"Kukuha ako ng kahoy sa malapit." natatawang sambit ko.

"Dito lang ako sa tabi ng aking binibini, hehehe." -Taki

Hinila ko ang damit nito sa leeg at hinila.

"Waaaah!" -Taki

"Sasama ka sa akin!"

"Ayoko mawalay sa aking binibini!" -Taki

Habang nangunguha ako ng mga kahoy ay abala naman sa kapipitas ng kung ano ano itong kasama ko.

"Kakaiba talaga ang aking binibini." sambit ni Taki na kaswal na nakaupo sa sanga at nakangiting nakatingin sa hawak niyang pulang bulaklak.

"Hindi siya sa'yo."

"Aking binibini siya!!" nguso pa nito.

Baliw.

Napabuntong hininga ako.

"Anong pagkatao kaya ang mayroon ang aking binibini? Habang tumatagal, mas nagiging mahiwaga siya sa akin." nakangiting sambit niya at nang tingalain ko ito ay nakatitig ito nang mabuti sa hawak niyang bulaklak.

"Mahiwaga rin ikaw." seryosong sambit ko at binuhat ang mga kahoy na nakuha ko at muli itong tiningnan. Tumalon siya pababa.

"Talaga?" inosente at may kakaibang ngiting tanong niya.

Inunahan ko ito sa paglakad. Pagkabalik namin sa kweba ay nakita naming natutulog si Cane habang nakaupo at nakasandal. Kasabay lang namin na dumating sina Simone at Lihtan.

"Kawawa naman ang aking binibini."

"Sanay siyang matulog kahit saan." seryosong sambit ni Simone at tumingin kay Taki na bahagyang lumayo sa kanya. Hahaha.

Takot talaga siya kay Simone.

"-kahit sa gitna ng digmaan makakatulog 'yan sa isang tabi."

Napanganga kami at natahimik.

"Biro lang." biglang ngising sambit ni Simone.

"Akala ko totoo! Ibang klase talaga ang aking binibini!"

Nagsimula nang magpaapoy si Lihtan na tinulungan din ni Simone.

"Paano kayo nagkakilala, Simone?" tanong ko at umupo. Gumaya rin si Taki na malaki ang tainga kulang na lang idikit sa mukha ni Simone

"Magmula nang hilain niya ako palayo sa impyerno ay ibinigay ko na ang sarili ko sa kanya." seryosong sambit ni Simone na maging si Lihtan ay napatingin sa kanya.

"Kaya pag-aari niya ako." Nag-angat siya sa amin ng tingin at saglit na sumulyap kay Cane na mahimbing ang tulog. Tipid na ngumisi siya at binalik ang tingin sa amin.

Anong nakaraan ang mayroon sa'yo, Simone?

"Wala ba siyang kinatatakutan?" biglang tanong ni Taki.

Tumingin si Simone sa kanya.

"Hindi ko pa siya nakitang matakot." sambit ni Simone.

"-wala siyang inaatrasang hamon, kaya naman sumasakit ang ulo ko sa mga ginagawa niya." buntong hininga ni Simone.

Nakita naming nagising si Cane at mukhang narinig ang sinabi ni Simone. Nakasimangot at nakanguso siya.

"Grabe ka talaga sa akin, Simone!"

"Tss."

"Hehehehe, ano bang pinag-uusapan niyo?" umupo siya sa tabi ni Simone at humalumbaba.

"Paano kayo nagkakilala ni Simone, aking binibini? Hehehe".

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now