Nagulat nalang ako sa mga susunod na nangyari ng biglang nawala sa harap ko si Zoren at naroon na sa likod ni Akasha.

"Zoren di mo sya kaya" sambit pa ni Lolo. Ano ba ang napag usapan nilang dalawa at papatayin siya ng babaeng yan?

Mabilis na nagpa ikot-ikot si Zoren habang si Akasha ay nasa gitna hawak hawak ang dibdib niya. Habang pabilis ng pabilis si Zoren, palaki ng palaki ang apoy na nakapalibot sa babae.

Nang malaki na ang apoy ay umalis na si Zoren at pumunta sa gilid ko. Pinagmamasdan namin ang apoy na bumabalot kay Akasha. Ngunit sa gulat namin, nawala ang malaking apoy at tumambad samin ang babae kanina na nakangiti pa ngayon. Nakakatakot. Gz!

"Ayan na ba?" sabi ni Akasha.

Isang malalaking ugat ang lumabas sa lupa kaya napaatras kami ni Zoren. Si Lolo naman naroroon pa rin sa pwesto niya kanina. Mukhang siya ang nag uutos sa mga ugat na yon dahil sa mga hand gestures niya.

Nakapulupot ngayon ang mga ugat kay Akasha na sinusubukang alisin ang pagkakapulupot sakanya. Ang la-laki ng mga ugat kaya posibleng makaalis siya.

"Zoren umalis na kayo! Kaya ko na to!" sabi ni Lolo pero hindi pumayag si Zoren bagkos nagpalabas siya ng isang malaking dragon na gustong gustong lamunin ang babaeng nasa harap niya.

Pumikit saglit si Akasha at dumilat ng lumiliyab ang mata. Sa gulat ko ay napaatras ako dahil doble ang laki ng dragon na inilabas niya sa dragon ni Zoren. Pati nga si Zoren di makapaniwala e.

Paano nangyari yon? Dapat di na siya makagamit ng powers niya! Natatakot na talaga ako sa nangyayari. Biglang sumabog ang dragon ni Akasha at may mga bolang apoy ang nagsi labasan papunta sa kinaroroonan namin.

Mabilis na bumiyak ang lupa at parang bulkan kung sumabog ngunit ang lumabas ay lupa din na ngayon hinaharangan ang mga fire ball.

Unti unti nag kaka crak ang pader na lupa hanggang sa mawala ito. Napasigaw ako sa takot na baka lamunin kami ng apoy at biglang nawala ito.

Nawala din ng ugat na nakapulupot sa babaeng itim. Nag hand gestures siya ng parang gagamit ulit ng kapangyarihan niya ngunit walang lumalabas rito kaya nabahala siya. Ngumit siya ng napakalapad at nagsalita.

"Di pa tayo tapos dugong bughaw" sabi niya habang nakatingin sakin at tuluyan ng nawala.

Kasabay ng pag alis niya ay pag liwanag ulit ng lugar. Lumapit naman sakin si Lolo at si Zoren. Pumasok kami sa loob ng bahay dahil may pag uusapan daw kaming tatlo. Mukha ngang my pag uusapan kami dahil gusto kong malaman kung bakit siya papatayin ni Akasha.

* secret place

Namamangha pa rin ako dahil sa sikretong kwarto na mayroon ang bahay ni Lolo. Di ko nga alam kung paano ako naparito basta nung pagkapasok namin sa loob ng bahay. Agad ako nakaramdam ng pagkahilo at pagdilat ko andito na kami. Isn't it amazing? Pati si Zoren di alam ang lugar na to. Si Lolo talaga puno ng lihim!

"Alam mo ba ng dahil sayo kaya pumunta ung babae kanina" Zoren whispered. Magkatabi lang kami ngayon sa sofa nakaupo. Feeling ko aasarin nanaman niya ako. Yung dalawa maliit ay nandito rin naglalaro.

"Ha? Bakit ako?" pagtataka kong tanong sakanya.

"Eh kasi ang pangit mo daw" sabi niya. Talagang seryoso niyang sinabi yan sa mukha ko sabay ngumiti nang nakakaasar.

