Chapter 8

6.6K 80 31
                                    

UMPISAHAN NA NATIN

Vic's POV 

 Grey hair. 

Nakakita na naman ako ng isa sa ulo ko habang nagsasalamin dito sa CR. Kung nandito lang si Mahal sya yung magtatanggal sa grey hair na to. Napatigil akong saglit at tiningnan ng maige ang mukha ko. May mga maliliit na linya sa may malapit sa mata ko,sa noo ko rin meron na at mas halata na sya ngayon. Haay matanda na nga talaga ako. Ang unfair naman. Si Mika kasi nung bago pako umalis,pinanuud ko lang sya habang natutulog at wala akong nakitang obvious wrinkles sa maamo nyang mukha. Parang hindi tumatanda si Mahal ko. Sana di nya mapansin yung akin tsk. Pero sa edad naming to she'd still call me cute paminsan minsan. Kasi most of the time MAGANDANG GWAPO daw ako! At ang masaya pa dun di daw sya nagbibiro tuwing sasabihin nya yun. Oh di  bah? Ang swerte ko lang sa asawa ko!! Mabuti na lang at malabo ang mata ng mahal ko mula pa pagkabata kaya nasasabi nya yun haha.

Ah basta pag sinabi nyang maganda o gwapo ako paniniwalaan ko sya lol. 

Heto ako ngayon naghahanda para sa pagkikita namin ni Jimmy. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaibang vibes sa kanya.Yung tipong kahit na maguusap lang naman kami sandali eh feeling ko kailangan ko pa ring dalhin ng maayos ang sarili ko para naman hindi masira ng tuluyan ang impression nya sa mga katulad ko. Ramdam kung di sya sang-ayon sa buhay na tinahak ko pero dahil lang siguro sa pamilya ko na naging kaibigan nya ay naging civil na lang din sya sakin at iniiwasang mag comment. Haay bahala na. Hindi siguro tatagal ng 15 minuto ang pag-uusap namin. Mas mabuti yun para mas mahaba ang oras ko kay Mika mamaya pag tumawag ako. Haaay Mika….I’m so excited and I just can’t hide it yeah!

“Put your game face on Vic haha.” Mukha akong timang dito at kausap ang sarili ko sa harap ng salamin.

Gray cardigan,blue jeans na tama lang ang luwang at naka brown leather na moccasin shoes lang ako. Sinamahan ko na ng tie para mukhang kagalang galang ng konti sa paningin ni Jimmy. Naka brush up sideways ng bahagya ang buhok ko. Napansin kong halata sa mata ko ang puyat kaya magsusuut na lang ako ng dark shades. Sasabay kasi ako kay Marty baka magalala na naman yun kung bakit di ako makatulog ng maayos. Vic wag kalimutan yung isa pang coat at scarf kasi taglamig pa din ngayon.  Ok I’m all set.

Paglabas ko sa kwarto’y siniguro ko munang naka lock ang pinto. Nang may narinig akong boses sa likuran ko.

“Good morning Vic. Wow you look like you’re going on a date.” Si Erika pala. Nakabihis na rin sya at sa tingin ko’y papunta na din sya sa pupuntahan ko.

“Good morning to you too. I’m having a date with Jimmy.” Ganting bati ko sa kanya. “You don’t look bad yourself.” puna ko sa ayos nya. Halos magkapareha nga lang kami ng suot liban sa nakaboots sya.

“Thanks.” She beamed at me. Yung  mga ngiti nyang ganyan ang bagay sa mukha nya. Nakalimutan ko tuloy kung gaano kaarte yung inasta nya nung una kaming nagkita. Tumagilid akong bahagya at sinenyasan sya na mauna na

“After you.” Ngitian ko lang sya ng matipid. Napatawa sya at napailing na lang.

Just 14 . . . . .Where stories live. Discover now