Chapter 4

7.7K 88 7
                                    

MAMA 

Vic’s POV

“Mama wag na po kayong magtampo sulitin na lang natin yung oras please?” 

Nakaakbay ako kay mama ngayon kasi nagdadrama sya tungkol sa konting araw na naiwan para magkakasama kami. Well what happened with the meeting was unexpected. My two weeks should have been like this: 7 days for business meeting and 7 days for family time. Ang nangyari eh naging 10 days yung meeting for extensive discussions about improving and upgrading our company system. I was not in favor of course na magextend kami pero wala eh 5 lang kaming di pabor and the rest ok lang sa kanila about sa extension ng meeting. Tatlong araw na lang ang naiwang bonding time for us na talagang ikinalungkot ni Mama kasi nga nagparty din kagabi. 

“Two more days na dagdag pa Vic. Kahit yun na lang anak, pagbigyan mo na si mama.” pagpupumilit nya sabay yakap sa akin. 

“Ma naman, alam nyo naman po na gustong gusto ko nang umuwi tapos madadagdag na naman ako ng dalawang araw pa na pagstay dito? Miss ko na yung mga bata eh” iwas kong tingin sa kanya. 

“Yung mga bata lang ba namiss mo?”biro nya.

Napatingin ako kay mama at napangiti. 

“Syempre lalo na si Mika" mahina kong sabi. Nahiya pa talaga ako sa kanya

“Hayun kunyari mga bata lang ang namiss” tinawanan nya ako habang sundot sundot yung tagiliran ko.

“Tssss inaasar nyo naman ako ma eh. Tinatanong pa ba yun? Automatic na yun. Kaya nga gusto ko ng umuwi agad di bah?” 

 “Alam ko anak pero ok lang naman sa mga bata at sa asawa mo na maglagi ka pa ng konti pang mga araw dito.” dagdag pa ni mama habang lalong hinigpitan yung yakap nya sakin. 

“Ha? Kailan nyo po sila nakausap tungkol dyan?” paguusisa ko. 

“Tumawag ako ng maagang maaga kanina mga 5AM. Sabi pa nga ni Mika na katatapos nyo nga lang din daw magusap ng alas kwatro ng hapon oras nila. Inumaga na pala kayo sa date nyo daw.” sagot ni mama.

Napakamot ako ng ulo ko kasi nalate kami sa appointment namin dahil matagal akong nagising dahil na nga rin I spent my entire time sa “date” namin ni Mika. Nakaramdam ako ng hiya kasi nabawasan na naman yung oras ng bonding namin dahil sa akin.  

“Ma naman eh tsk” tinanggal ko na yung kamay ko mula sa pagkakaakbay sa kanya at akmang lalayo na pero nahuli nya ang braso ko at niyakap uli yun ng mas mahigpit. Pero ayaw kong magpatinag. 

Just 14 . . . . .Where stories live. Discover now