"Pangit? Ako? Huh! Kaya pala" sabi ko sakanya habang tumatawa. Kaya pala hinalikan niya ang pangit na katulad ko.

Kita mo! Siya tong nang aasar siya pa ang nainis. Pikon talaga ever. Pero ang gwapo niya kahit suplado, masungit, pangit ugali siya ah. Mabait naman siya e pag tulog.

Biglang sumulpot si Lolo sa harap namin at umupo. May hawak siya ng isang nakarolyong papel.

"Lolo bakit ka nga pala gustong patayin nung babae?" tanong ko pa.

"Dahil pangit ka" mahinang boses ang nagsabi at kilala nyo na kung sino yon. Nilingunan ko naman siya at ngumiti ng fake habang siya malapad na nakangiti sakin. Geez! What a perfect smile. What? Erase that.

"Dahil nagsinungaling ako" panimula ni Lolo. "nung araw na dinala kita sa library sabi ko sayo na wag kang umalis db dahil naramdaman kong dadating si Akasha. Ginamit ko si Liyah para linlangin si Akasha. Ginawa ko siyang ikaw" patuloy pa ni Lolo. So, dahil nga sakin? Pero bakit ako?

Umubo ng mahina si Zoren at tumingin ako sakanya. Tama nga siya na ako ang dahilan. Binigyan naman niya ako ng nakakalokong ngiti. Bwisit talaga.

"Pero di ko alam na malalaman niya pa rin. Iba talaga ang babaeng yon. Lahat gagawin niya para malaman ang isang bagay" patuloy pa ni Lolo.

"Lolo di ko maintindihan, pero bakit ako? Bakit ako ang dahilan?" tanong ko pa.

"Dahil isa kang special na madrina Aliyah" sambit pa ni Lolo. Naramdaman ko namang umayos ng upo si Zoren tila imteresado sa sinabi ni Lolo. Pati ako, nagulat. Bagong katotohanan nanaman ba ito? Jusko!

"My kapangyarihan kang napaka delikado. Kaya gustong gusto ka niyang makita at makuha." lumaki ang mata ko sa sinabi ni Lolo. Pano niya nalaman ang kapangyarihan ko? at ni Akasha? Lagot ako sa mga diwata. Wala naman akong matandaan na sinabi ko sa iba.

"Nakita ko ang ginawa mo kanina Aliyah. Inalis mo ang mga kapangyarihan namin kanina n lalong nagustuhan ni Akasha. Alam kong kapangyarihan mo yun dahil naramdaman ko" sambit pa ng Lolo.

"So, ano ang kapangyarihan niya?" tanong ni Zoren sakanya.

"Yan ang di ko masasagot" sabi ni Lolo. Ang kaninang nakarolyong papel pala ay isang mapa. Tinuro ni Lolo ang isang lugar at kaming dalawa ni Zoren napatingin don.

"Kailangan nyong pumunta sa lugar na ito Aliyah para malaman mo ang kapangyarihan mo" sabi ni Lolo. Teka ako lang aalis? Baka mapano ako!!

"Zoren samahan mo si Aliyah" biglang lumaki ang mata niya na parang nagulat inirapan ako. Mukhanh ayaw niya ako samahan. Geez. Di ba niya gusto malaman kapangyarihan ko? Eh kanina lang gustong gusto niya. Napaka bipolar talaga.

"Puntahan nyo ang Land of Witches" sambit pa ni Lolo. Napalunok naman ako ng laway sa sinabi ni Lolo. Land of Witches? Gusto kong malaman ang kapangyarihan ko pero bakit don pa sa land of witches.

"L-Lolo pwede bang switch place? Wala bang ibang lugar na mapagtanungan at sa Land of witches talaga?" tumango tango si Lolo. Wala na akong choice. Sige na nga! Pupunta na ako, dyan naman si Zoren e. Pang haharang ko sa mga witches na papatay sakin.

----

A/N: Nabablanko na ako. Haha! Di ko na alam ang susunod na update. Basta mag uupdate ako. Aba malamang! :)) Enjoy guys.

Sino gustong sumama sakin sa Land of Witches? Yung mga matitibay ang loob ha! Ano? Tara! Masaya to. Hahaha *tago sa kumot*

ENJOY :*

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Where stories live. Discover now