Chapter 10

7.8K 83 35
                                    

IBA KASI SYA
  

Vic’s POV

“Ikaw? Seryoso ka ba dyan?”

Nginitian lang ako ni Iñego. Nahinto din yun ng makaramdam sya ng sakit. Binibendahan kasi yung kamay nya ng isa nyang tauhan pagkatapos gamutin. Pinaalis nya rin kaagad yung tauhan nya at hinimas himas muna ang kamay bago tuluyang nilapag at hinarap ako. Hindi na sya nakangiti. Nakatitig lang sya at bahagyang nakataas ang mga kilay.

“Bigyan mo ko ng katanggap tanggap na rason kung bakit ako ang napili mo?”

He’s really someone who talks with authority. Seryosong seryoso ang mukha nya. Parang gustong butasin ng tingin nya ang bungo ko at tunawin ang utak ko. Alam kung iniisip nya na baliw ako sa ginawa kong proposal sa kanya.  Pero isa lang ang alam ko hindi nya ako pwedeng tanggihan. Kung di man sya papayag ngayon aaraw arawin ko sya hanggang pumayag sya. Isa lang din ang totoong dahilan kung bakit sya ang napili ko.

“Ikaw lang ang lalaking pinagkakatiwalaan ni Mika. Si Mika’t akoy mag asawa na. Ibig sabihin nun ay iisa na kami. Mabuti nang piliin ko yung tao kung saan may kumpyansa ang mahal ko. Isa pa…”

Huminto muna ako sandali para tingnan sya.

“Hindi ako kumportable sa ideya na hindi namin kayang ipakilala sa magiging anak namin kung sinong ama niya sakaling magtanong o maghanap yung bata paglaki nya.”

Napatungo sya. Napansin kong tumatawa sya. Alam kong nakakatawa ang dahilan ko pero yun lang talaga ang alam ko. Nagulat ako ng pinalo ni Iñego ang lamesa. Nakatawa pa rin sya. Humarap na sya ulit sakin.

“I cannot believe you….”  Inilingan nya ako at hinampas na naman ulit yun mesa.

“Pinag isipan mo talaga to noh?... I must admit Ara, I’m greatly impressed with your reasons.”  Umayos na sya ng upo. He crossed his arms while looking at  me.

“So talaga palang dinibdib mo yung hamon ko sayo noon. Alam ko namang gagawin mo ang lahat pero hindi ko inaasahang aabot tayo sa ganito.”  Wala na namang ekspresyon ang mukha nya.

Tama sya hindi ko makakalimutan yung paguusap naming dalawa isang buwan pagkatapos ng kasal namin ni Mika. He invited me for lunch sa isang pribadong resort na pag aari nya.

Flashback

 

Today I’m going to meet Mika’s former boss and mentor. Matagal na nagtrabaho si Mahal sa kanya and he’s someone that she has grown to like and respect. Sakin naman isa sya sa pinakapinagselosan ko noon. Paano  ba naman kahit nung naging kami na ni Mika eh hindi pa rin sya nahihiyang ipakita kay Mahal na may gusto sya sa kanya kahit nasa harapan nya lang ako. He would also find ways to belittle me and compare our financial differences sa paraang hindi mapapansin ni Mahal.  

Just 14 . . . . .Where stories live. Discover now