Chapter 12 - II

7.5K 97 21
                                    

USAPANG BATA II

 Mika's POV 

"Babies look what I've found..." 

"Waaaaaah!!!" sabay na sigaw nina Mia at Viktor.

Iwinagayway ko lang naman sa harapan nila yung cd na hinahanap nila. Tumawag kasi si Viktor kanina nung lunch at kinamusta ako. Sya lang sa ngayon ang pinayagan naming mag cellphone sa dalawang anak namin. He asked if kumain na ba daw ako kagaya nila ni Mia, he also mentioned the video. Maaga daw silang pauuwiin ngayon kasi may general teacher's meeting at 2 hours ealier sila ng usual nilang uwi. He asked if ok lang ba daw na si kuya Elmer ang susundo sa kanila para mas mahabang time ang paghahanap nila sa cd. Naawa daw kasi sya kay Mia na malungkot. 

Umuwi na din agad ako para matulungan naman yung mga anak ko sa paghahanap. Di pa rin nila nakikita yun ng nakauwi nako. Nakasimangot na the entire time ang bunso ko while si Viktor poker face lang ngunit halatang nag aalala din kasi panay ang silip sa mukha ng kapatid nya. Kumain muna kami ng dinner bago tinuloy ulit ang paghahanap.

Nagliwanag ng sabay yung mukha nila at nagyakapan  ng makitang dala ko na ang pinakahahanap nila. Lol parang nanalo ng trip to DisneyLand yung dalawa kasi nag akap sila sideways at sabay na nagtatatalon. Unang lumapit si Mia saken at niyakap ako tapos ay kinuha na ang cd. Nang napalapit  na sya sa flatscreen tv eh napahinto muna sya.

"Ay mommy pwede ko na ba i play to?" tanong ni Mia. 

"Yes baby. Kuha lang si mommy sandali ng snacks." pagbigay pahintulot ko sa bunso ko. Sa totoo lang kailangan ko ding lumayo para di ako makita ni Mia na nagpipigil ng tawa. 

 "Mommy! You're so bully waaaaah!"

Dinig kong sigaw ni bunso. Dali dali kong binalikan ang dalawa. Nahuli na ko ng anak ko eh lol. Nadatnan ko si Viktor na nakahiga sa sahig at nagtatatawa habang nakaturo sa mukha ni MIa. Si bunso naman hayun wagas na nakaismid sa kapatid nya at ng makita ako ay sinamaan ako ng tingin at nakapamewang na sakin. Nilingon ako bigla ng panganay ko. Nakangisi pa rin sya at patakbong lumapit sa ken at sumigaw ng 

"High five mommy! You're the best! Pareho talaga kayo ni daVIc hahaha"

"Mommy...i want to see the dance not kuya's baby video. You're so bully hmpp" reklamo ni Mia. This time nakahalukipkip na si baby at namula na yung ilong sa inis. Haha pasenya na anak good mood si mommy at napagtripan ka. 

Nakabackhug si Viktor sa may bewang ko. Panay ang silip at kantyaw nya kay Mia,ewan ginawa na naman akong shield ng panganay ko. Pano ba naman kasi ng makita ko yung cd sa drawer namin ni Mahal kasama nun ang mga videos at baby pics ni Viktor sa isang lalagyan. Wala lang naisipan ko lang bigla na ipagpalit ang casing nung mga cd's para biruin yung mga anak ko, si Mia ang nabiktima hehe. 

Just 14 . . . . .Место, где живут истории. Откройте их для себя