Chapter 12 - VII

5.1K 89 36
                                    

USAPANG BATA VII

"What do you mean by Andy moments?"

Nandito kami ni Jimmy sa harap ng fireplace. Kahit anong pilit kasi nina Marty,Erika at Cory na magpahinga ito ng maaga ay tumanggi sya. Gusto daw nyang sulitin yung huling pagkakataon na makakakuha sya ng kwento saken. Napansin kong seryoso lang din syang nakatingin sa mga sumasayaw na apoy na nasa harapan namin.

"Those things I've heard about your kids were...I dont' know...just too good to be true I guess. They love you,you adore them...I don't think they were even shocked to know that they got two mommies. Nothing mattered cause you pampered and cared for them so much they can't really tell the difference of having a normal family from the ones they have with you and Mika." 

Nakikinig lang akong mabuti sa bawat salitang lumalabas sa mga bibig ni Jimmy. Sa totoo lang hindi ako makapaniwalang pinuri nya kami ni Mika sa pagsasama namin at sa pagdadala namin sa aming pamilya. Si Jimmy kasi ang pinaguusapan dito. SI Jimmy na tumakwil sa kanyang unica hija dahil sa pagiging katulad nya samin ni Mahal. Si Jimmy na noon ay hindi tanggap ang mga kauri namin, na hindi kayang rumespeto sa mga katulad namin. Yep he's the same Jimmy na katabi at kakwenuhan ko nung mga nakaraang araw---si Jimmy ,ang bago kong kaibigan.

"Again I know that your story's different from ours but..did you ever had an 'Andy moments' with your kids...where you wished they were better or that they'd hated you for something ,either its something you said or have done...I guess what I'm trying to say is...Did you guys ever had a bad time together with your kids?When they were at their worst? How did you handle them? "

Ah yun pala. Nakuha ko ng ibig nyang sabihin,kung may pagkakataon ba na talagang nagkaroon kami ng seryosong problema sa mga anak namin. Syempre naman meron talagang ganun. Good side lang kasi naikwento ko lage sa kanila,pero meron din ibang side ng mga bata na sa totoo lang ay ikinatakot ko din noon. Naputol ang pag iisip ko ng magsalita uli si Jimmy. 

"Your son is ever so loyal to you, Mia's your kryponite... and both kids are crazily in love and over protective of your wife. I think those kids would follow you if ever you'd ask them to jump off the cliff. Tell me what do you think would make them hate you guys? "

Napatingin sya saken. Nilalaro ko lang ang baba ko gamit ang hinlalaki ko,tapos nginitian ko sya.

"Well I think you really need to hear these stories..." kinindatan ko pa si Jimmy. 

"I'm all ears ..." nakangiting sagot nya. 

Haay maalala ko na naman yung mga pangyayaring sumubok sa pagiging magulang namin ni Mika. Babalikan ko muli ang mga panahon nung hirap kaming intindihin ang mga pinakamamahal naming anak.

 Flashback

"Vic, Mika I'm sorry kung pinatawag ko kayo. Pangatlong beses na kasi tong nangyari." seryosong saad ni teacher Mavie samin ni Mahal.

Nandito kami ngayon sa kanyang office para pagusapan si Viktor at ang kanyang behavior these past months. Pareho kaming nagcancel ng lahat ng meeting ni Mahal para lang bigyang oras itong issue ng panganay ko. Ilang araw pagkatapos mag walong taon ang anak ko ay may biglaang pagbabago kaming nakikita sa ugali't asal nya. Pati si teacher Mavie ay madalas ng napapatawag samin at nagtatanong kung meron bang problema yung bata sa bahay. Sinagot naman namin sya ng totoo na wala naman. 

Just 14 . . . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon