mahal kita ngunit paalam na

610 9 0
                                    

Mahal kita
Dalawang salita
Ngunit madali ngabang sabihin
Madali ngabang bigkasin
Ang dalawang salita
Na pwedeng magpakilig sa iba
O magpadurog ng puso nila
Dalawang salita
Na pwedeng may taong umasa sa wala
O di kaya ay maiwang nakatunganga
Dalawang salita
Na pwedeng pumatay
At pwedeng magpatamlay sa iba
Mahal kita ngunit paalam na
Hindi kita kayang saktan
Hindi kita kayang paasahin
Hindi kita kayang durugin
Totoo namang mahal kita
Ngunit pagod na ako
Ubus na ubos na ako
Gamit na gamit na ako
Kaya tama na
Kaya paalam na
Pero wag mong kakalimutan
Mahal na mahal kita
Pero paalam na

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon