniluwa doon ang isang matangkad at payat na lalaki. Para itong hindi kumakain dahil sa kapayatan. Ang mga labi nito ay pulang-pula at mga mata nito ay parang mga bituin dahil sa maganda ang mga mata nito.




Pinagmasdan siya nito mula paa hanggang ulo. "Anything I can do for you ?"





"Aah-ehh, nandiyan ba si .." dahil sa kaguwapohan nito ay nakalimutan na niya ang sadya niya sa bahay na iyon. Ngumiti siya. "Si Tony, nandiyan ba ?"





"Oops, Tony's not here at hindi ko alam kung saan siya nag punta. Baka mamaya pa ang balik nun." ilang sandali itong natahimik pagkatapos ilang sandali ay nagsalita ulit. "Ano pala ang sadya mo sa kanya ?"





"Oh nevermind. Pakisabi nalang na hinahanap ko siya. Thanks." tumalikod siya para hindi makita nito ang pagkalungkot ng mukha niya. Oh! Tony, nasaan ka na ba ? I really need you right now, my body is aching for you.





"Excuse me, can I have your name ?" napahinto siya at hinarap ito. "Baka kasi magtanong siya."






"Uhh, right." sagot niya in a seductive voice. "Just tell Tony that Zarah's looking for him. Thanks baby." she wink at him and went away. She find the man in the gate handsome pero hindi ito ang type niya. She want a man like "Tony Labrusca", the man of her dreams.







Babalik nalang siya sa susunod na araw at sisiguraduhin niyang makukuha na niya ito. At sisiguraduhin niyang magiging kanya na ang lalaki habang buhay.










UMAKYAT si Tony sa malaking gate ng bahay nila. It was already one in the morning at ngayon lang sila natapos mag inuman nina João. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito na mag kapatid ito at si Kisses. Dahil ang kwento nito sa kanila ay patay na ang kapatid nito. Pinatay ng taong kumidnap dito, iyon daw kasi ang sabi ng lalaking kumidnap sa kapatid nito nang tumawag ito kinabukasan pagkatapos ng insidente. Tinakot ng kidnapper ang pamilya ni João na kung malaman daw ng kidnapper na ipinahahanap siya ng mga pulis dahil isinumbong ng pamilya nito ay isusunod daw nito si João, at ikinatakot iyon ng ina ng kaibigan niya. Ayaw ng ina nito na mawalan na naman ng isa pang anak. Kaya wala nang nagawa ang pamilya ni João kundi sundin ang kidnapper.





Nang malaman iyon ni João sa mga magulang ay nasa edad trese anyos na ito. Pumasok ito sa isang sikat at malakas na fraternity para palakasin ang loob at katawan nito. Gusto nitong maging malakas para kung gusto na nitong gantihan ang pumatay sa kapatid nito ay may lakas na ito. Doon niya nakilala ito maging si Edward, pumasok din siya sa grupong iyon dahil sa pagrerebelde niya sa ama noon. Nakuha agad siya dahil magaling siya sa martial arts at sa pakikipag away. Ang frat kasi na iyon ay ginawa para makipag away sa mga taong gustong i-ban ang grupo. May mga gawain ding pinapagawa ang boss nila na ihatid sa isang lugar ang mga dokumentong hindi nila alam noon kung ano ang nakasulat. Wala naman siyang problema sa grupo noon lalo na sa mga kasamahan niya. Kaya lang, ang isang miyembro ng grupo ay nakapatay ng kapwa estudyante. Walang kamalay-malay ang mga tao sa labas kung sino ang pumatay pero sa loob ng grupo nila maliban sa boss nila na walang kaalam-alam sa nangyari, ay alam nila kung sino. Si Zeus!





Nagalit siya dito. Dahil sumobra ang pasensya nito. Siya ang piniling leader ng grupo sa panahong iyon kaya walang nagawa ang mga kasama niya ng pagsusuntukin niya si Zeus. Hindi naman pumalag ang huli dahil kung papalag ito, lagot ito sa boss nila. Hindi nila sinabi sa boss ang nangyari dahil papatayin talaga nito si Zeus. Ayaw ng boss nila na may sumabit sa mga plano nito.






Pero ilang buwan lang ay nalaman nila kung ano ang nakasulat sa mga dokumento. Natakot si Zeus kaya sinabi nitong aalis ito sa grupo. João that time thinks that, ginagawa lamang iyon ni Zeus para makatakas sa kasalanan nito. Agad na sinumbong ni João sa boss nila ang katotohan at nagalit nga ang boss nila kay Zeus. Inutusan sila ng boss nila na patayin si Zeus pero hindi nila magagawa iyon lalo na at kaibigan nila ito.






Dahil doon ay tumakas sila sa grupo. Siya ay bumalik muna sa America at sina Edward at João na malapit niyang kaibigan ay nagsiuwian sa ibang bansa. Marami silang natutunan dahil sa grupong iyon pero malaki ang pagsisisi niya kung bakit sumali pa siya sa grupo.





Ang pagkakaibigan nila ni Zeus ay nawala. Dahil naging kakampi ito ng boss nila ng malamang tumakas sila ni João sa grupo. Naging kabaliktaran ang lahat, sila na ang gustong patayin ng boss nila. Alam niya kung bakit, dahil ngayon, alam na nila kung ano ang mga transaksiyong ginagawa ng boss nila at hindi niya mapapatawad ito. Hindi siya makapaniwala na isang kagaya nito ang makakagawa ng bagay na iyon and the worst, naging parte siya kaya naging matagumpay ang transakyong iyon.






"Saan ka na naman galing, brother ?"






Bubuksan na sana niya ang pinto ng marinig ang boses na iyon. Nilingon niya ito. A smile came outside from his lips nang humarap siya dito.




"The hell you care ? Don't call me brother, kasi hindi tayo magkapatid .." he smirked and crossed his arms.






"Don't hide the truth, Tony. Dahil pareho nating alam na magkapatid tayong totoo, tanggapin mo man o hindi."





"Tss. I don't care." bubuksan na sana ulit niya ang pinto ng magsalita ulit ito.





"Someone's looking for you kanina, named Zarah. Do you know her ?" his hands grown cold ng marinig ang pangalan ng babae. "Hindi ka parin ba nagbabago, Tony ? Are you still using people to make your wits-"







"Mind your own business asshole!" hindi na siya nag atubiling buksan ang pinto. Deretso siyang pumasok ng silid niya at nahiga sa kama.






Why the hell is he still awake ? Para ba sirain ang sira na niyang araw ? And that witch! Bakit ba nag punta pa ito ?






Sinipa niya ang unan na nasa ibaba ng kama niya ng maalalang binigay niya dito ang address niya ng araw na lasing na lasing siya.





"You're making a grave, Tony." he close his eyes and sleep.
















DON'T FORGET TO VOTE :)












Thanks for the wonderful picture. Credits to the owner. ❤❤❤

GANGSTER BABE Where stories live. Discover now