Kahuli huliang tula

260 6 0
                                    

Unedited.

Isang daang tula, limang daang tula hanggang sa isang libong tula
Alam ko namang kahit ilang tula pa ang aking isulat
Hindi mo maibabalik ang pagmamahal na naiibibigay ko sayo
Gamit ang mga tulang ito
Dahil hindi naman talaga ako ang mahal mo
Kundi ang taong laging kasa-kasama mo
Yung taong laging nandiyan para sayo
Hindi tulad ko, nagmamahal ng patago,
Yung tipong hanggang tingin,
Hanggang sa iyong mapansin,
Ngunit hindi yun kelan man magiging makakatotohanan,
Dahil may mahal ka na nga,
At sana hindi ka niya pakawalan pa,
Dahil hindi niya alam kung gaano siya kaswerte,
Dahil ang babaeng mahal ko, ay pag-aari niya,
Pero alam ko namang wala akong karapatan na magbigay ng payo,
Dahil wala lang naman ako,
Isang hamak na tao na nagmamahal ng buo,
Sa isang tao rin hindi iyon kayang ibalik ng buo,
Ng walang kahit anong panunukso,
Sa kahit anong anggulo,
Sa mahalin mo ako ng totoo,
Gaya ng pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya,
Ngunit hanggang pangarap nalang ako,
Dahil balita ko, ikakasal na kayo,
At alam mo ba,
Ito na ang huling pinakamasakit na linyang nabuo ko para sayo,

'Mahal kita, at hindi iyon magbabago,
masabihan man ako ng tanga, e anong magagawa ko,
tao lang ako, na nahulog sa isang tao,
masakit man, ngunit wala akong magagawa,
andito ako sa mundo, para mamahagi ng pagmamahal,
ngunit ang di ko inaasahan, naibigay ko ng buo,
sa iisa lamang na tao'

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now