Chapter 12 - V

5.8K 89 37
                                    

USAPANG BATA V

Vic's POV

"Ano?....Hindi tayo lalapit masyado sa isa't isa?"

Nakataas ang mga kilay ni Mahal at parang naghihintay pa ng kasunod na sasabihin ko. Naglalaro yung mga bata ng tumbang preso at kung anu anong contact sports sa labas,si Mika ang nag suggest na yun ang laruin namin kasi bumulong sya na kanina pa nakaupo yung mga bata at puro gadgets lang ang inaatupag. Sumangayon naman ako, I took that chance to grab her here muna sa kusina at pagusapan namin yung narinig ko tungkol sa pustahan ng mga bata.

"Mahal let me explain..." panimula ko. At yun sinabi ko sa asawa ko ang lahat ng narinig ko sa usapan ng mga bata. Tahimik lang syang nakikinig at walang imik halos,ni hindi nagkomento kahit konti. 

"Tatlong araw.... hindi natin gagawin ang mga usual na ginagawa natin habang nandyan ang mga bata?" nangalumbaba si Mahal at napaisip sandali. 

"Why don't we just tell them na hindi maganda ang magpustahan? Dapat as soon as you heard them talked about it sinaway mo na kaagad. Bakit ka nakikiayun sa mga bata?" 

Hindi naman sya galit or inis ng sinabi nya yun. Ang lambing nga ng boses nya eh.Nagkatinginan kami at alam ko na pareho kami ng iniisip---mahirap yung pustahan ng mga bata. Kahit ako na willing subukan at tulungan ang mga anak kong manalo ay talagang mahihirapan. Ok lang sana kung hindi kami ganun ka showy at clingy ng asawa ko,kasi ang totoo sobrang expressive namin sa isa't isa when it comes to our affection may tao man yan sa paligid  o wala. Well anyway kung papayag sya eh di subukan lang namin kung magagawa namin,kasi honestly kahit ako gusto kong malaman kung kaya ba namin hehe. Kung hindi naman makikisali si Mahal sa pustahan eh ok lang din pupuntahan ko na agad ang mga bata after this conversation at pagsasabihan na din sila. 

"Mahal gusto kong makisali kung hindi nila ginawang pustahan eh, pero sorry Mahal ah as much as I love our kids eh ayokong masanay sila ng ganyan mahirap na." lumapit muna sya sakin at hinawakan yung laylayan ng t-shirt ko. 

"Hindi ka naman magtatampo if I'll say no to you di bah?" sobrang hina at sobrang lambing ng boses nya. Tsk kahit gusto ko magkunwari na magtatampo eh di ko na nagawa nakakapit na sya sa bewang ko at nakailang halik na din sa pisngi ko. I'm telling you normal to sa amin haha.

"Walang magtatampo mahal...liban na lang kung ititigil mo yang ginagwa mo ...hmm" tuluyan na kaming nagpalitan ng halik pero bago pa ko makaporma kay Mahal she let go of our kiss and nag smack sa cheek ko bago bumitaw. 

"Hatid ko muna tong meryenda ng mga bata tiyak akong gutom na yung mga yun....ikaw naman wag ka ng sumimangot dyan haha...Mahal itutuloy natin yun mamaya promise." sabi ni Mika habang hawak sa isang kamay ang tray na may mga food. Yung isang kamay naman nya ay haplos haplos yung batok ko,pinadaan din nya sa pisngi ko ang palad nya then she traced my lips bago sya bumitaw. 

"Arghh Mahal...you're such a tease minsan..." tsk bitinin ba ako? Nahuli ko yung kamay nya kaya medyo hinila ko sya pabalik sakin,dali dali ko syang niyakap kahit nakatagilid pa sya. Nang akmang hahalik na ako ay dumating si Albert.

Just 14 . . . . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon