Chapter 12 - I

8.6K 112 46
                                    

USAPANG BATA I

Mika's POV

Kanina pa ako hindi dinadalaw ng antok. Nagpalipat lipat lang ang tingin ko sa mga anak ko. Si Viktor nakatihaya at mahimbing na natutulog. Para syang si Mahal kasi hindi makilos. Si Mia heto nandito pa rin sa ibabaw ko. Nung akala ko ay malalim na ang pagtulog nya sinubukan ko syang ilipat, agad syang nagising at hindi maipinta yung mukha. Sobrang asim ng pout nya, nagsorry na lang ako at pinabalik ulit sya sa patulog sa dati nyang posisyon. Sakin nagmana ang batang to, mahilg sya ng nakadapa at minsan malikot sa paghiga. Viktor mentioned na dapat daw sya laging natutulog sa ibabaw ko or ng daVic nila for her to stay in one position. Loko na bata talaga.

Its almost 12 midnight pero wala pa rin akong nararamdamang pagod. I should be tired kasi andaming naming tinapos sa office. Yung ibang pending papers na hindi natapos din ni Mahal sakin ipinasa ng kompanya for decision making. I asked them to call her directly kasi pag ako ang tumawag sa kanya ay ewan na lang kung maisip pa namin yung trabaho hehe. Pwede naman akong magdecide pero medyo crucial yung issue kaya I gave her a message na sya na lang ang magdesisyon para final agad. She would normally argue telling me na kung anong desisyon ko eh same din ng sa kanya and she'll back it up pero kanina sumunod na lang agad sya at alam ko kung bakit. Nagpapa pogi points yun para pag-uwi daw eh may reward sa pagiging masunurin nya haha. 

Yan ang isa sa ikinabibilib ko sa kanya. All out ang support nya sa sa akin as a wife and partner. She knows she has authority over me pero hindi sya madikta sakin o sa mga bata man. Lage din nya kaming inuuna,making sure that we have all our needs and more. And unlike before na nagpapasiklaban kami ng mga pride namin ,ngayon wala na syang pakialam kung sino ang nauna o may kasalanan. She'll say sorry easily and mean it. Kasi for her our relationship is always above her rights daw especially when it comes to marriage and family handling. Minsan nakakahiya ng awayin si Mahal kasi kahit ako ang mali sya pa rin ang unang humihingi ng apology. 

Lately hindi ko maiwasang palagi syang purihin. Her absence made me realize and ponder more kung anong klaseng tao,asawa at ina si Mahal ko in the past years. She was way different kasi nuong hindi pa kami kasal. Naalala ko nung girlfriend ko pa lang sya sobrang dami nyang palpak,sablay at lahat na,mula sa maliit na bagay hanggang sa malalaking issues. Pero nung naayos namin lahat ng yun dun ko nalaman kung bakit sya ganon---she's afraid of ME. Natawa ako kasi di ko naintindihan yun noon pero ng ipinaliwanag nya ang lahat halos madehydrated ako sa pag-iyak. Sabi nya kasi she waited far too long for us to be together at ng naging kami na ,she tried to make eveything PERFECT for me para di ko daw sya iwanan. The more she tried the more palpak things happened to our relationship. Flattered ba ako?SOBRA. So I asked  her to stop trying and be the Vic,Ara,Daks na pinagnasaan este minahal ko mula pa nung college kami. 

Ang hindi ko inaasahan ay the moment na naging relax na sya sa relasyon namin or shall I say mas naging more of herself na ulit sya dun pala talaga lalabas ng bongga ang pagiging "awesome at ARAmazing" nya. Hindi ko na mabilang ang mga bagay na ginawa nya para sakin. Mga pagkakataong sinakripisyo nya ,ang mga pangarap na willing nyang i put on hold-all for me. Wala akong ibang alam na paraan para masuklian sya kaya naging matinong girlfriend and eventually asawa ako for her. Not asking anything na di nya kayang ibigay at maging kuntento sa kung anong meron kami.

Magdadalawang taon na kaming kasal nun ng  nakaramdam ako ng panghihinayang na may posibilidad na hindi ako maging ina sa sarili kong anak. Pero nahiya ako sa inisip ko for being selfish. So I've decided na tanggapin na ang lahat anyway I already have Ara. I have what I need and she's more than enough. Pero iba ang nangyari. Nagbago pang lalo ang pagsasama namin when she came to me one day and declared

Just 14 . . . . .Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang