"hmmmp tsee! Dami mong alam." pagtataray ko kunwari sa adan na toh. "pero salamat na rin sa pagtulong sakin. Masaya akong ikaw ang aking unang kaibigan sa eskwelahang ito." seryoso kong saad habang pareho na kaming naglalakad ngayon.

"pleasure is all mine, Angel." ang nakangiti naman nitong tugon.

Hindi ko mawari pero parang ang gaan gaan ng buhay ko ngayon. Ito siguro ang sinasabi nilang the calm after the storm.

Biruin mo, bumalik na ang mga ala-alang halos ibaon ko na sa limot. Oo masasakit man ang mga ala-alang yun pero syempre nang dahil dun ay naging maayos ang buhay ko. Sinong mag-aakala na ang taong magliligtas sakin sa kapahamakan ay sya rin palang kaibigan ko nung bata pa ako.

And now, andito ako sa eskwelahang ito na dati ay pangarap ko lang. Akala ko mahihirapan ako pero nakilala ko si Chryo at naging maayos ang lahat.

Pero higit sa mga natatamasa ko ngayon na taos puso kong pinagpapasalamat ay ang pagdating ni Ryuuji sa buhay ko.

Ang pagdating nya sa buhay ko ang maituturing kong isa sa pinakamalaking biyaya na natanggap ko. Hindi dahil sa sya ang nagbibigay ng mga karangyaang ni sa hinagap ay hindi ko inaasahang makakamtan, pero ang pagmamahal at importansyang pinapadama nya sa akin. Yun ang pinakablessing ko.

Naputol ang seryoso kong pag-iisip nang makarating na kami sa classroom. And just like before, sa amin na naman nakatutok ang mga mata ng mga kaklase namin.

As much as I wanted to stay in low profile sa room namin ay nahihirapan ako. Dahil narin sa ang isa sa pinakasikat na lalake sa room lang naman ang lagi kong katabi at ang syang natatangi kong kaclose. Isama mo pa ang isang araw na pagsundo sa akin ni Uji upang makipaglunch na tila ba binigyan ng malisya ng mga chismosa. Lols. Pero ang pinakarason talaga ang pagiging consistent 1st ko sa lahat ng subject. Di ko naman ineexpect na malahigh school lang pala ang mga subject namin ehh. Kaya ang dali dali lang sakin ipasa lahat.

Kaya ng dahil sa mga yun ay naitungtong ako sa imaginary pedestal ng apat na sulok ng kwartong ito.

Pero imbes na papuri at paghanga na syang tipikal sa isang klase ang makukuha ko ay tila inggit at pagkamuhi lalong lalo na sa mga babaeng madalas nagpapapansin kay Chryo. Hindi lang talaga ako makanti ng kung sino lang dahil laging dikit sa akin si Chry tuwing break at kahit pa vacant ko ay pinapasama ako nito sa music lesson nya. Mukhang napansin nadin kasi nito ang nanlilisik na tingin ng mga baby sharks sa room namin.

"hey, gusto mo magsnack? My treat this time." ang aya sakin ng poging toh.

"huh? Tapos na first subject natin?" ang taka ong tanong dito na kinangiti at mahinang tawa nito. Ghaaad alam mo yung feeling na kausap mo ang isang artista tapos lahat ng reaction nya pogi at walang ni isang kapintasan? Ganun na ganun tong hayop na to. Hayop sa kapogian. Landi 😂.

"you've been spacing out for hours now. Buti nga hindi ka napansin ni Ms. Chleo eh." halos di ako makapaniwala eh kanina lang kakapasok palang namin ng room ehh. Ganun ba talaga ako katagal nagdedaydream?

Napakamot nalang ako ng ulo sa katangahan ko. Wala tuloy akong alam kung ano ang lecture na pag-aaralan ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ng katabi ko.

"may nakapagsabi na ba sa iyo na lahat halos ng gestures mo ay napakacute?" nakangiti nitong tanong sa akin.

"huh?" ang pagtataka ko sa sinabi nito.

"hehe nothing. Don't worry. You can have ng notes. Mag-aral ka nalang mamayang gabi." ngingiti parin nitong saad.

"hala, eh paano ka mag-aaral?" ang natanong ko nalang sa sinabi nito.

Lumawak lang ang ngito sabay turo sa sentido nya.

"everything is right here, angel." napangiti nalang din ako sa inasta nito.

Hindi ko alam kung sinasadya nya lang ba or what. Pero alam kong matalino ito pero sa dalawang araw na naming nagkaklase ay lagi kaming may short exam sa bawat subjects at ang hindi ko mahinuha eh kung bakit lagi nyang inamalian ng isa ang mga exams nya, kaya ang ending tuloy ay nananatili lang sya sa pangalawa. At nang tinanong ko sya ay kibit balikat lang ang sinagot nya o di kaya ang pamatay nyang ngiti.

"hi! C, wanna go with us to smoothie cafe to chill?" ang biglang singit ni Chantelle sa usapan namin ni Chryo.

"i'm busy, go ask someone else." ang walang lingon namang tugon ng isang toh.

Ito din ang isang dahilan kung bat ako pinanlilisikan ng tingin ng mga kaklase namin. Eh kasi ako lang talaga ang nakakapagpangiti sa mokong na ito.

Nginitian ko nalang si chantelle ng mabaling sakin ang irritable niyang tingin pero tinarayan lang ako nito. Kitams?

....

Natapos ang buong araw ko sa school at eto na ako sa loob ng sasakyan na minamaneho ni manong Vlad.

May kailangan daw na asikasuhin si Uji kaya naman tong si manong na ang sumundo sa akin. Hindi man ako sanay na hinahatid-sundo nino man ay pinipilit ko na ring sanayin ang sarili ko, dahil ito ang gusto ni Uji para sa akin.

Nang makarating na sa condo ni Uji ay deretso na ako sa kusina matapos akong magpalit ng damit sa kwarto.

Habang naghihiwa ng mga gulay ay may sa kung anong nararamdaman akong hindi magandang mangyayari pero iniwaglit ko nalang ito. Mas pinagtuonan ko nalang ng pansin ang gagawing hapunan namin ni Uji mamaya.

Nasa gitna ako ng paghihiwa nang biglang tumunog ang door bell.

"hmmm may bisita? Eh ang sabi ni Uji walang ibang nakakaalam ng Condo nya na ito kundi ako at sila manong Thrace at Vlad lang. At hindi naman dumaadaan sa entrance door sila manong dahil may ibang door na direkta lang sa kwarto nila manong. Hmmm sino kaya ito." nagtataka man ay pinindot ko ang screen ng tablet sa may wall ng kusina upang makita kung sino ang nasa labas ng pintuan.

Unti unti narin akong nasasanay dito sa condo ni Uji. Kahit pa mejo complicated madalas ang mga gamit ay natututunan ko din naman gamitin ang mga ito kahit papano.

Mula sa screen at tumambad sa screen ang isang mejo may katandaan nang lalaki na singkit, isang maganda at sexy na babae at si manong Vlad.

Dahil nandun naman si manong Vlad ay nagmadali akong buksan ang pintuan.

At isang tila nakakapanlamong titig mula sa matandang lalake ang sumalubong sa akin.














"Nasaan ang anak ko?" saad nito sa napakalalim na boses.







Shems meet the daddy pala ang peg ko ngayon di ako nainform!








Itutuloy...

Hahaha boring!

Soar high guys!

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now