Ang Panahon Kung Saan Tayoy Nagmamahalan Pa

462 5 0
                                    

Mahal naalala mo pa ba
Ang mga panahon kung saan
Ang ating mga ngiti ay hindi mapawi pawi
Kung pano kumislap ang ating mga mata
Sa tuwing tayoy magkikita
Kung paano bumilis ang tibok ng ating puso
Sa tuwing tayoy magkakatitigan
At yung panahon kung saan
Totoo pa ang nararamdaman natin para sa isat isa
Yung mga panahong akala natin walang sino man ang makakabuwag pa sa relasyon natin
Yung mga panahong kung saan akala natin, hindi na tayo mahuhulog pa sa iba
Dahil ang sabi mo sa akin
"Ikaw ay sapat na para akoy hindi na maghanap pa ng iba"
Kung saan sinagot naman kita
"Sapat na sapat na para sa akin na malaman kung ikaw ay tunay na akin at walang iba pang may magmamay-ari sayo at sa puso mo"
At yun yung mga panahon kung saan matatagpuan nalang sa ating mga alaala
Sa ating mga isipan at sa ating mga panaginip
Akala ko nga tayo na hanggang sa huli
Yun pala nahulog ka sa iba at akoy iyong inawan na
Salamat sa mga pangakong napako
Salamat sa mga salitang puro kasinungalingan
At sa mga gawa mong masyadong nagpapasakit sa aking dibdib
Sa tuwing maalala ko

ANG MGA PANAHONG IYON

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now